00:00Marami pa rin lugar ang walang supply ng kuryente dahil sa pananalasa ng Suprabagyong Uwan.
00:06Kung ninyan, makakapanayin po natin via Zoom ang Public Relations Officer
00:10ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP na si Ms. Trish Roque.
00:15Mamagandang gabi po sa inyo.
00:19Magandang gabi po sa inyong lahat at sa ating mga talismay na.
00:23Well, ma'am, kamusta po yung kalagay ng mga power transmission lines at mga substation
00:29matapos po yung pananalasa ng Bagyong Uwan.
00:33Well, unti-unti na po tayo nakakapag-restore ng ating mga transmission facilities
00:38na naapektohan itong si Bagyong Uwan.
00:43As of 5pm, nakapag-restore na po tayo sa mga probinsya ng Nueva Ecija, Aklan, Aurora, Cagayan at Quirino
00:52while ongoing pa po yung ating restoration efforts sa may Quezon Province,
00:57sa Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte, Pangasina, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province,
01:05Benguet, La Union, Abara, Isabela, and yung natitira nating linya sa May Northern Samar.
01:12Okay, ma'am, ano po yung mga lugar na wala pa rin supply ng kuryente sa ngayon
01:16at alib pa po yung kasalakuyang inaayos?
01:21Well, yung nabanggit ko po kanina, itong Quezon, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, Camarines Norte,
01:29Pangasina, Nueva Vizcaya, Ifugao, Mountain Province, Benguet, La Union, Abara, Isabela, and Northern Samar.
01:36Yung ilan po dito, parts po nitong mga probinsyang ito ay wala pa pong transmission services
01:44while sa may Camarines Norte po ay talagang totally unavailable pa po yung transmission services natin dyan.
01:53Okay, ma'am, nabanggit nyo po yung Pangasinan.
01:56Meron po doon 45 na barangay na wala pa din daw pong supply ng kuryente.
02:01Kailan po kaya inaasahang may babalik yung supply ng kuryente sa kanila, ma'am?
02:08Well, meron na po tayong na-energize na ilang mga linya na nagsaservisyo sa ilang mga electric cooperatives sa Pangasinan.
02:17Partial na po yung ating transmission services sa Pangasinan.
02:21Pero kung wala pa pong kuryente sa kanilang mga tahanan, pwede rin pong makipag-ugnayan din pong sila sa kanilang mga electric cooperatives.
02:33Kasi maaaring natapos na po yung linya ng NGCP.
02:38Pero kung hindi pa po maayos yung linya ng mga distribution utility,
02:43ay wala pong makakarating na kuryente sa kanilang mga kabahayan.
02:47Okay ma'am, para po sa kalaman ng ating mga kababayan,
02:51ano po yung mga hamon na kinakaharap ng NGCP sa pagsasayos ng mga linya,
02:57lalo na sa mga isolated areas o yung mga liblib na lugar o yung mga lugar na baha pa rin?
03:05Well, una po nabanggit nyo na rin yung access dun sa lugar.
03:10Dahil kung binabaha pa po yung lugar, mahirap po yung marating ng ating mga line personnel.
03:16And then bukod po dyan, yung debris rin po, yung dami ng debris, yung mga bumagsak na puno, etc.
03:24Lahat po yan kasama po yan sa gagawing clearing na ginagawa po muna ng mga linemen
03:30habang iniinspeksyon po nila yung linya bago po tayo tuloy ang matapos yung assessment at makapag-restore po ng linya.
03:40Okay, matanong ko lang po maman, meron din po ba tayong tinatawag ng mga mobile generator sets?
03:46I think more on sa distribution utilities po ang mga mobile generator sets.
03:56Dahil bilang ang MGCP po ay power transmission highway po, transmission lines lang po kami.
04:02Kami po yung nagdadala ng kuryente mula sa mga generation companies papunta po sa mga distribution utilities o electric cooperatives.
04:12So para po makapag-energize po tayo halimbawa ng mga kabahayan, mga hospital, etc.
04:21Yan po ay sa may bahagi na po ng mga distribution utilities.
04:24Alright po ma'am, bilang panghuli, ano po ang inyong mensahe sa mga consumer na wala pa rin supply ng kuryente hanggang sa ngayon?
04:31Well, humihingi po tayo ng konting pasensya sa ating mga kababayan.
04:40Of course, we are doing everything that we can po para makapag-restore na po tayo agad.
04:45Actually, mula po kagabi, parang almost a hundred transmission lines po yung naapektohan nitong si Bagyong Uwan.
04:54Pero ngayon po, nasa around 20 plus na lang po yung affected.
04:58So, tuloy-tuloy po ang isinasagawang restoration activities ng MGCP sa ating mga linya para po meron na pong daanan ng kuryente papunta po sa mga distribution utilities at electric cooperatives.
05:13At mula po doon, hopefully, matapos rin po agad ang restoration ng mga de-use para po makarating ang kuryente sa mga kabahayan.
05:24So, with that po, pwede rin po umantabay ang ating mga kababayan sa mga social media accounts po ng MGCP para po updated po sila dahil every 4 hours po ay nagdibigay po tayo ng advisories tungkol po sa lagay ng ating transmission lines.
05:40Alright, maraming salamat po sa lahat ng impromisyon, MGCP Public Relations Officer Trish Rocker.