Skip to playerSkip to main content
Sinakto ng masasamang loob sa pananalasa ng Bagyong Uwan ang panloloob nila sa isang fast food sa Santa Maria, Bulacan. Sa bayan naman Marilao, pulis ang nanloob sa isang convenience store. May report si Marisol Abdurahman.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sinakto ng masasamang loob sa pananalasa ng bagyong uwan ang panaloob nila sa isang fast food sa Santa Maria, Bulacan.
00:08Sa bayan naman ng Marilau, polis ang nanloob sa loob ng isang convenience store.
00:13May report si Marisol Abduramar.
00:18Habang nararamdaman ang bagyong uwan itong linggo, sinamantala ng ilang kawatan na pasukin ang isang fast food sa Santa Maria, Bulacan.
00:25Huli kam ang pagpasok ng lalaking na kahood at face mask sa isang silid.
00:30Maya-maya pa, may hila na siyang volt.
00:33Nakaabang sa labas ang tatlo niyang kasabwat.
00:36Natuntun sa hot pursuit operation ang hideout ng grupo sa Kaluokan.
00:42Timbog ang dalawa sa apat na suspect na recover ang kanilang getaway vehicle.
00:47Pati ang itinapong volt sa NLEX pero wala na ang laman itong 300,000 pesos.
00:55Nang panggap na may bibilhin ang lalaking na kapulang hoodie
01:00nang pumasok sa isang convenience store sa Santa Rosa Uno sa Marilau, Bulacan, Pasadola, Chete, kagabi.
01:06Pero diretsyo siyang pumasok sa counter at nagdeklara ng hold up.
01:10Mula sa counter, naglakad siya kasama ang kahera papunta sa kwarto kung nasaan ang volt.
01:15Nilimas niya ang pera at tumakas.
01:17Agad nakatawag ang mga staff ng convenience store sa polis na nagsagawa ng follow up operation.
01:22Tin-try na pahintuin siya nung ating mga kapulisan na pinapahinto siya pero hindi siya huminto
01:28and baggos siya ay nagpaputok, pinaputokan yung mobil natin which prompted our personnel to return fine.
01:36Tinamaan ang suspect.
01:38Dinala siya sa ospital pero idinaklarang dead on arrival.
01:41Na-recover ng mga pulis ang 20,000 pesos na ninakaw niya sa convenience store.
01:46Dito na-discovering ang suspect, isa ring pulis.
01:49Ako mismo ang parang nanlumo rin ako nung nalaman ko na yung suspect pa na natin,
01:54hindi lang aktibong pulis, opisyal pa ng pulis.
01:58Nakakalungkot dahil nagbarilan, ang kabarilan mo kapwa pulis mo pala.
02:02Isa siyang police captain na chief ng investigation ng Kaloocan Police sa North Kaloocan.
02:07Nakuha sa kanyang-kanyang pulis ID at service firearm na ginamit niya sa panguhold up
02:12at sa pakikipagbarilan sa mga kapwa pulis.
02:15Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended