Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00The ICC has issued a warrant against Senator Bato de la Rosa.
00:05Wardo Perez.
00:06Wardo Perez.
00:07Ito ang anunsyon ni Ombudsman Jesus Crispin Rimulla sa kanyang programa sa radyo.
00:12Yan ba ay confirmed na Ombudsman?
00:14I think so. I would say so.
00:16I have it in good authority na may nakipag-usap sa akin ka din.
00:20Si de la Rosa ang dating jepe ng Philippine National Police o PNP
00:25na nanguna sa war on drugs si dating Pangulong Rodrigo Duterte
00:28na nakadetain sa The Netherlands para sa mga kasong crimes against humanity.
00:34Pero sabi ni ICC spokesperson Fadi L. Abdala,
00:38tanging sa official communications channels at press releases lang makikita
00:42ang mga ulat kaugnay sa ICC.
00:45Sa ngayon, walang anumang arrest warrant sa ICC website.
00:49Si Executive Secretary Lucas Bersamin sinabing wala pa silang natatanggap na opisyal na report
00:55pero maaari raw na naglabas na nga ng warat ng ICC at hindi ito dumaan sa Interpol.
01:02Wala pa rin daw natatanggap si Interior and Local Government Secretary John Vick Rimulla
01:07na red notice mula sa Interpol.
01:09Ang Department of Justice kumukuha pa rin ng impormasyon.
01:28Wala pa rin impormasyon ang kampo ng mga biktima sa pangunguna ni ICC Assistant to Council Christina Conti.
01:34Ayon sa abogado ni De La Rosa, wala silang independent confirmation kaungay sa warat ng Senador.
01:41Kung mapatunayan daw na totoong may warat na ang ICC,
01:45nagtitiwala sila na ang gobyerno ng Pilipinas ay kikilos ng naaayon sa rule of law.
01:51Ano mang aksyon ay kailangan mo na raw dumaan sa local judicial confirmation process
01:56sangayon sa konstitusyon ng Pilipinas, due process at sovereign rights ng Pilipinas.
02:02Sinusubukan pa namin kunin ang pahayag ni De La Rosa na nauna nang nagsabing hihingi siya ng tulong
02:08sa liderato ng Senado sakaling ilabas ang warat laban sa kanya.
02:13Siniguro naman ni Sen. President Tito Soto na hindi nila papayagang arestuhin si De La Rosa
02:19sa loob ng Senado bilang bahagi ng institutional courtesy.
02:23Pero kung sa labas ng Senado mangyari, hindi na raw nila ito sako.
02:28Para sa GMA Integrated News, JP Soriano, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended