Skip to playerSkip to main content
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.

#GMAIntegratedNews #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:01Bineverificano Office of Civil Defense ang isang naitalang na sawis sa probinsya ng Catanjuanes na unang hinagupit ng Super Bagyong 1.
00:09Nakatutok si Mav Gonzalez.
00:15Halos lumunin ng malaking alon ang mga bahay sa barangay Sikmil sa Gigmoto, Catanjuanes.
00:20Dahil sa tindi ng hampas ng tubig, mabilis na binaha ang kalsada.
00:24Kumambalos naman ang napakalaking alon sa barangay J.M. Alberto sa Baras, Catanjuanes.
00:35Kita kung paano mabilis na pinasok ng tubig ang mga bahay sa naturang barangay.
00:41Halos mag-zero visibility habang binabayon ng malakas na hangin at ulan ang barangay Ibong Sapa sa bayan ng Virac.
00:48Sa tindi ng hangin, kita kung paano pumagaspas ang punong yan.
00:51Umaga pa lang, ramdamang epekto ng bagyo sa lalawigan.
00:59Dahil sa hagupit ng bagyo, umapaw na sa kalsada ang tubig mula dagat.
01:04Ayon sa PDRMO, critical ang sitwasyon sa ilang kustal barangay.
01:08Nasira na rin daw ang seawall sa lugar.
01:14Nagmistula na rin dagat ang mga kalsada.
01:16Tila sumasayaw rin ang mga ponos sa PNP Provincial Headquarters.
01:26Tinig din ang pagsipol ng hangin.
01:28Force evacuation, ito po.
01:33Maganda, magkasayin.
01:35Sa barangay San Vicente, umalingaw nga wang abisong paglikas ng mga residente.
01:39Dahil sa hagupit ng bagyo, nagpatupad ng force evacuation ang iba't ibang munisipyo sa Katanduanes,
01:45lalo na ang mga nasa high-risk area.
01:48Ligtas namang nailikas ng Philippine Coast Guard ang limang stranded na indibindual sa barangay Gogon.
01:53Sa ngayon, nakaalerto ang mga deployable response groups ng Coast Guard District Bicol para sa mga mga ngailangan ng tulong.
02:00Dahil sa hagupit ng bagyong uwan, sinuspindi ng kaap ang operasyon sa ilang paliparan gaya sa Dirac Airport at Bicol International Airport.
02:08Sa bayan ng Panda, naggalat ang mga kahoy at yero mula sa mga nasirang istruktura dahil sa lakas ng ulan.
02:15Naramdaman din ang hagupit ng bagyo sa ibang probinsya gaya sa Garcitorena Camarines Sur.
02:21Halos mag-zero visibility rito dahil sa lakas ng hangin at ulan.
02:25Naggangalit ng mga alon ang humampas sa dalampasigan.
02:29Sa bayan ng Karamuan, inabot ng tubig mula sa dagat ang mga kabahayan.
02:33Pinatumba na rin ang ilang puno sa lugar.
02:35Halos maubos naman ang mga sanga at dahon ng mga puno sa Daet Camarines Norte.
02:41Nagtumbahan ang mga poste sa paligid, kaya sa ngayon, walang suplay ng kuryente sa buong probinsya.
02:47Naggalat naman sa kalsada ang mga nagbagsakang sanga ng mga puno sa bayan ng Labo.
02:55Binayo rin ang malakas na hangin at ulan ang probinsya ng Albay.
02:58Pinasayaw ng malakas na hangin ng mga puno.
03:01Ang mga puno ng saging, natumba na.
03:04Sa boundary ng barangay Maipon at barangay San Rafael sa bayan ng Ginobatan,
03:08tumagilid ang tulay ng PNR railways dahil sa lakas ng ragasanang baha.
03:13Nagmistulan namang ilog ang mga kalsada sa barangay Masarawag
03:16dahil sa baha na may halong debris at mga bato mula sa bulkang mayon.
03:20Binahari ng mga bahay sa bayan ng Pulanggi.
03:24Kita ang pag-agos ng tubig sa labas ng munisipyo.
03:27Nasa 4,000 residente ang inilikas.
03:29500 ang nag-evacuate sa isang simbahan doon.
03:33Sa bayan ng Piyoduran, nabalot din ang baha ang mga kalsada.
03:36Malakas din ang alon sa mga dalang pasigan.
03:40Tanaw rin ang malakas at mataas na alon sa postal area sa Esperanza, Masbate.
03:44Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
03:50Mav Gonzalez, Nakatutok, 24 Oras.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended