Skip to playerSkip to main content
  • 13 hours ago
Vice President Sara Duterte, in a video message on Nov. 8, urged the public to remain alert as Typhoon 'Uwan' approached the country and was expected to make landfall the following day.

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kababayan,
00:02Nagbabala ang pag-asa sa tropical storm na posibleng umabot sa Super Typhoon
00:08sa mga araw ng November 9 at 10.
00:12Ang Bagyong Uwan ay sinasabing posibleng dumaan sa Central o Northern Luzon.
00:19Ang pinakamataas na babalang itataas para kay Uwan ay ang Signal No. 5.
00:24Ang Signal No. 5 ay nagpapahiwatig ng mga hangin na umaabot sa 185 km per hour o mas mataas pa.
00:35Ito ang mga panganib at epekto ng Super Typhoon.
00:40Matinding malakas na hangin.
00:43Ang ganito kalakas na hangin ay maaaring magpatumba ng mga puno,
00:48makasira ng mga bahay, lalo na ang mga luma o magagaan ang pagkakagawa.
00:53At magdulot ng pagkawala ng kuryente at komunikasyon.
00:59Pangalawa, malakas na ulan, pagbaha at pagguho ng lupa.
01:04Malakas na ulan ang inaasahan, lalo na sa gabi at sa araw ng paglapag ng bagyo.
01:11Maaring magdulot ito ng pagbaha sa mga ilog at lungsod
01:15at pagguho ng lupa sa mga burol at kabundukan.
01:19Pangatlo, storm surge.
01:23Para sa mga pamayanang nakaharap sa dagat,
01:27malaking panganib ang storm surge at malalaking alon.
01:31Ibig sabihin, ang tubig-dagat ay maaaring umabot sa loob ng kalupaan,
01:36magdulot ng pagbaha at pagguho ng dalampasigan.
01:39Pangapat, mga epekto pagkatapos ng bagyo.
01:45Pagkawala ng kuryente, tubig at transportasyon.
01:50Asahan ang mga abala gaya ng natumbang linya ng kuryente,
01:55putol na komunikasyon, saradong daan,
01:58dahil sa debris o pagbaha,
02:00at pagkaantala ng supply ng pagkain at gasolina.
02:04Ang mga serbisyo ng emergency at rescue ay maaring ma-overload o maantala.
02:12Ito naman ang mga paalala para sa ating kaligtasan.
02:16Una, maghandang lumikas.
02:18Kung ikaw ay nakatira sa mapanganib na lugar o high-risk area,
02:24tulad ng baybayong dagat,
02:27madaling bahain o madaling gumuho ang lupa,
02:31maghanda sa paglikas kapag inutos na ng mga otoridad.
02:35Tandaan, ang maagang paglikas ay mahalaga sa kaligtasan.
02:41Pangalawa, siguraduhin ang ari-arian.
02:44Ilagay sa loob o itali ng maayos ang mga bagay na maaring liparin ng hangin.
02:51Putulin ang mga sanga ng puno
02:53at siguraduhin nakasara ng maayos ang mga bintana at pinto.
02:58Pangatlo, maghanda ng mga supply at ilagay sa loob ng waterproof bag.
03:05Magtabi ng pagkain, tubig, gamot, baterya, flashlight
03:09para sa hindi bababa ng tatlong araw.
03:13I-full charge ang mga cellphone at power bank.
03:18Pangapat, iwasan ang pagbiyahe,
03:21lalo na pagkatapos tumama ng bagyo.
03:25Maaring sarado ang mga daan at kanselado ang mga biyahe.
03:29Delikado ang pagguho ng lupa at pagkahulog ng mga puno.
03:34Panglima, lumayo sa baybayin,
03:38lalo na habang tumatama ang bagyo.
03:42Ang storm surge at malalaking alon ay maaaring nakamamatay.
03:47Panganim, magkaroon ng plano sa komunikasyon.
03:51Alamin kung saan magkikita ang pamilya kung magkawalaan sa paglikas.
03:57Pangpito, pag-iingat pagkatapos ng bagyo.
04:00Mag-iingat sa mga natumbang linya na kuryente,
04:05mahihinang istruktura ng gusali,
04:07kontaminadong tubig,
04:09o madulas o maputik na daan,
04:11matapos ang malakas na ulan o pagbaha.
04:15Pangwalo, tumulong tayo sa mga matatanda,
04:19may kapansanan at mga bata.
04:22At pangsyam,
04:24subaybayan ang mga opisyal na ulat.
04:27Maaaring magbago ang sitwasyon.
04:29Tutukan ang mga bulitin mula sa pag-asa at mga lokal na otoridad.
04:35Maghanda tayo habang wala pa ang bagyo
04:38para mapanigurado ang kaligtasan ng bawat isa.
04:42Mas mabuti ng labis ang paghahanda kaysa walang kahandaan.
04:48Syokran!
04:57Syokran!
04:58Syokran!
04:59Syokran!
05:00Syokran!
05:01Syokran!
Be the first to comment
Add your comment

Recommended