00:00Sa futsal, bilang paghahanda sa nalalapit na FIFA Futsal Women's World Cup 2025,
00:06mainit na pagtanggap ang sumalubong sa Filipinas sa Barcelona, Spain.
00:10Nagsagawa ng courtesy visit ang Filipinas sa Philippine Consul General sa Barcelona, Spain.
00:17Personal silang sinalubong at malugod na tinanggap ni Consul General Maria Teresa Lazaro
00:22bilang pagpapahalaga sa kanilang pagdala ng bandila ng Filipinas sa International Arena.
00:28Ito'y nangyari kasabay ng kanilang training camp para sa puspusang paghahanda
00:32sa FIFA Futsal Women's World Cup na gaganapin sa bansa ngayong Nobyembre.