Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tila domino ng pagtaas ng presyo ang nagresulta sa pagtaas ng presyo ng bigas mapalokalman o imported.
00:07At yan po ay kahit sa susunod na buwan pa ang import ban na iniutos ng Pangulo.
00:12Nakatutok si Katrina Son.
00:17Sa September pa lang simula ang 60-day suspension ng pag-aangkat ng bigas na utos ni Pangulong Bongbong Marcos.
00:24Pero sabi mismo ng Agriculture Department na puna nilang tumaas ang farm gate price ng palay sa 6 na pangunahing rice producing region sa bansa.
00:35Sa ilang palengke sa Metro Manila, nagtaas presyo, hindi lang ang mga imported rice, kundi pati mga local rice.
00:42Naka-apekto kasi tumaas din yung kuha namin ng bigas.
00:45Yung dating 980, 1,000 na ngayon, 20 pesos ang taas yung 25 kilos.
00:51Wala naman daw magagawa ang mga mamimili kung magtataas talaga ang presyo ng bigas.
00:57Okay naman sana kasi lalakas ang benta ng mga magsasaka.
01:02Kung ano yung presyo nila, yun na yung susundin.
01:05Wala naman akong hindi naman pwedeng tawaran ng bigas, di ba?
01:09Paliwanag ng sinag, tumaas ang presyo ng bigas para sa pagtaas ng taripa.
01:14Kung 15% tarif, yung 25% broken is 25 pesos landed dito sa ating bansa.
01:26So doon binabase ng mga traders yung presyo.
01:31So kung 25 pesos landed, ibig sabihin, delivered sa Miller yung pala is 15 pesos.
01:39Bilis sa farmers is 12 to 13 pesos.
01:41Naniniwala rin daw sila na hindi masyadong maapektuhan ang presyo ng bigas
01:46sa ipangpatupad na 60-day suspension ng rice importation,
01:50lalo't magsisimula na rawang anihan sa September 15.
01:53Malaki kasi yung harvest ng ating lokale.
01:57So kung pick ng harvest dito, baka ang inano namin is pag bumagsak yung presyo,
02:07kaya bang bilihin ng government yung balay?
02:09Yan ang problema natin.
02:11Kasi ang ponto ng government is maliit lang.
02:17Sinubukan ng GMA Integrated News Team na kunan na pahayag ang Department of Agriculture
02:22pero wala pang tugon sa ngayon.
02:24Para sa GMA Integrated News,
02:26Katrina Son, nakatutok 24 oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended