Skip to playerSkip to main content
Panayam kay Office of Civil Defense Spokesperson, Junie Castillo ukol sa update sa epekto ng Bagyong #VerbenaPH

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 7:00 am | 7:30 - 8:00 am
Balitang Pambansa - 7:00 - 7:30 am | 12:00 - 12:30 pm |
6:00 - 6:30pm | 9:30 - 10:00 pm
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:30 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:30 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 10:00 pm - 10:30 pm

Saturday & Sunday:
►Sentro Balita Weekend - 1:30 - 2:00 pm
►Ulat Bayan Weekend - 6:15 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Update sa epekto ng Baguio Verbena, ating alamin.
00:03Kasama si Junie Castillo, ang tagapagsalita ng Office of Civil Defense.
00:07Sir Junie, magandang tanghali po.
00:11Magandang tanghali, DL. Magandang tanghali, A&U, si Caboy at sa ating mga mananood.
00:16Sir, una sa lahat, ano na po ang pinakalites na bilang ng mga pamilyang naapektuhan ng Baguio Verbena
00:22at ilan po ang pamilyang inilikas na at nananatili sa mga evacuation shelter?
00:30As of this morning, DL, ang ating datos na nakarating na sa NDR RMC,
00:35meron po tayong 78,736 na mga kababayang apektado.
00:42Ito nga pong Baguio Verbena.
00:45This is composed of 79,000 families.
00:49Tapos meron din po sa loob ng evacuation center,
00:53meron tayong 48,000 na nandun po ito sa 469 na evacuation center sa iba't-ibag pong rehyon.
01:04Okay, Sir Junie, paano naman tinitiyak ngayon ang OCD as a patang supply na pagkain,
01:07hygiene kits at medical support sa bawat evacuation sites?
01:10At kamusta naman po yung coordination nyo with other government agencies?
01:14Particular na po ang DSWD?
01:16Yusek Abay, no, through our NDR RMC.
01:21At ito nga ang ating NIACC or yung National Interagency Coordinating Cell.
01:27So magkakasama yung iba't-ibang ahensya kasi bilang na po yung ating DSWD.
01:32So coordination po ang ginagawa ng OCD.
01:36Kausap natin itong iba't-ibang ahensya.
01:39Pagdating naman po doon sa ating mga pagkain through the DSWD nga po.
01:45Dahil sila po ang lead agency natin doon sa food and non-food item cluster.
01:51Ito naman pong mga pagkain natin.
01:54Kasama na rin yung mga non-food items.
01:56Kagaya ng hygiene kits, ng mga shelter kits at saka iba pa.
02:00Ito naman po ay nire-replenish tuloy-tuloy.
02:03Ay kapag ka nababawasan, dinadagdagan.
02:06Tapos naka-strategically po, naka-latag na po ito at naka-warehouse sa iba't-ibang mga lugar sa buong bansa.
02:13At saka kasama din po dyan, yung paggawa ng predictive analytics.
02:18Pagka tinitingnan natin may paparating na bagyo, dito dadadaan sa mga rehiyon na ito.
02:22So tinitingnan doon ilan itong mga kababayan natin na mga ngailangan.
02:27At gaano karaming mga pagkain ang kakailanganin.
02:30So yun po ang piniproproposisyon na natin dito sa iba't-ibang mga regyon.
02:35Sir Juni, nakapagtala ng preemptive evacuation sa Western Visayas, Negros Island Region, Central at Eastern Visayas, pati na rin sa Caraga.
02:43Ano po yung naging basihan ng OCD sa pagbibigay ng direktiba para sa malawakang preemptive evacuation na ito?
02:50Dahil dito sa mga ginagawang preemptive evacuation, actually matagal na natin itong ginagawa.
02:56Ang mga basihan natin dito, unang-una kapag ganitong may paparating na bagyo, tinitingnan natin saan ang magiging track nitong bagyo.
03:05Ano yung mga lakas ng hangin at saka yung, lalo na dito sa Verbena, ang tinitingnan natin dito ay yung ulan na ibabagsak sa iba't-ibang mga regyon.
03:17So yun po yung unang basihan, the amount of rain through the heavy rainfall warning ng BOST pag-aasa.
03:23Pangalawa po, nabasihan natin dito, yung mula naman sa DENR Mines and Geosciences Bureau,
03:29nagpapalabas po nung mga listahan ng barangay na rain-induced landslide and flooding-prone areas.
03:36So yun po ang babasihan natin.
03:38So kapag nakikita yun, pinapadala ito ng OCD, ng DILG at ng iba't-ibang ahensya,
03:44papunta naman po dun sa ating mga local government units para abisuhan po itong mga barangay na prone nga po
03:51dito sa mga bantang panganib ng pagbuho ng lupa, ng pagbaha,
03:55para po mailikas yung ating mga kababayan doon.
03:59Nakikita ng mga LGUC itong mga lugar at mga kababayan natin na nandun sa mga lugar na delikado.
04:05So yun po ang mga nagiging basihan natin.
04:07Ang isa pa pong dinadagdag ngayon natin na ine-emphasize,
04:11na dati na rin sinasabi pero we make emphasis now,
04:15yung oras po nung pagbagsak ng ulan at yung oras din po nung high tide.
04:21Kasi marami tayong mga areas na binabaha dahil kapag nagkakasabay po itong high tide
04:26at saka yung malakas na buhos ng ulan,
04:28so mas mabilis po nagkakaroon ng mga flash floods.
04:31So basically yung po yung mga ginagamit natin yung nabasihan para magsabing kailangan lumikas nitong iba't ibang lugar.
04:40Sir, may naeulat din na landslides sa Kipot, Barasalon, sa Haniway, Iloilo.
04:47Sana hindi ko na murder yung pangalan na yun.
04:48Ano po ang kasalukuyang assessment ng OCD sa risk ng karagdaga landslides sa mga lugar na ito at patuloy na pagulan?
04:54Opo, dahil nga saturated yung ating mga lupa,
04:59dahil sa magkakasunod na linggo at in fact buwan paano ng mga pagulan at yung mga sunod-sunod na bagyok,
05:06meron tayong mga iba't ibang lugar, kasama na yung nabanggit niyo po sa Iloilo Yusek.
05:10Meron tayong sampung naiulat na landslide at saka 46 din,
05:16kung maisama ko na yung dun sa mga pagbaha din, 46 areas na binaha.
05:20Karamihan dun sa mga binaha ay nag-subside naman po,
05:24pero syempre yung mga bantanong pagguho ng lupa ay hindi pa natin inaalis yung possibility of that,
05:32especially dun sa mga areas, yung mga matataas na lugar, yung mga bundok,
05:37at saka yung mga inulan na mga lugar.
05:40Kaya dapat po pinag-iingan talaga natin yung ating mga kababayan
05:44at lalo na po na dapat inaabiso ito ng ating mga lokal na otoridad sa kanila
05:50kung pwede na bang bumalik o huwag munang babalik kung inuulan pa o umuulan pa
05:56para naman dito sa mga landslide-prone areas.
06:00Sir Juney, sa mga pagbaha, ilan at ano-ano pong lugar na po ang lubog sa tubig bahasa ngayon?
06:06At ano po yung mga hakbang ng OCD para mapabilis ang paglinis,
06:10pag-pump out ng tubig, at pag-monitor sa pagbaba ng water level?
06:16Dale dun sa 46 areas na binahan, these are coming from different regions.
06:22Kasama dito yung sa Region 7, yung mga dati na itong binahabi for,
06:27sa Cebu, and then kasama din yung Iloilo sa Region 6.
06:32Meron din some areas in Incaraga, and as well as yung may Maroko also,
06:36kasi ito yung track nung Bagyong Verbena.
06:39Doon naman sa areas na mga hindi pa nagsusubside,
06:43although most of these flooded areas,
06:46sabi naman po ay nagsubside na itong mga pagbahanan doon,
06:50pero doon naman po sa mga hindi pa nagsusubside,
06:53so inaabisuhan po natin yung ating mga kababayan.
06:55Hindi po po, kumbaga magintay po sa sasabihin ng lokal na otoridad
06:59kung kailangan man natili pa tayo doon sa mga evacuation centers,
07:04dapat doon lang po muna tayo.
07:06At saka yung pagdating naman po doon sa kung ipapump out man po
07:09o yung natural na paghupa po nung mga pagbaha.
07:13Ang naka-atang naman po din natin dito na cluster
07:17ay ito namang debris clearing and civil works cluster natin
07:21para naman doon sa paglilinis na doon sa mga areas na mga binaha.
07:26Ito naman po ay pinamunuan din ng DPWH
07:28at saka yung mga lokal na pamahalaan natin
07:31para doon sa mga paglilinis at pag-aasikaso ng mga lugar po ang mga binaha.
07:38Sir Juney, mula po sa report kahapon na itala ang tatlong road sections
07:41na hindi madaanan dahil sa baha at debris.
07:44Kamusta po ang koordinasyon ng OCD kasama po ang DPWH at LGUs
07:48para sa mga clearing operations para maibalik agad
07:51ang mobility sa mga apektado komunidad?
07:54USEC kasama sa ating nakapreposisyon
07:58yung mga kawanino nitong mga miyembro
08:00ng debris clearing and civil works cluster
08:04as mentioned nga po yung DPWH ang namumuno nito
08:08and then kasama din po iba't iba pang ahensya
08:11kasama din yung mga local government units.
08:14So for those areas po na mga merong landslide na kalsada
08:19na mga hindi madaanan dahil sa mga debris
08:21ito po ay ongoing na ginagawa po na paglilinis nito
08:25nung ating debris clearing and civil works clusters.
08:29And then ganun din po, syempre yung mga kasamahan natin
08:32syempre sa mga local government units
08:34meron din pong mga nakapreposisyon
08:37dahil ang utos nga po sa atin ng ating Pangulo
08:39ay dapat po na nakahanda
08:41ang ating mga ahensya ng pamahalaan
08:44magmula sa national to the regional hanggang sa local
08:46para po nakaantabayan na para ready to be deployed.
08:50In fact po, itong mga ahensya natin
08:52nung mga DPWH, nung mga search and rescue and retrieval teams
08:58also have been prepositioned and on standby
09:01para po diretsyo makapunta agad dito sa mga lugar
09:04kung saan sila kakailanganin.
09:06Sir, nagbigay na po ang NDRMC ng relief assistance sa Caraga.
09:11Sa tingin po ba ng OCDI sapat ito sa ngayon
09:13at ano ang contingency plan
09:15sakaling lumaki pa ang pangangailangan sa mga susunod na araw?
09:20Kung sapat po, di lang pag-uusapan
09:23dahil dun sa ating predictive analytics
09:25at sa mga prepositioning of resources
09:28sapat pa po ito.
09:30In fact, ngayon hindi pa natin nakikita
09:31or wala pa tayong masyadong nakikuhang report
09:35or request from augmentation from the local government units.
09:39Pagdating naman po doon sa ating mga relief assistance
09:42as mentioned earlier na
09:44nakapreposition naman po ito sa iba't-ibang warehouses
09:47natin sa iba't-ibang rehyon
09:49at yung iba nga po ay doon na mismo sa mga warehouses
09:52ng ating mga local government units.
09:54So, sapat pa po ito.
09:56In terms naman po kung kukulangin ito
09:58actually, nakapag-replenish naman po
10:01prior to yung nangyari pong Tino at saka Uwan
10:05nakapag-preposition at nakapag-replenish na po
10:09itong mga food and non-food items natin
10:12kaya hindi pa po natin nakikita kukulangin ito.
10:15Sir Juney, nagbigay din po ng babala
10:18ang pag-asa sa malalakas na hangin.
10:20Kamusta naman po ang monitoring ng OCD
10:21doon sa mga coastal and upland communities natin?
10:24Usek, so far ang mga reports natin doon
10:29sa mga coastal areas natin
10:31dahil ito rin nga po ang nauuna usually
10:34ng mga lugar na pinipreemptive evacuate natin.
10:37So, wala naman po tayo
10:38ang mga untoward incident na natatanggap
10:40in terms of mga kababayan natin
10:42na nasaktan o kung anuman.
10:44Pero meron din lang pong ulat po
10:47ng nawawala tayong kababayan po
10:51doon sa Negros Oriental naman po.
10:54Merong dalawa, one from Bae City
10:57and one from La Libertad, Negros Oriental.
11:00Ang initial report na aming nakuha
11:02ay parang naanood po yata sa creek
11:04itong dalawang kababayan natin.
11:06So, ongoing naman po yung search, rescue, and retrieval
11:09nito ng ating teams doon-doon
11:12sa mga lugar na ito.
11:14Sir, naglabas din ang pag-asa ng babala
11:17na maaari pa rin magkaroon ng heavy rainfall
11:19at severe winds kahit nasa labas ng track
11:22ni Verbena.
11:24Alin pong mga lalawigan at probinsya
11:27ang pinakasusceptible dito
11:28at paano ito inihahanda?
11:30Kung titinan po natin yung three-day forecast
11:35ng pag-asa,
11:36ang tinitingnan doon kasi
11:37hindi lang dahil sa bagyong Verbena
11:39tama ka deal.
11:40Kahit po, nakaka-apekto din kasi
11:42sa Northern Luzon,
11:44itong shearline,
11:45at saka yung amihan.
11:46In terms of areas
11:48that are under the orange
11:50at saka yellow rainfall,
11:51so kasama pa rin dito
11:53yung track at ng Verbena
11:55at saka itong sa Northern Luzon natin,
11:57particularly itong sa
11:59Northeastern Luzon.
12:01Itong mga kagagayaan,
12:03Isabela,
12:04ito yung mga tinitingnan pa rin doon.
12:05So pwede natin tingnan yun
12:06sa pag-asa,
12:07listahan po.
12:08And then again,
12:09yung sa DENR,
12:10MGB,
12:11na mga listahan
12:11ng mga barangay
12:12na mga prone to landslide
12:16and saka rain-induced landslide
12:18and flooding also.
12:19Ito rin yung mga naabiso
12:21na kung baga
12:21doon sa ating mga
12:22local government units
12:23kaya nagsagawa
12:24ng mga preemptive evacuations.
12:27Now,
12:27sa ating mga kababayan
12:28na doon sa mga lugar na yun
12:29or doon sa mga listahan na yun,
12:31importante po
12:32na ihintayin natin
12:34kung ano ang sasabihin
12:35ng ating mga lokal na otoridad,
12:37kung pwede na ba bumalik
12:39doon sa inyong mga lugar
12:40or kung kailangan
12:41na natili muna
12:42doon sa mga preemptive
12:44or doon sa mga evacuation centers natin.
12:47Lalo't ang tinitingnan nga po
12:48ay may mga pag-ulan pa po
12:50na mangyayari
12:51sa mga susunod na araw.
12:55Sir Juney,
12:56maganda yung mensahe nyo.
12:56Pero ito ho yung pagkakataon
12:57para sa kalagdagang
12:59at iba pa niyong mensahe
13:00at ng ating OCD
13:01para sa ating mga kababayan
13:02na kasulukuyang
13:03maapektado
13:04ng bagyong verbena.
13:07Thank you,
13:08Sir Gabay.
13:08Doon po sa ating mga kababayan,
13:10rest assured na yung
13:12mga ibat-ibang ahensya
13:13ng pamahalaan
13:14dahil ang utos na po
13:16sa atin
13:16ng mga alam Pangulo
13:17ay yung maagap,
13:18mabilis at maayos
13:19na pagtugon
13:20sa pangangailangan
13:21ng ating mga kababayan.
13:22Kaya nakahanda po
13:23ang ibat-ibang ahensya
13:24ng pamahalaan,
13:25hindi lang po ng OCD,
13:27kundi yung mga kasama po
13:28natin sa response clusters
13:29para po tugunan
13:31yung mga pangangailangan
13:32ng ating mga kababayan.
13:33Sa atin naman pong
13:34mga local government units,
13:35kung ano ang kakailanganin
13:37ng mga augmentation
13:38from the regional
13:39and from the national governments
13:41ay maaari nyo po
13:42yung iparating
13:43para at least
13:44makapag-augment kami
13:45at makapag-padala
13:47kayo yung mga kakailangan
13:48ninihingin
13:49doon sa mga lokal
13:50na pamahalaan ninyo.
13:53So far po,
13:54tuloy-tuloy na
13:54mga panan din
13:55yung ating
13:56pag-monitor
13:59sa mga iba't-ibang lugar
14:00and hopefully
14:01within the day
14:02and then tomorrow
14:02we'll also be able to see
14:04the impact,
14:05yung kabuang impact
14:06ng itong bagyong verbena
14:08dahil kakaalis pa lang po
14:09at saka
14:10mga kakababa
14:11na yung ating
14:12mga rapid damage
14:13and needs assessment
14:14at teams.
14:16Sa atin din pong
14:16mga kababayan,
14:17panghuli
14:17Yusak Aboy
14:18and Dale,
14:19paalala sa atin
14:21lagi ng ating Pangulo
14:22na yung paghanda
14:23gagawin na natin siya
14:24sa araw-araw
14:25nating pamumuhay
14:26hindi lang po
14:27dahil may paparating
14:28na bagyo
14:29kailangan po
14:29yung paghahanda
14:30ay umabot talaga
14:31dun sa
14:32mga sa ating
14:33household level natin
14:34alam ng bawat
14:35membro ng pamilya
14:37kung ano yung
14:37mga bantang panganib
14:39na harapin natin
14:40at kung ano yung
14:40mga kaakibant
14:41na paghahanda
14:42na dapat po
14:43nating gawin.
14:45Okay,
14:45maraming salamat po
14:46sa inyong oras
14:47Sir Juni Castillo
14:48ang tagapagsalita
14:49ng Office of Civil Defense.
14:51sa inyong oras
14:52I'm going to break it down.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended