00:00Mga Kababayan,
00:12Nagbabala ang pag-asa sa tropical storm na posibleng umabot sa Super Typhoon sa mga araw ng November 9 at 10.
00:23Ang Bagyong Uwan ay sinasabing posibleng dumaan sa Central o Northern Luzon.
00:28Ang pinakamataas na babalang itataas para kay Uwan ay ang Signal No. 5.
00:35Ang Signal No. 5 ay nagpapahiwatig ng mga hangin na umaabot sa 185 km per hour o mas mataas pa.
00:46Ito ang mga panganib at epekto ng Super Typhoon.
00:51Matinding malakas na hangin.
00:53Ang ganito kalakas na hangin ay maaaring magpatumba ng mga puno, makasira ng mga bahay, lalo na ang mga luma o magagaan ang pagkakagawa, at magdulot ng pagkawala ng kuryente at komunikasyon.
01:09Pangalawa, malakas na ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.
01:14Malakas na ulan ang inaasahan, lalo na sa gabi at sa araw ng paglapag ng bagyo.
01:22Maaring magdulot ito ng pagbaha sa mga ilog at lungsod at pagguho ng lupa sa mga burol at kabundukan.
01:29Pangatlo, storm surge.
01:34Para sa mga pamayanang nakaharap sa dagat, malaking panganib ang storm surge at malalaking alon.
01:41Ibig sabihin, ang tubig-dagat ay maaaring umabot sa loob ng kalupaan, magdulot ng pagbaha at pagguho ng dalampasigan.
01:50Pangapat, mga epekto pagkatapos ng bagyo.
01:55Pagkawala ng kuryente, tubig at transportasyon.
02:00Asahan ang mga abala gaya ng natumbang linya ng kuryente, putol na komunikasyon, saradong daan, dahil sa debris o pagbaha,
02:11at pagkaantala ng supply ng pagkain at gasolina.
02:14Ang mga servisyo ng emergency at rescue ay maaring ma-overload o maantala.
02:22Ito naman ang mga paalala para sa ating kaligtasan.
02:27Una, maghandang lumikas.
02:29Kung ikaw ay nakatira sa mapanganib na lugar o high-risk area tulad ng baybayeng dagat,
02:36madaling bahain o madaling gumuho ang lupa, maghanda sa paglikas kapag inutos na ng mga otoridad.
02:46Tandaan, ang maagang paglikas ay mahalaga sa kaligtasan.
02:52Pangalawa, siguraduhin ang ari-arian.
02:55Ilagay sa loob o itali ng maayos ang mga bagay na maaring liparin ng hangin.
03:01Putulin ang mga sanga ng puno at siguraduhin na kasara ng maayos ang mga bintana at pinto.
03:08Pangatlo, maghanda ng mga supply at ilagay sa loob ng waterproof bag.
03:16Magtabi ng pagkain, tubig, gamot, baterya, flashlight para sa hindi bababa ng tatlong araw.
03:23I-full charge ang mga cellphone at power bank.
03:27Pangapat, iwasan ang pagbiyahe, lalo na pagkatapos tumama ng bagyo.
03:35Maaring sarado ang mga daan at kanselado ang mga biyahe.
03:39Delikado ang pagguho ng lupa at pagkahulog ng mga puno.
03:44Panglima, lumayo sa baybayin.
03:49Lalo na habang tumatama ang bagyo, ang storm surge at malalaking alon ay maaring nakamamatay.
03:56Pang-anim, magkaroon ng plano sa komunikasyon.
04:01Alamin kung saan magkikita ang pamilya kung magkawalaan sa paglikas.
04:07Pang-pito, pag-iingat pagkatapos ng bagyo.
04:12Mag-ingat sa mga natumbang linya na kuryente, mahihinang istruktura ng gusali,
04:17kontaminadong tubig o madulas o maputik na daan matapos ang malakas na ulan o pagbaha.
04:24Pang-walo, tumulong tayo sa mga matatanda, may kapansanan at mga bata.
04:32At pang-syam, subaybayan ang mga opisyal na ulat.
04:38Maaring magbago ang sitwasyon.
04:40Tutukan ang mga bulitin mula sa pag-asa at mga lokal na otoridad.
04:45Maghanda tayo habang wala pa ang bagyo para mapanigurado ang kaligtasan ng bawat isa.
04:51Mas mabuti ng labis ang paghahanda kaysa walang kahandaan.
04:58Syokran!
05:21Baik
05:30Baik
05:30Baik
05:33Baik
05:34Baik
05:35Baik
05:36Baik
05:37You
Comments