00:00Mga kapuso, ikaw nga nila, it costs nothing to be kind.
00:10Piliin natin maging mabuti dahil wala itong bayad pero may sukli.
00:15Mga kapuso, ang kabutihan kasing ibinibigay at ipinapakita natin sa iba,
00:20kayang lumika ng malaking pagbabago sa ating kapwa.
00:24Ngayong World Kindness Day, tampok namin ang kwento na isang lalaking 15 taong gulang sa liloan sa Cebu na si J-Boy Magdadaro.
00:36Sa kasagsaganang panalasa ng Bagyong Tino, naging sandigan siya ng kanyang mahigit 50 kababayan.
00:43Matapang na sinuong ni J-Boy ang baha at isinakay sa maliit na bangka ang mga kababayan hanggang sa makarating sa ligtas na lugar sa kanilang barangay.
00:54Mula po umaga hanggang hapon, hindi inindan ni J-Boy ang pagod o yung takot.
01:00Ang paniniwala niyang kaya niyang suungin ang mataas na tubig, nagugat daw sa araw-araw niyang pag-i-skimboard sa dagat.
01:08Bilang pagkilala sa kanya ng LGU, bibigyan po si J-Boy ng scholarship hanggang kolehyo.
01:15Si J-Boy isang huwaran ng pagbibigay ng kabutihan ng walang hinihintay na kapalit.
01:22Kaya nawa, gumawa tayong lahat ng kabutihan araw-araw at hindi lang ngayong World Kindness Day.
Comments