00:00Pinungunahan mismo ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ng First Family
00:04ang pagunita sa anibersaryo ng kamatayan ng ating pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
00:11Sa kanyang mensahe, iginiit ng Pangulo na nawaypiliin ang bawat isa ang malasakit sa kapwa
00:17kaysa sa pansariling interes.
00:19Si Denise Osorio, sa Sentro ng Balita.
00:24Malasakit at kabutihan sa kapwa ang pangunahing mensahe ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:30ngayong araw ng pagbugunita ng ika-isang daan at dalawamput siyam na anibersaryo ng pagkamartir ni Dr. Jose Rizal.
00:37Ayon kay Pangulong Marcos, kailangan nating pairalin ito lalo na sa mga nangangailangan ng tulong,
00:43may karamdaman at dumaranas ng hirap upang maging liwanag at pag-asa sa kapwa Pilipino,
00:49hindi lamang ngayon kundi sa mga susunod pang taon.
00:53Kaninang umaga, pinangunahan ng Pangulo ang paggunita ng Rizal Day sa Bantayog ni Rizal sa Rizal Park sa Maynila.
01:00Binang bahagi ng seremonya, ibinaba sa half-mast ang watawat ng Pilipinas bilang simbolo ng pambansang pagluluksa
01:07at paggalang sa pambansang bayani na si Dr. Jose Rizal.
01:11Kasama ng Pangulo sa seremonya si Unang Ginang Luis Araneta Marcos
01:15at ang kanilang mga anak na sina Ilocos Norte 1st District Representative Ferdinand Alexander Sandro Marcos,
01:22Joseph Simon Marcos at William Vincent Marcos.
01:26Nag-ally din ang first family ng mga bulaklak sa Bantayog ni Dr. Jose Rizal,
01:31kung saan nagbibigay-pugay ang mga opisyal ng pamahalaan,
01:34kinatawan ng sandatahang lakas ng Pilipinas at iba't-ibang sektor ng likunan.
01:39Binigyang diin din ang Pangulo sa kanyang mensahe na sa pamamagitan ng mga akda at sakripisyo ni Rizal,
01:45nabuo ang kamalayan ng mga Pilipino bilang isang bayan na may dignidad,
01:49may kakayahang magpasya para sa sarili,
01:52at handang tumindig bilang kapantay ng ibang mga bansa.
01:55Aniya, sa panuhong patuloy na hinihingi ng mamamayan ang integridad at pananagutan,
02:01nananatiling gabay ang buhay ni Rizal bilang role model ng pagmamahal sa bayan,
02:07paggalang sa katotohanan, pagsusumikap para sa makatarungang reporma,
02:11at tapang na ipaglaban ang tama.
02:14Hinihikayat din ang mga Pilipino, lalo ng mga kabataan na labis na pinahalagahan ni Rizal,
02:19na ipares ang pagiging makabayan sa responsabling pagkamamayan upang higit na makapaglingkod sa bansa.
02:27Denise Osorio, para sa Pambansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments