00:00Kahalagahan ng pagkakapanalo ng Pilipinas ng 2016 Arbitral Award on the South China Sea,
00:06binigandiin ng ilang kongresista.
00:09Hiling nila sa bawat isa patuloy na magkaisa sa pagsusulong ng karapatan ng bansa.
00:14May report si Mela Les Morans.
00:19Kasabay ng paggunita ng ikasyam na anibersaryo ng makasaysayang pagkakapanalo ng Pilipinas
00:25sa 2016 Arbitral Award on the South China Sea nitong weekend,
00:30nanawagan ang mga kongresista sa mga Pilipino na magkaisa sa pagsusulong ng karapatan ng Pilipinas
00:36sa West Philippine Sea at sa pagkipaglaban sa fake news kaugnay nito.
00:41Ayon kay Leyte First District Representative Martin Romualdez,
00:45mahalaga ang naturang Arbitral Award dahil sumasalamin ito sa matagal na nating alam
00:50na atin ang West Philippine Sea.
00:53Umaasa si Romualdez na patuloy na isusulong ng bawat isa ang katotohanan ito
00:58para na rin sa kinabukasan ng bansa.
01:01Ang grupong young guns naman ng Kamara,
01:03sama-samang pagsugpo sa mga disinformation at misinformation ukol sa WPS,
01:09ang ipinanawagan.
01:10Sabi ni Lanao del Sur First District Representative Zia Alonto Adyong,
01:15nagdudulot ng pagkakawatak-watak ang kasinungalingan,
01:19kaya't sa panig ng Kamara,
01:20nagsisikap din silang gumawa ng iba't ibang hakbang laban sa fake news.
01:26Si Sambalas First District Representative Jay Kunghun naman,
01:29binalikan pa ang isang survey na nagsasabing mayorya ng mga Pilipino
01:33ang sumusuporta sa mga hakbang ng gobyerno
01:36ukol sa pagsusulong ng karapatan ng bansa sa West Philippine Sea.
01:40Mela Les Moras para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.