00:00Samantala, sa punto pong ito, humingi tayo ng update kay Office of Civil Defense spokesperson Junie Castillo,
00:06kaugnay sa lawak ng pinsala ng Bagyong Uwan.
00:10Magandang gabi po, sir.
00:11Sir Junie Castillo.
00:13Sa ating pong mga taga-panood at saka taga-paginig na din po.
00:16Alright. Well, sir, ano po yung pinakahuling update sa epekto po ng Bagyong Uwan sa iba't ibang rehiyon para po sa kalaman ng ating mga taga-panood?
00:26Sir Junie Castillo.
00:30Sabi mo, nakamute yun tayo.
00:33Audrey, hindi lang namin marinig. Wala kami marinig on your side.
00:37Pero if we're looking at yung ating mga apektadong kababayan pagdating dito sa Bagyong Uwan,
00:47so far po sa datos natin as of the latest na 6 o'clock p.m.,
00:52meron na pong nakatala na 1.4 million nating mga kababayan ang apektado.
00:58Ito po ay nanggagaling po from 4,000 barangays at ito po ay composed of 381,000 families po na apektado nitong Bagyong Uwan.
01:13Okay, sir Junie, ilan na po ang naitalang casualty o nasa way?
01:20Ilan din po yung mga nawawala o nasaktan ayon po sa inyong monitoring?
01:24Audrey, kanina kasi naibalitan natin yung dalawa.
01:31So far, ngayong hapon, yun pa rin po, dalawa po ang naitala, reported deaths sa atin.
01:38Ito po ay yung isang fatality po, reported from Viga Catanduanes.
01:43At yung isa naman po ay mula sa Katbalogan City sa Samar.
01:47Meron naman pong injured na dalawa at saka wala pong reported na missing as of ngayong 6 p.m. po.
01:55Okay, sir, kamusta po yung koordinasyon ng OCD doon sa mga lokal na pamahalaan sa mga lugar na tinamaan ng bagyo?
02:03So far, Audrey, kausap natin yung ating mga OCD regional offices, yung mga RDRRMC, EOC natin.
02:14At sila naman ay closely coordinating with itong ating mga provincial DRRM offices doon sa mga emergency operation centers din nila.
02:24So nakukontak pa naman po ito.
02:26Ang isang kagandahan dito ay dahil nga po meron tayong mga backup po sa communication facilities.
02:35So so far po, ito inaantay natin yung mga kabuuan pa ng mga resulta ng rapid damage and needs assessment.
02:43And so far, as of this afternoon, ito yung ating datos ng mga nakakalap.
02:48Pagdating naman lalo na dito sa casualties so far, and hopefully po ay hindi na ito madagdagan.
02:54Sana nga po, sir.
02:54Well, sir, nung huling panayan po namin sa inyo, sinabi ninyo na may mga lugar na wala pong supply ng kuryente.
03:02Naibalik na po ba ito o meron pang mga bayan na wala pa rin supply ng kuryente?
03:08Tama, Audrey. Meron pa rin mga bayan na wala pa rin supply ng kuryente.
03:13As of itong 6pm pa rin po, meron kasing 258 areas na nawalan ng kuryente.
03:20And so far po, ang naiulat sa atin dito that have already been restored, ay ito nga pong 18 or 18 have been restored.
03:29Ang isang challenge lang dito kasi, Audrey, malakas yung bagyong tumama.
03:34So, yung nauna talaga ay yung debris clearing.
03:37And then, syempre, pati na rin yung mga distribution lines, yung mga kuryente or linya ng kuryente papunta dun sa ating mga kabahayan.
03:44So, yun yung isang challenge po doon. Kaya hindi agad maibalik.
03:49Pero kasama rin kasi dito sa datos na ito, Audrey, ay yung mga preemptive shutdown na isinagawa ng ating mga electric cooperative.
03:57Kasi inaasahan nga natin na malakas yung hangin, malakas yung mga pagulan.
04:02Kaya maaaring maapektuhan yung ating mga linya ng kuryente, lalo na yung mga poste, yung mga punong kahoy natatama dun sa mga poste.
04:10At ganoon din yung mga linya papunta sa mga kabahayan.
04:13Okay, Sir Juney, para po sa kalaman ng ating mga motorista, may mga lugar po ba o mga kalsadang hindi madaanan o hindi pa tapos yung clearing operation?
04:24Tama, Audrey. As of this 6pm pa rin, out of the 148 na not possible na mga naiulat sa atin,
04:33ngayon merong 37 of those have been reported na possible na.
04:39So marami pa po mga areas na tinitingnan natin na hindi pa madaanan dahil nga po ongoing yung mga debris clearing.
04:48Kasi sa lakas po kasi noong hangin, marami mga punong kahoy at mga falling debris na nandun sa mga kalsada.
04:57Kaya ito yung uno-una for the day, yung debris clearing natin.
05:00Well, Sir, paano po makikipag-ugnayan ang mga nais tumulong o magbigay ng donasyon sa pamamagitan po ng OCD o NDRRMC?
05:09Opo, Audrey. Dito na pag-usapan kasi sa NDRRMC na ang mga donations kung maaari po talaga ay idaan sa Department of Social Welfare and Development.
05:22Makikita itong mga protocols o kung pamamaraan kung paano gagawin ito through the DSWD.
05:28And in fact po, sa Facebook page ng DSWD ay nandun po nakalagay doon kung paano makikipag-ugnayan yung ating mga kababayan at mga pribadong kumpanya
05:39para po mas maorganisa natin yung pagpapadala.
05:43Lalo po, syempre, na mas nakakaalam sa atin yung DSWD which leads the food and non-food item cluster kasama ng ibang mga ehensya doon
05:53para at least yung resource management ika nga. Alam natin kung saan ipadadala, anong mga lugar ang mga ngailangan ng kung kaanong mga food man yan or non-food items.
06:04So, yun po ang pinapakiusap natin.
06:06Well, Sir Juney, may mga humihingi po ba ng tulong mula naman doon sa mga liblib na lugar o yung mga isolated areas?
06:15So, for Audrey, yung pa din yung mga food and non-food items at saka doon sa mga areas na kung saan kakailanganin na yung mga replacements,
06:23base doon sa mga preposition na mga food and non-food items.
06:28So, kaya ngayong araw na ito ay debris clearing talaga na madaanan yung lahat ng mga kalsada para maiparating itong mga augmentation na natin
06:39kumbaga doon sa mga lugar na mga ngailangan pa ng mga additional na mga pagkain o mga hygiene kits at saka mga gamot at kung ano pa mga non-food items.
06:50Well, Sir, ayong po sa pag-asa, mamaya pong ating gabi ay lalabas na po itong bagyong uwan.
06:57Ibig sabihin po ba nito ay mapapabilis na yung ating mga sinasagawang mga rescue operations at pagtugon sa mga nangangailangan dahil nasa kalimidad na ito?
07:06Tama, Audrey. Malaking bagay kapag hindi na maulan, hindi na malakas yung hangin para at least lahat ng ating mga response clusters ay makakababa na.
07:18Magmula man yan doon sa local hanggang sa augmentation ng regional at saka national din.
07:24Specifically, ito pong ating mga debris clearing, itong search and rescue teams at saka kasunod po nito syempre yung mga ating mga magdadala po ng mga relief items.
07:36At ganoon na rin syempre para mas mapabilis din yung restoration ng mga linya ng kuryente, ng komunikasyon at saka iba pa pong mga pangangailangan doon.
07:45Dahil nga po ang tugon sa atin o direktiba sa atin o namahal na Pangulo ay talagang direkta po at saka maagap at mabilis na pagtugon doon sa ating mga kababayan.
07:56Sir, maraming salamat po sa lahat ng informasyon na binahagi niyo sa amin. Maraming salamat OCD spokesperson Juni Castillo.