00:00Bago ngayong gabi, nasa kote ang isang foreigner na suspect sa pagnanakaw sa mga establishmento sa Metro Manila.
00:07Inareklamo rin siya ng TNVS driver dahil sa hindi pagbabayad ng pamasahe.
00:12May report to Jomer Apresto.
00:17Aakalain mong may-ari ng restaurant sa Taguigang Foreign National na yan na nagpapaikot-ikot sa loob noong January 26, 2026.
00:25Pero ang dayuhan ng Palestinian, magnanakaw pala.
00:29Ayon sa NCRPO, natangay ng 35-anyos na suspect ang nasa P50,000 na halaga ng mga gadget at cash.
00:37Makalipas ang halos dalawang linggo, nilooban ang dayuhan ng isang hostel sa Mandaluyong at kinuha ang nasa P5,000 sa Kaha.
00:44Nataon na nagsesurveylan sa mga tauhan ng Anti-Carnapping Section at Regional Intelligence Division ng NCRPO.
00:50Narinig daw ng mga operatiba ang sigaw ng may-ari ng hostel kaya agad nilang hinabol ang suspect.
00:55Nakuha sa kanyang isang patalim at nabawi ang pera.
00:58Nang dalhin sa tanggapan ng NCRPO, isang TNVS driver ang lumutang at inireklamo rin siya.
01:04Tinok siya itong ating Palestinian na ito at matapos na magpaikot-ikot at magpunta sa kung saan saan lugar ay hindi na siya binayaran.
01:12Nagkaroon sila ng pagdatano at kalaunan ay hindi pa rin naman siya nabayaran.
01:17Taong 2019, dumating sa Pilipinas ang suspect at nasangkot na rin sa ibang insidente ng pagnanakaw.
01:22Parang lulong yata sa sugal itong ating Palestinian national.
01:25Talaga pong ano eh, ginagawa niya ng habit yung pagnanakaw, pagkapos siya daw ay nauubusan ng pang-tustos sa kanyang pagsasugal.
01:35Ilang beses na rin daw siyang nakukulong pero nakakalaya dahil sa kakulangan ng ebidensya.
01:40Ang iba naman, inaatras na mga complainant ang reklamo.
01:43Noong August 2024, nakuhanan pa ng GMA Integrated News ang suspect na nagwala sa loob ng tanggapan ng Manila Police District.
01:51Inireklamo siya noon ng isang taxi driver dahil sa hindi niya pagbabayad ng 400 pesos na pamasahe.
01:57Inihahanda na mga reklamo na isasampas sa kanya.
02:00Sinusubukan pa namin makuha ang pahayag ng dayuhang sospek.
02:03Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments