00:00Takitaan ng Department of Environment and Natural Resources ng tatlong paglabag
00:05ang isang high-end residential project sa Cebu City.
00:09Ang proyekto ito ang sinisisi sa matinding pagbasa ng sod noong Bagyong Tino.
00:14May una balita si Luan May Rondina ng GMA Regional TV.
00:21Ladies and gentlemen, the rice at Monteros.
00:26Sa video na inalabas sa kanyang YouTube account noong 2023,
00:30ipinakilala ng celebrity at project lead engineer na si Slater Young
00:34ang high-end residential project na ito sa Barangay Guadalupe, Cebu City.
00:39Sinabi noon ni Young na sustainable ang malahagdan-hagdang proyektong sinimula noong 2024.
00:45This whole structure is now spread out across the mountain,
00:49making it a whole lot safer and less yung environmental impact natin.
00:54By doing this trip also of greenery, we are able to give back towards the mountain one hectare of greenery.
01:03May irrigation system din anya ito na kawangis ng ginagamit ng mga magsasaka na kokolekta ng tubig ulan.
01:10This entire building will be collecting all the rainwater to a tank down below
01:16and then meron tayong irrigation system from the irrigation system.
01:21And by the way, amenity area will be supplemented by solar power also.
01:25So that's another sustainability thing that we did.
01:28Pero nang humagupit ang bagyong Tino noong nakaraang linggo,
01:32ganito ang nakunan sa isang viral video.
01:35Sinisisi ng uploader ang Monterasas sa nangyari.
01:49Sa isa pang video, makikita naman ang tila,
02:19nakalbo ng bahagi ng burol kung saan itinatayo ang proyekto.
02:23Ayon sa Department of Environment and Natural Resources,
02:26nakakuha ng tree cutting permit ang proyekto.
02:29Pero mula sa higit pitong daang puno sa lugar noong 2022,
02:33labing isa na lang ang natira.
02:35Isa ito sa tatlong nakitang paglabag ng DNR.
02:39Nilabag din a nila ang Presidential Decree 1586
02:42na nagsusulong ng Philippine Environmental Impact Statement System.
02:46Bigo rin umano ang proyekto na makakuha ng discharge permit
02:50alinsunod sa Philippine Clean Water Act of 2004.
02:55Ayon pa sa DNR, kulang pa ang planong centralized retention pond
02:59at labing limang iba pang retention pond
03:02o mga estrukturang sasalo sana sa tubig ulan.
03:06Kung natuloy, kaya sanang sumalo ng tubig
03:08na kasingdami ng mahigit pitong Olympic swimming pool.
03:12Ang analysis is itong 18,500, itong mga na-establish
03:17or to be established pa ng mga detention ponds
03:19that would somehow catch yung mga water
03:23para ma-eliminate or ma-prevent yung mga run-off going down.
03:28Yung nakita namin is only 12 detention ponds.
03:32Sapat ba yun? So parang hindi siya sapat.
03:34So dapat i-upgrade.
03:35Bukod dyan, sa 33 Environmental Compliance Certificate o ECC,
03:40may sampung nilabag ang proyekto.
03:43Dahil sa mga ito, ayon sa kagawaran,
03:45posibleng maharap sa reklamong administratibo at kriminal
03:49ang nasa likod ng kinekwestyong residential project.
03:52Patuloy naming hinihinga ng panig ang mga nasa likod ng proyekto.
03:56Bukod sa Monterasas, may iba pang mga proyektong iniimbestigahan
04:00dahil marami pang lugar sa Cebu ang binaharin.
04:03Ito ang unang balita.
04:06Luan Merondina ng GMA Regional TV para sa GMA Integrated News.