Skip to playerSkip to main content
  • 1 day ago
The Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) said Tropical Storm Fung-Wong continues to intensify as it moves northwest toward the Philippine Area of Responsibility (PAR).

Once it enters PAR late Thursday or early Friday, it will be named “Uwan,” and may intensify into a super typhoon. The system currently packs winds of 85 kph, gusts up to 105 kph, and has gale-force winds extending 720 km from its center.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Patungkol naman sa isa pang bagyo na ating minomonitor, sa kasalukuyan ito ay nananatiling tropical storm.
00:06Pero kung papansinin natin yung lawak ng kaulapan na may kaugnayan dito sa bagyong si Fungwong,
00:12ay malawak po ito, umaabot ito ng 700 kilometers mula sa sentro.
00:18At nakikita natin sa ating analysis na sa mga susunod na oras o araw ay bahagya itong liliit,
00:24habang ito ay mas nag-i-intensify pa.
00:26Pero eventually ay mamuli itong lalawak kapag ito ay naging super typhoon na.
00:31So generally, nakikita rin natin na yung magiging movement niya ay pa northwest, papalapit dito sa Luzon.
00:38Pero sa kasalukuyan, yung kanyang pagkilos ay quasi-stationary.
00:42Ito po yung letters dito at ibig pong sabihin yan ay hindi ito talagang kumikilos at almost na nandito lamang siya sa kanyang lokasyon.
00:51Isa sa mga nagko-contribute dun sa pagbagal nung kanyang paggalaw ay yung high pressure system na nasa northern part ng Pilipinas.
00:58Itong minomonitor natin na tropical storm ay nasa layang 1,660 kilometers east ng northeastern Mindanao.
01:07At dito sa ating forecast track, patungkol dito kaya magiging bagyong si Uwan,
01:12bago ito pumasok ng Philippine Area of Responsibility, ay mag-i-intensify pa ito into typhoon category.
01:19At pagpasok niya ng PAR, by Friday night o kaya naman ay Sabado ng umaga, ito ay mas lalakas pa at aabot ito ng super typhoon.
01:29By the way, itong issuance natin ng advisory ay kaninang 11 a.m.
01:33Yung advisory kasi natin ay nire-release natin every 12 hours.
01:37At pagpasok niya ng Philippine Area of Responsibility, ay bulletin naman yung ating i-release ng frequency ay every 6 hours.
01:45At kapag landfalling yung bagyo, tinataasan natin yung frequency natin at ginagawa natin every 3 hours.
01:51At ganoon din naman yung ating mga live weather updates.
01:54Nagiging 3 hours ito, lalo na kung ito ay tatama sa ating kalupaan.
01:58Balik po tayo sa track.
01:59Yung track po nitong magiging si Bagyong Uwan ay mananatiling pa northwest at babaybayin niya yung probinsya ng Isabela or Aurora.
02:07At mananatili siya dahil sa interaction sa kalupaan, mananatili ito na typhoon category habang binabaybay niya itong Northern Luzon.
02:15So maaapektuhan po yung Cordillera Administrative Region, nandito po yan sa gitna.
02:21Ganoon din yung Cagayan Valley Region, ganoon din yung Ilocos Region, Central Luzon.
02:25At dito sa Metro Manila at Southern Luzon, dito sa Metro Manila, posible na magtaas tayo ng signal number 1.
02:33Again, hindi po ito yung eksakto. Ito lang po yung pinakamataas na probability o chance na ito yung tatahakin ng bagyo.
02:42Pero posible pa po yan na bahagyang bumaba at bahagyang tumaas.
02:46Ito po yung ating tinatawag na cone of probability o tinatawag din natin recently na cone of confidence.
02:52Ang pinakamataas na track na posibleng baybayin itong magiging si Bagyong Uwan ay dito sa Extreme Northern Luzon.
02:59At ang pinakamababa naman ay pwede itong mag-landfall dito sa Eastern Visayas o sa Northern Samar at babaybayin niya yung mga lugar dito sa Bicol Region.
03:09At kapag ganun po yung nangyari ay mas malaki yung magiging epekto nito sa ating mga kababayan.
03:15Kaya pinag-iingat po natin yung ating mga kababayan ngayon pa lamang dahil sa mga susunod na araw ay magtataas na tayo.
03:22Pinakamaagang signal number one na i-issue natin ay by Friday night.
03:28And by Saturday nakikita natin na yun yung araw na magtataas na din tayo ng gale warning o babala patungkol sa matataas na alon.
03:36Magdalabas din po tayo ng warning patungkol sa posibleng storm surge dahil ito po ay super typhoon.
03:42Kaya umantabay po tayo sa mga i-release pa na issuance ng pag-asa.
03:47Patungkol naman sa magiging lagay ng ating panahon bukas, dito po sa northernmost part ng ating bansa, yung Batanes, ganoon din naman dito sa probinsya ng Cagayan,
03:57yung Northeast Monsoon ang makaka-apekto sa atin.
04:00Ibig sabihin, malamig na hangin pero meron din kaulapan.
04:03Kaya posible yung mga light rains dito sa binanggit natin na lugar.
04:06Dito naman sa Metro Manila at sa natitirang bahagi ng Luzon ay magiging bahagi ang maulap hanggang sa maulap na kalangitan.
04:13Ibig sabihin, mababa yung tsansa ng mga pag-ulan.
04:17At dito naman sa Metro Manila, ang agwat ng temperatura ay 25 to 32, sa Tagaytay ay 23 to 30, at sa Legaspi naman ay 24 to 32.
04:27Dito naman sa Palawan, sa buong Visayas at Mindanao, partly cloudy to cloudy skies din.
04:33Ibig sabihin, ay mababa yung tsansa ng mga pag-ulan pero posible pa rin yung mga localized thunderstorm.
04:39Yung localized thunderstorm naman, ito yung mga pag-ulan for a specific area lamang and for a short period of time.
04:45Kapag umabot ito ng dalawang oras, ibig sabihin, well-organized o talagang hinog, malaki yung kaulapan na nagpaulan sa atin o nagdala itong mga thunderstorm na ito.
04:54Ang agwat ng temperatura dito sa Iloilo ay 24 to 32, sa Cebu ay 25 to 33, at sa Davao naman ay 25 to 34.
05:04Sa kasalukuyan ay wala po tayong nakataas na gale warning pero tulad nung binanggit natin kanina, as early as Saturday ay magtataas na po tayo ng gale warning.
05:13Kasama dyan, yung Eastern Visayas, ganoon din yung coastal areas natin dito sa Bicol Region, sa Quezon, Aurora at ganoon din dito sa Cagayan Valley Region.
05:24Kaya yung mga kababayan natin na naglalayag for several days para mangisda, inaabisuan po natin na huwag na po tayong pumalaot dahil magtataas na tayo ng gale warning by Saturday.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended