Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Arlene!
00:03Pia Ivan, mahina pero panakanaka yung pagulan na naranasan sa buong maghapon dito sa Camarines Norte
00:09na nasa ilalim ng signal number 2.
00:12Naka-heightened alert ang probinsya.
00:14Kaya sapilitan na yung ginawang paglikas sa ilang residente na nakitira sa mababang lugar at nasa tabing dagat.
00:21Kaya po, kailangan po natin na mag-evacuate para po ito sa kaligtasan po ng lahat.
00:28Buong maghapon, nagbahay-bahay ang LGU sa sityo Mandulungan sa Brangay Gubat sa Daet, Camarines Norte
00:34para palikasin ang mga residente.
00:36Pero may ilang ayaw talagang lumikas, tulad ng mag-asawang Sonia at asawa niyang stroke patient na si Arnulfo.
00:42Hindi po ba kayo natatakot malakas ang bagyo?
00:45Natatakot ako, ma'am. No choice man ako, ma'am, sa kanya. Ayaw talaga niya, ma'am, umalis.
00:50Sinahirapan po siya, ma'am, magpuntang si Ar. Ayaw naman niya mag-diab pero kaya ano, dito na lang po kami.
00:57Naka-antabay po yung ating mga kapulisan para po tumulong din hanggat maaari ay makuha pa sa pakiusap
01:05kung hindi talagang gagamit na tayo ng, siguro, persa na...
01:10May iba namang lumikas na sa takot na maulit ang naranasan ng manalasa sa daet
01:15ang mga nakalipas na malalakas na bagyo kung kailan bubung na lang ang makikita sa mga bahay nila.
01:21Si Jonah na na-trauma dahil sa sinapit noong bagyong rusing noong 1995,
01:26itinaas ang mga gamit sa bahay at nag-empake ng mga damit na dadalhin sa evacuation center.
01:31Kinakabahan po at yung napapanood ko po sa Cebu, huwag naman sana.
01:37Mababang lugar kasi at nasa tabing dagat ang sityo mandulungan kaya karaniwang bumabaha rito kapag tuloy-tuloy ang ulan.
01:44Sanay na raw lumikas ang mga residente tuwing may bagyo.
01:47Pero sa totoo lang, nakakapagod na raw.
01:49Ang iniisip ko yung kaligtasan ng mga anak ko at saka yung mga apo ko kasi talaga lumalaling dito sa amin yung tubig.
01:58Siyempre po nakakawa sa tulad naming mahihirap na binabaha pero wala nam po kami magawa.
02:05Malaki ang mga alon sa daet buong araw.
02:07May storm surge warning o banta ng daluyong sa Camarines Norte kaya bawal maligo sa dagat at bawal pumalaot ang mga manging isda.
02:15Pero naligo pa rin sa dagat ang grupong ito.
02:17Hindi naman kayo natakot sir kasi malaki yung mga alon at malakas ang hangin.
02:22Sanay na po kami ma'am.
02:23Taga probinsya po kami kaya sanay na po kami.
02:26Bawal na po pero paalis na rin po kami.
02:28May mga residente namang nagkumpunin ng bubong at naglagay ng mga pabigat bilang paghahanda sa pagtama ng bagyo.
02:34Ang mga residente may budget nagpabook sa mga hotel.
02:38Kahapon pa naka-heightened alert ang probinsya ng Camarines Norte.
02:41Siyam sa labindalawang bayan dito ay nasa tabing dagat kaya binabantayan laban sa baha at pagtama ng storm surge.
02:47Handa ng evacuation centers, food packs at rescue equipment.
02:52Nasa gitna kami from pasok ng area ng Bicol region and then going to projected landfall nila.
02:59Nasa gitna ang Camarines Norte yan.
03:01So we anticipate prolonged heavy rains and intermittent strong winds.
03:08Sa palagay namin makakasapat naman ito sa immediate na pangangailangan.
03:13But of course, it is prolonged ang operation natin.
03:17We will be needing in external assistance.
03:20Sa Piyoduran sa Albay, pansamantalang inilipat ang mga pasyente ng Piyoduran Memorial District Hospital
03:25sa bagong hospital building sa barangay Karatagan bilang paghahanda sa pananalasa ng bagyong uwan.
03:38Pia Ivan, nagbabala yung FIVOC sa posibilidad ng lahar flow sa palibot ng Mayon Volcano,
03:43partikular sa ilang lugar sa Albay.
03:46Posibleng idulot daw po yan ng malakas at tuloy-tuloy na ulang dala ng bagyong uwan.
03:51Kaya para po sa mga residenteng nakatira sa mga lugar na yan,
03:54maging alerto, magingat at makinig sa abiso ng mga otoridad lalo na kung tungkol sa paglikas.
04:00Yan ang latest mula rito sa Camarines Norte.
04:02Balik sa inyo, Pia Ivan.
04:04Maraming selamat, Darlene Kai.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended