00:00Kakasuhan daw ng treason ni Sen. Rodante Marcoleta si dating Supreme Court Senior Associate Justice Antonio Carpio.
00:07Dahil sa isinulat itong disisyon sa isang kaso noong 2011, kaugnay ng teritoryo ng Pilipinas.
00:13Sinagot naman siya ng retiradong magistrado. Nakatotok si Mav Gonzalez.
00:20Sa kanyang TV show, sinabi ni Sen. Rodante Marcoleta na kakasuhan niya ng treason si dating Supreme Court Associate Justice
00:28Antonio Carpio.
00:29Sabi ng Senador, dahil ito sa desisyon aniya ni Carpio na paliitin ang teritoryo ng Pilipinas sa kasong Magalyona versus
00:37Ermita noong 2011.
00:39Sabi ni Marcoleta, pumayag si Carpio sa argumento ng gobyerno na paliitin ang territorial sea natin dahil makakakuhaan niya tayo
00:46ng ganansya o advantage sa ating exclusive economic zone.
00:50Dagdag ni Marcoleta, sa isinumitin ng Pilipinas na Volume 2 o Atlas of Relevant Features sa Arbitral Tribunal,
00:56malinaw na hindi raw kasama sa teritoryo natin ang Kalayaan Group of Islands, ang puting bahagi na kamarkang West Philippine
01:04Sea.
01:05Ang asul na bahagi naman, tinawag na high seas na bahagi ng karagatang walang mayari.
01:10Nandito sa asul na bahagi ang pag-asa island.
01:13Base rin aniya sa mapang ito, nasa labas ng teritoryo ng Pilipinas ang iba pang isla sa West Philippine Sea,
01:20gaya ng parola, kota at panata.
01:22Kaya tanong ni Marcoleta, bakit hindi isinama sa mapa natin yung mga features na okupado ng mga Pilipino?
01:29Gobyerno aniya ng Pilipinas ang nagsumiti nito sa tribunal kasama si na Justice Carpio at Maritime Law Expert Atty. J.
01:36Batong Bakal.
01:37Ngayon daw, siya pa ang hinahamon sa sinabi niya kung parte ba ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Islands o
01:43hindi.
01:44Giit pa ni Marcoleta, hindi naman niya sinabi na hindi parte ng teritoryo ng Pilipinas ang Kalayaan Group of Islands,
01:51pero kailangan daw ng mapa at coordinates nito.
01:54Tugo naman ni Justice Carpio, lahat ng first-year law student alam na pwede lang magkaroon ng treason kung nasa
02:00gitna ng digmaan ng Pilipinas, alinsunod sa Article 114 ng Revised Penal Code.
02:05Dagdag niya sa kasong Magalyona v. Ermita, gusto ni na Magalyona na isama sa teritoryo ng Pilipinas,
02:11lahat ng isla at katubigang sakop ng 1898 Treaty of Paris Lines.
02:15Ito ang tratadong nagtapos sa Spanish-American War at naglipat ng Pilipinas at iba pang kolonya ng Espanya sa kontrol
02:23ng Amerika.
02:23Pero ayon kay Carpio, malinaw na labag sa unclose at customary international law kung isama sa Philippine Territorial Waters,
02:31ang lampas sa 12 nautical miles mula sa archipelagic baseline natin.
02:35Masasama rin daw rito ang malaking bahagi ng Exclusive Economic Zone at maliit na bahagi ng high seas, bagay na
02:42labag din sa unclose.
02:44Kung kinatigan-aniya ng gobyerno si na Magalyona,
02:47chak na i-dismiss agad ng arbitral tribunal ang kaso natin
02:50dahil magiging kapareho lang natin ang nine dash line ng China na labag sa unclose at international law.
02:56Sabi naman ni dating Sen. Francis Tolentino na author at sponsor ng Republic Act 12064 o Philippine Maritime Zones Act,
03:05hindi na kailangang gumawa ng mapa ng Pilipinas.
03:08Wala po nagre-require sa atin mag-produce ng mapa.
03:10Iba po ang mapa. Ang mapa po ay kartographic, drawing lang po yun.
03:14Ang pinaka-precise po scientific ay yung coordinates na naproduce po natin sang-ayon sa Republic Act 9522 noong 2009.
03:27Naka-ayon-aniya sa untos lahat ng nilalaman ng Philippine Maritime Zones Act.
03:31Nang tanongin naman kung makakatulong ba ang hamon ni Sen. Marculeta na debate,
03:48Ang dapat daw isulong muli ay dayalogo sa pagitan ng Pilipinas at China.
03:53Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Horas.
Comments