Skip to playerSkip to main content
Ilang araw nang usap-usapan online kung paanong tila nalusaw umano ang mata ng Bagyong Uwan nang tumama sa Sierra Madre. Sabi ng mga eksperto, landfall ang nagpapahina sa isang bagyo pero may epekto pa rin ang mga bundok. Sabi naman ng isang grupo, makakatulong 'yan kontra-baha kung hindi kalbo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Ilang araw ng Usap-Usapan Online kung paano tila nalusaw umano ang mata ng bagyong uwan nang tumama sa Sierra Madre.
00:08Sabi ng mga eksperto, landfall ang nagpapahina sa isang bagyo pero may epekto pa rin ang mga bundok.
00:15Sabi naman ng isang grupo, makakatulong yan kontrabaha kung hindi kalbo.
00:21Ang estado ng mga gubat ng Sierra Madre sa pagtutok ni Chino Gaston.
00:25Hindi na iwasan ang pananalasan ng bagyong uwan sa North Luzon.
00:34Pero paniwala ng marami, mas marami pa ang nawalang buhay, bahay at kabuhayan kung wala.
00:41Ang mga kabundukan sa Luzon, particular ang bulubundukin ng Sierra Madre.
00:47Iingatan ko kayo hanggang dulo, basta iingatan nyo din ako!
00:51May mga nagpost pa sa social media na tila ba diwata ang Sierra Madre.
00:57Mga nagpunto pang tila nalusaw ang mata ng bagyong uwan nang tumama sa Sierra Madre batay sa satellite image nito.
01:04Pero pinahihina nga ba talaga ng mga bundok ang isang bagyo?
01:09Medyo tama raw ang pananaw na yan ayon sa pag-asa.
01:13Pero ang nagpapahina talagaan nila ng bagyo ay ang pagtama nito sa kalupaan o landfall.
01:19So regarding naman dun sa structure ng bagyo, kung saan napapansin nga po ng iba, buong-buo yung mata niya dito sa may Philippine Sea.
01:26Pero pag tama dito sa kalupaan ng Sierra Madre, nabasag yung kanyang sirkulasyon.
01:30Definitely, may effect din po yung matataas na mga lugar, yung mga mountainous areas ng Sierra Madre,
01:36ng Carabalho and Cordillera Mountain regions dito po sa structure o itsura ng isang bagyo.
01:42Kaya madalas hindi na natin nakikita yung ikot o yung sentro o mata ng bagyo kapag tumama na ito sa kalupaan.
01:48Sa ginawang simulation ng mga atmospheric scientists ng UP, may bundok man o wala ang Luzon,
01:55halos pareho lang ang paghina ng bagyo kapag nakarating na sa lupa.
02:00Ayon sa kanya, lumalakas kasi talaga ang bagyo sa dagat dahil sa nag-e-evaporate na tubig.
02:06We simulated 40 plus na bagyo na dumaan sa Luzon.
02:10So ginawa namin is dun sa isang simulation, nandiyan si Sierra Madre.
02:14Another simulation, flee natin namin si Sierra Madre.
02:18So ang tanong ngayon ay kung malakas yung effect ni Sierra Madre.
02:22So ibig sabihin, dun sa flattened, hindi kaanong hihina yung bagyo.
02:26Dun saan nandiyan si Sierra Madre, hihina yung bagyo.
02:29And it turns out na medyo same lang yung paghina ng bagyo.
02:34Hindi man ganoon galaki ang epekto sa mismong pagpapahina ng bagyo,
02:39malaking tulong naman ito sa pagsalo ng ulang ibinubuhos ng bagyo kung hindi pa kalbo ang mga gubat nito.
02:46I just say, Sierra Madre Network Alliance, kung sira na ang mga gubat,
02:51mas malaki ang tsansa ng pagguho ng lupa at tuloy-tuloy nadadaloy ang ulang magpapabaha sa kapatagan.
02:58At bagaman nakakatuwaan nila ang mga meme at contact na nagdidiin sa papel ng Sierra Madre,
03:06sanaan nila hindi lang sa social media ang mga hakbang para protektahan ang Sierra Madre.
03:11Kalat-kalat yung iba't iba mga quarrying companies, nickel companies, mga mining companies.
03:17Actually, sa Nueva Vizcaya nga ay mayroong nakakuha ang permit ng isang mining corporation.
03:26The same way ay yung ongoing na pagtatayong ngayon ng kaliwaddam na talagang malawakan na tinututulan nito
03:34ng mga partners sa aming mga katutubo.
03:36Justo na men sa organization na mag-translate yung creativity sa social media into warm bodies
03:45na nagla-lobby sa DNR, nagko-community organizing, nagsasama-sama para mag-tree planting.
03:55Mas tingko yun yung challenge doon sa marami mga netizens.
04:00Sa datos ng GMA News Research, patuloy na lumiliit ang kagubata ng Sierra Madre na napapaloob sa 10 lalawigan ng Luzon.
04:07Ang mahigit 1,800,000 ektarya nitong gubat noong 2003, nabawasa na ng mahigit 130,000 ektarya batay sa survey noong 2020.
04:20Kung magpapatuloy ang ganitong bilis na pagkalbo, posibleng umanong mga lahati ang kagubatan sa Sierra Madre sa taong 2031.
04:28At sa 2075, tinatayang one-fourth o 25% na ng kagubatan ang matatapyas.
04:35Sa taong 2030, tinatayang kasing lawak ng Metro Manila ang makakalbong kagubatan.
04:41Nangunguna sa pinakamalaking porsyento ng nabawas na gubat ang mga lalawigan ng Rizal, Nueva Ecija at Cagayan.
04:49Sinisika pa namin makuna ng bayag ang DENR.
04:53Para sa GMA Integrated News, Chino Gaston na Katutok, 24 Oras.
04:58Sampai jumpa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended