00:00Umarangkada na ang 2025 Regional Science, Technology and Innovations Week
00:05ng Department of Science and Technology sa San Jose, Occidental, Mindoro
00:09na magtatagal hanggang sa biyernes.
00:12Ito'y sa pangunguna na rin ni Science and Technology Secretary Renato Solidum Jr.
00:17Tampok sa unang araw ang mga makabagong teknolohiya at innovations na makakatulong sa komunidad.
00:23Ang programa ay may apat na pillars, ang human well-being, wealth creation, wealth protection at sustainability.
00:32Ang 2025 Regional Science, Technology and Innovation Week ay may temang siyensya, teknolohiya at inobasyon.
00:40Kabalikat sa matatag, maginhawa at panatag sa kinabukasan.
00:45At may tagline na Changing Lives Through Science.