00:00Samantala, kilala ang Sierra Madre bilang pangunahing panangga ng Pilipinas laban sa mga bagyo.
00:05Pero gaano nga ba ito kahalika?
00:07Ang detalya sa report ni Rod Laguzad.
00:12Matapos ang pananalasan ng Bagyong Uwan, usap-usapan muli ang naging papel ng Sierra Madre dito.
00:18Maraming posts sa social media kasama na mga komento na mga netizen na nagsasabing
00:23na katulong ang Sierra Madre para pahinain ang bagyo.
00:26Pero totoo ba ito?
00:27Tama dahil nakakatulong ang Sierra Madre sa pagpapahina ng wind speed o hangin dala ng bagyo.
00:33Pero maling sabihin na ito lang ang tanging dahilan para humina ang isang bagyo ayon sa pag-asa.
00:38Paliwanan ni Pag-asa Weather Specialist Jan Manalo,
00:41oras na tumama sa landmass o kalupaan ng isang bagyo,
00:44otomatikong itong nakakatulong para humina ang bagyo at karagdagang tulong ang Sierra Madre.
00:49Mawawalan na siya ng source ng energy.
00:52Unlike dun sa karagatan na mataas yung moisture content.
00:55Dahil sa kalupaan, dahil konti na yung moisture dyan, dahil hindi na yan masyadong magpoproduce ng moisture
01:01o yung water vapor na mag-evaporate,
01:05ibig sabihin, mababawasan yung magiging tutulong sa bagyo na mas lumakas pa.
01:10Dahil dito, kapag pumasok pa ito sa kalupaan kasama na ang pagkakaroon ng interaction sa Sierra Madre
01:15at iba pang bahagi ng Luzon, ay inaasahan na ihina pa ang bagyo.
01:19Oras na magkaroon ng interaction ng bagyo at Sierra Madre, nandito ang posibilidad na mat-tilt ang mata ng bagyo.
01:26Pero that doesn't mean nawala na yung mata ng bagyo.
01:29Manunumbalik yan kapag nag-rearrange.
01:33Ayusin niya ulit yung kanyang mata.
01:35And then, in short, yung eastern part ay hindi talaga ganun.
01:39Kasi dun yung direct hit ng bagyo, hindi talaga siya mapoprotektahan.
01:43Unless kung dumaan na siya ng mountain range.
01:45Anya nakakadagdag tulong din para humina ang bagyo kapag mas matagal ang pananatili nito sa lupa.
01:51Sa paghina nito, paliwanag ni Manalo ay hindi ibig sabihin.
01:54Kasama na rito, ang dami ng ibubuhus na ulan.
01:58Pagating kay Bagyong Uwan, nakatulong na naging mabilis ang pagtawid nito sa kalupaan ng Luzon.
02:03Dahil mas kakaunti ang ulan na maaaring ibuhus nito.
02:06Rod Lagusad, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.