- 58 minutes ago
- #gmaintegratednews
- #gmanetwork
- #kapusostream
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, October 3, 2025
-PAGASA: Typhoon Paolo, nag-landfall na sa Dinapigue, Isabela
-400 pamilya, inilikas; mga ilog, kabilang sa mga binabantayan
-Bagyong Pablo, nagpaulan din sa Catanduanes at Quezon Province
-PAGASA: Bagyong Paolo, hinahagupit na ang ilang bahagi ng northern Luzon
-PHIVOLCS: Magnitude 5.1 na aftershocks ng September 30 quake, niyanig ang Bogo, Cebu kaninang umaga
-Pagkain at tubig, kabilang sa mga panawagan ng mga biktima ng lindol
-Provincial gov't ng Ilocos Norte, nagpadala ng food packs sa Cebu
-Ilang kabaong, ipinarada sa Masantol at Macabebe bilang pagkondena sa maanomalya umanong flood control projects
-Oil price adjustment, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Sen. Mark Villar, iginiit na wala siyang kaanak na nakakuha ng government contracts noong siya'y kalihim ng DPWH
-Sen. Escudero, sinampahan ng ethics complaint dahil sa pagtanggap ng P30M campaign donation mula sa contractor noong Eleksyon 2022
-Pagpapalibing sa mga nasawi sa Magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, sasagutin ng DSWD; cash assistance, ibibigay rin sa naulilang pamilya at sugatan
-Pamilyang apektado ng Magnitude 6.9 na lindol, natulog sa kulungan ng baboy
-Libo-libong nitso sa Corazon Cemetery, nasira kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol
-Maraming residente sa Daanbantayan, Cebu, nag-aabang ng tulong kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol
-Cast ng "KMJS' Gabi ng Lagim: The Movie," in character sa kanilang pictorial
-INTERVIEW: ASEC. BERNARDO RAFAELITO ALEJANDRO IV, OFFICE OF CIVIL DEFENSE
- PAGASA: Storm surge o daluyong na hanggang 3 meters, posible sa baybayin ng Aurora
-Ilang residente, nangangamba sa paglitaw ng sinkholes matapos ang lindol
-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
-Negosyanteng nagbebenta umano ng relief goods na may tatak ng DSWD, arestado
-Libreng pancake, ipinamahagi sa ilang naapektuhan ng lindol sa Cebu
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
-PAGASA: Typhoon Paolo, nag-landfall na sa Dinapigue, Isabela
-400 pamilya, inilikas; mga ilog, kabilang sa mga binabantayan
-Bagyong Pablo, nagpaulan din sa Catanduanes at Quezon Province
-PAGASA: Bagyong Paolo, hinahagupit na ang ilang bahagi ng northern Luzon
-PHIVOLCS: Magnitude 5.1 na aftershocks ng September 30 quake, niyanig ang Bogo, Cebu kaninang umaga
-Pagkain at tubig, kabilang sa mga panawagan ng mga biktima ng lindol
-Provincial gov't ng Ilocos Norte, nagpadala ng food packs sa Cebu
-Ilang kabaong, ipinarada sa Masantol at Macabebe bilang pagkondena sa maanomalya umanong flood control projects
-Oil price adjustment, posibleng ipatupad sa susunod na linggo
-Sen. Mark Villar, iginiit na wala siyang kaanak na nakakuha ng government contracts noong siya'y kalihim ng DPWH
-Sen. Escudero, sinampahan ng ethics complaint dahil sa pagtanggap ng P30M campaign donation mula sa contractor noong Eleksyon 2022
-Pagpapalibing sa mga nasawi sa Magnitude 6.9 na lindol sa Cebu, sasagutin ng DSWD; cash assistance, ibibigay rin sa naulilang pamilya at sugatan
-Pamilyang apektado ng Magnitude 6.9 na lindol, natulog sa kulungan ng baboy
-Libo-libong nitso sa Corazon Cemetery, nasira kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol
-Maraming residente sa Daanbantayan, Cebu, nag-aabang ng tulong kasunod ng Magnitude 6.9 na lindol
-Cast ng "KMJS' Gabi ng Lagim: The Movie," in character sa kanilang pictorial
-INTERVIEW: ASEC. BERNARDO RAFAELITO ALEJANDRO IV, OFFICE OF CIVIL DEFENSE
- PAGASA: Storm surge o daluyong na hanggang 3 meters, posible sa baybayin ng Aurora
-Ilang residente, nangangamba sa paglitaw ng sinkholes matapos ang lindol
-INTERVIEW: BENISON ESTAREJA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA
-Negosyanteng nagbebenta umano ng relief goods na may tatak ng DSWD, arestado
-Libreng pancake, ipinamahagi sa ilang naapektuhan ng lindol sa Cebu
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
Category
🗞
NewsTranscript
00:00Thank you so much for watching.
00:30Thank you so much for watching.
01:00Sa mga susunod na oras, tatawirin ng Bagyong Paolo ang Northern Luzon.
01:05Maging alerto po sa matitinding ulan at hangin.
01:08May ilang lugar na sa bansa ang isinailalim sa wind signal number 4.
01:12Nakatutok ang GMA Integrated News sa malalaking balita ngayong biyernes.
01:19Nakabantay tayo sa epekto ng Bagyong Paolo, lalo na po sa Isabela at sa Aurora.
01:24Ihahatid din natin ang latest sa pinsala at pagbango ng ating mga kababayan sa Cebu,
01:29kasunod ng magnitude 6.9 na lindol doon.
01:32Una po natin alamin ang sitwasyon sa Isabela kung saan nag-landfall na nga ang Bagyong Paolo.
01:40Mula sa bayan ng Echage, may ulat on the spot si Jasmine Gabriel Galban ng GMA Regional TV.
01:47Jasmine?
01:47Koni, sa mga oras nga na ito ay ramdam ng epekto ng Bagyong Paolo dito nga sa probinsya ng Isabela.
01:57Actually, sa mga oras nga na ito ay talagang tuloy-tuloy na yung buhos ng ulan at malakas na rin yung hangin.
02:03Wala na rin supply ng kuryente sa ilang bayan sa probinsya ng Isabela.
02:07As of 9 a.m. sa monitoring ng Isabela PDRRMO ay mahigit na sa 500 families ang nasa mga evacuation center.
02:16Karamihan sa mga evacuation center ay yung mga residenteng nakatira sa mga coastal municipality.
02:22Dito naman sa bayan ng Echage, Coney ay nasa dalawa hanggang tatlong pamilya ang nasa mga evacuation center.
02:28Partikular na sila yung mga nakatira sa gilid ng ilog.
02:31Ayon sa PDRRMO, possibly pang madagdaga ng bilang ng mga evacuee dahil tuloy-tuloy pa rin
02:36ang pag-iikot ng PDRRMO para ilikas yung mga residente.
02:41At dito nga sa Echage, Isabel ay binabantayan ng PDRRMO yung mga kailugan.
02:46Sa oras kasi na umapaw ang tubig sa mga overflow bridge,
02:50ay posibleng bahain din ang ilan pa sa mga low-lying areas.
02:53Nakastandby na rin ang mga rescue boats sa mga low-lying areas,
02:56hindi lamang sa bayan ng Echage kundi maging sa iba't ibang mga bayan sa probinsya ng Isabela.
03:01Patuloy na pinag-iingat ang mga residente, lalo na na huwag munang lumabas sa mga oras nga na ito
03:08habang patuloy pa rin na nararanasan ang epekto ng bagyong paulo.
03:12Samantala, as of 9 a.m., tatlong gate ng Magat Dam ang nakabukas na nagpapakawala ng tubig.
03:18Paliwanag ng PDRRMO, bahagi lamang ito ng precautionary measure
03:22at malayo pa sa critical level ang Magat Dam.
03:24Yes, Jasmine, lahat ba ng mga areas dyan na dapat nalikasin ay sumunod naman yung ating mga kababayan?
03:32Wala naman nagpasaway na. Jasmine?
03:37Actually, Connie, ayon sa PDRRMO ay nagko-comply naman ang karamihan sa mga residente
03:42dahil hindi lamang ito yung unang pagkakataon na talagang dinadaanan ng bagyo ang probinsya ng Isabela.
03:48Kung kaya't alam na rin ng mga residente yung dapat nilang gawin kapag mayroong mga bagyo gaya na lamang ng Bagyong Paulo.
03:55Dahil nung mga nakaraang linggo nga, Connie, ay nagdaan na din yung mga bagyo.
04:00Yung Super Typhoon Nando ay naranasan din dito.
04:02Kung kaya't alam na rin ng mga residente yung kanilang gagawin.
04:05Kagabi, Connie, may mga lumikas na particular sa may dinapigay.
04:08Pero sa ibang mga bayan, gaya sa Echage, ay ngayong umaga lamang sila lumikas, Connie.
04:12Okay, para doon sa mga nasa evacuation center na at nabanggit mo nga talagang daanan ng bagyo ang Isabela,
04:20eh karaniwan ang nakakalimutan, Jasmine, yung mga pangbata doon sa mga DSWD packs na mga inumin.
04:27Halimbawa, mga gatas, diaper, mga gamot, pangsipon, ubo, lagnat.
04:32Yan ba ay na-address na sa nabalitaan mo dyan sa DSWD,
04:36at least for the meantime na naghahanda na yung mga kababayan natin para sa malakas na bagyong ito?
04:42Doon, Connie, sa family food packs, well, syempre, yung usual na ibinibigay ng DSWD,
04:50yung talagang ibinibigay sa mga residente.
04:52Pero sa ating mga pinuntahan, gaya na lamang sa may Echage,
04:55ay talagang meron din silang ibinigay ng mga tubig,
04:58meron din mga nakabantay na mga health authority mula sa RHU
05:03na nakastandby sa mga evacuation center,
05:05kung kaya't merong nakamonitor doon sa health conditions, especially ng mga bata.
05:10Pero pagdating doon sa mga diaper, doon sa mga gatas, wala tayong nakitang ganoon.
05:15Pero doon sa mga parents, doon sa mga magulang ng mga bata,
05:19ay meron naman na silang daladalang mga gatas at mga diaper.
05:22Pero since na-mention mo yan, Connie, kinakailangan din natin maitanong yan sa otoridad,
05:27particular sa mga local government unit,
05:29dahil importante rin na maibigay nila yung ganyang pangangailangan,
05:32especially ng mga nasa mga evacuation center ng mga bata, Connie.
05:36Yes, paalala mo na lang at laging yan ang request ng mga ina.
05:41Maraming salamat sa iyong update sa amin at ingat kayo dyan.
05:44Jasmine Gabrielle Galban ng GMA Regional TV.
05:48Ramdam na rin ang efekto ng mga bagyong paulo sa iba pang probinsya sa Luzon.
05:54Malakas po na ulan ang naranasan sa ilang bahagi ng katanduanes na nasa signal number one,
06:00kabilang ang bagamanok at virak.
06:03Dahil sa masamang panahon, ipinagbawal ang pagpalaot ng mga mangingisda sa dagat.
06:09Kanselado rin ang ilang klase bilang pag-iingat sa pananalasa ng bagyo.
06:13Malaking bahagi rin ang Quezon Province ang nakaranas ng masamang panahon.
06:18Nasa signal number one ang hilagang bahagi ng probinsya.
06:22Sa Lemery, Batangas naman, kahit hindi direktang apektado ng bagyo
06:26at magmistulang ilog ang bahagi po ng Palanas Road.
06:31Resulta po daw yan ang malakas na ulan.
06:33Pahirapan tuloy makadaan ang mga maliliit na sasakyan na nagpabagal rin sa trapiko.
06:40Umulan din ng malakas sa bayan ang Kalatagan.
06:43Malakas din po ang hampas ng alon doon.
06:46Pinahagupit na nga po ng Typhoon Paolo ang ilang bahagi ng Northern Luzon
06:59at ayon po sa pag-asa, taglay ng bagyo ang lakas na hangin
07:03na aabot sa 130 kmph at bilis na hanging 25 kmph.
07:09Alas 9 ng umaga, nag-landfall ang bagyong Paolo sa Dinapigay Isabela
07:14at maghapon itong tatawirin ang Northern Luzon
07:18kabilang ang Cordillera at Ilocos Regions.
07:21Nakataas na ang babala sa posibleng daluyong o storm surge.
07:25May banta po ng 2.1 to 3 meters na taas ng daluyong
07:31sa ilang coastal areas ng Aurora, Cagayan, Ilocos Norte at Isabela.
07:361 to 2 meters naman ang taas ng alon na maaaring maranasan
07:40sa ilan pang coastal area ng Aurora, Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union,
07:46Pangasinan, Quezon Province at Zambales.
07:49Pinapayuhan ang mga residente na lumayo sa Dalampasigan
07:52at lumikas sa matataas na lugar.
07:56Dahil din po sa bagyong Paolo, maalon at delikado sa lahat ng uri
08:00ng mga sasakyang pandagat ang pumalaod sa mga baybayin
08:03ng Northern Luzon at ng Aurora.
08:05Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, maulan ngayong maghapon
08:10sa Northern at Central Luzon.
08:12Pusible po ang intense to torrential rains
08:14sa ilang lugar na maaaring magdulot ng baha o landslide.
08:18Uulanin din ang ilang panig ng Southern Luzon
08:21kasama ang Metro Manila, Visayas at maging sa Mindanao.
08:25Tutok lamang po sa balitang hali para sa 11am bulletin ng pag-asa
08:29at syempre sa latest na listahan ng mga lugar
08:32na may tropical cyclone wind signal.
08:35Niyanig ng magnitude 5.1 na lindol
08:51ang Bogo, Cebu, kanina pong umaga.
08:53Ayon sa FIVOX aftershock po yan
08:55ng magnitude 6.9 na lindol noong Martes ng gabi.
09:00Naramdaman ang aftershock sa iba pang lugar sa Cebu at sa Leyte.
09:04Wala namang naitalang pinsala.
09:06As of 4am kanina, nasa 3,685 na ang aftershocks
09:11na naitala sa Cebu mula sa magnitude 6.9 na lindol.
09:15Labing walo sa mga aftershocks na ito ang naraman.
09:19Ayon kay FIVOX Director Teresito Bakulkol,
09:21asahan ang mga aftershocks sa lugar sa mga susunod pang araw.
09:25Nangangalampag na ng tulong ang ilang kababayan natin sa Cebu
09:31na lubhang naapektuhan ng malakas na lindol.
09:34Marami daw sa kanila wala nang babalik ang bahay.
09:37Balitang hatid ni Emil Sumangin.
09:40Ganito ngayon ang sitwasyon sa mga kalsada patungong Northern Cebu.
09:56Nasa tabing kalsada ang ating mga kababayan.
09:59May mga hawak na placard kung saan nakasulat ang mga salitang tulong, pagkain at tubig.
10:05Bakit lumabas na kayo dito sa tabing kalsada at daladala nyo ito?
10:09Bakit?
10:10Manghingi na kami ng pagkain, tubig at saka bigas.
10:15Ano ba ang sitwasyon ninyo ngayon?
10:18Sabihin nyo sa ating mga kababayan.
10:20Hirap na hirap na kami.
10:22Bakit?
10:22Sa sitwasyon kasi sa earthquake.
10:26Pagkain, tubig?
10:27Pagkain, tubig.
10:29Yung bahay nyo, nauuwihan nyo ba?
10:32Nasa labas na kami.
10:33Kami ka ron, naglisod yun may tumunt sa earthquake na nadadangat sa mua.
10:38Kami ka ron, anana namin magkita, magkabi isa ka na ang laplin sa dalan o laplin sa kanang walay kuwan.
10:44Kaya magsigipamangya puno ka na ang earthquake.
10:47Kano kahirap?
10:49Kahirap na hirap na yun, sir.
10:51Yung mama ko doon sa laablong...
10:55Hindi kalayuan, natuntun ko ang bahay ng magkapatid na senior citizen na si Nagavino at Leonora.
11:00Mga kaputin, kita ko po sa inyo anong klaseng sitwasyon ang kinasasadlakan ngayon ng ating mga kababayan.
11:08Ito po yung isa bayan naman ng Borbon.
11:11Nadaganan po ang magkapatid na senior citizen.
11:15Pagkatapos pong yanigin ng lindol noong gabi na iyon, nakaligtas po sa kabutihan palad sa awan ng Mahaladiyosama yung kanilang bahay.
11:24Hindi na huwitsura ang bahay.
11:25At mistulang sinalansan ng mga kahoy na lamang at nagdomino po dahil po sa lakas ng lindol.
11:33Kapwa, may problema sa pagdinig at hindi nakapagsasalita ng Filipino ang magkapatid.
11:37Nakuha raw mula sa guho ang magkapatid ng responding mga polis ayon sa kwento ng kanilang pamangking si Benjamin.
11:45Nakahiga na ako, tapos yung mga matanda, diyan nakahiga na rin, natutulog.
11:54Bandang alas 9 yata, mahigit, alas 9 o mag-alas 10, biglang yumanig.
12:02Pag burn out, yan ang pinamalakas.
12:06Talagang malakas, tapos nabagsakan.
12:09Hinahanap namin ang ina ko at saka yung tiyohin ko.
12:13Nakahiga yan eh, tapos pinilit siguro niyang gumangon.
12:18Hinahanap kung saan ang labasan.
12:21Nakita ko, nakayuko.
12:23Little na namin makarecover.
12:25Paunti-unti ba.
12:26Si Lolo Gavino kahit delikado, pinalikan ang bahay na wasak.
12:31Kinolekta ang mga kawayan at pinatalian ang aming abutan.
12:35Gagawin daw niya itong higaan.
12:37Pilit niya hong kinukumpune yung mga piraso ng kawayan at tali, tapos may sako siya.
12:46Dito ho pala yung kanyang higaan, nagkasira-sira.
12:48So, nanusubukan niya lahat para makabuo uli ng mapapakinabangan mula ho doon sa mga gamit na sinira ho ng lindol.
12:59Tinungo naman namin ang bayan ng San Remigio na isa rin sa lubhang tinamaan ng lindol.
13:06Sa sports complex na ito, namatay ang ilan sa ating mga kababayan.
13:12Mga kapuso, restricted at hindi po pinahihintulutan ang sino mang makapasok dito po sa San Remigio Sports Complex.
13:20Sa kauna-una ang pagkakataon mula ng maganap ang lindol, ipakikita po namin sa inyo kung ano ang naging itsura ng damage sa law po ng Coliseum mula ng maganap ang nasabing lindol.
13:33Sa impormasyong aming natanggap mula po sa mga otoridad, hindi po bababa sa lima ang nasawi ng pawang mga manlalaro ng basketball sa isang liga ng madaganan ng mga gumuhong parte ng Coliseum.
13:48Tingnan nyo mga kapuso ang itsura ng pintuan pa lamang ng sports complex, hindi na ho mapakikinabangan pa.
13:57At habang pumapasok ho hanggang sa marating natin ang basketball court ng Coliseum, ganito po ang madaratnan.
14:07Hindi na rin mapapakinabangan dahil ang kisame at ang pader.
14:10Kailangan nang ipacheck sa mga otoridad dahil baka anumang oras gumuho dulot na mga aftershocks.
14:19Pati ang ilang pang government office sa likuran, pinadapa ng lindol.
14:24Mga kapuso, sa likod lamang ng San Remigio Sports Complex, matatagpuan ang opisina ng Traffic Department ng Municipalidad.
14:32Pero tingnan nyo po ang itsura ngayon ng tanggapan.
14:35Mistulang nawalan ng pangstruktura.
14:38Bumigay ang mga poste at ang bubungan, nasa flooring na.
14:42Sa aming pag-iikot, nakilala ko si Gemma.
14:50Siya ang ina ng 25 anyos na si Jude, na isa sa mga nasawi sa na-damage na sports complex.
14:58Ayon kay Gemma, nag-referee noon si Jude sa isang liga at sa kalagitna ng inter-agency game.
15:05Nagganapan lindol at nabagsakan ng semento ang bunsong anak.
15:08Na-ulihin naman siya pag-gawas niya. Ang motor na lang niya, isa na lang ditong nabilin sa kuan.
15:15Ang gawas niya. Kwanagid kami nga. Siya, usap-usap sa biktima na.
15:23Pakirapan daw ang retrieval operation kay Jude, na nakahanap ang labi kinabukasan pagputok ng liwanag.
15:29Masakit mangan sa akon kay kamanguran ko ba siyang anak-bata pa.
15:33Nasa 63 pamilya naman mula sa Purok, Agbati, sa Barangay Hagnaya,
15:44ang pansamantalang nananatili sa bakanting lote na ito habang nagpapatuloy ang mga aftershock.
15:51Emil Subangil, nagbabalita para sa German Integrated News.
15:53Ito ang GMA Regional TV News.
16:00Nagpadala na rin ng relief packs ang provincial government ng Ilocos Norte para sa mga nilindol sa Cebu.
16:08Kuha po tayo ng detalye mula naman kay Chris Soniga. Chris?
16:14Connie Food Packs ang ipinadala ng Ilocos Norte para sa mga biktima ng lindol.
16:18Kahung-kahung mga pagkain ang dinila sa Lawag International Airport para ibigay sa Cebu.
16:24Nagpaabot ng pakikiramay sa Ilocos Norte Governor Matthew Marcos Manotok para sa mga nabiktima ng lindol.
16:30Nagpahayag din siya ng suporta para sa lalawigan.
16:34Nagbigay naman ang donasyon ng Batanes Provincial Government para sa mga taga Babuyan Islands sa Cagayan,
16:39na naapekto ng bagyong nando nitong Setyembre.
16:42Kabilang sa ibinigay sa mga residente ang pagkain, damit, grocery at iba pang pangangailangan.
16:48Agad naman itong ipinamahagi sa mga residente.
16:53Ipinarada naman ang ilang kabaong sa Pampanga bilang kilos protesta ng mga kabataan.
16:59Sumisimbolo raw yan sa kanilang pagkondena sa maanumalya umanong flood control projects ng DPWH.
17:06Bitbit nila ang placards na may nakasulat na pati ang mga patay, nahihirapan din sa baha.
17:13Mula Bayan ng Masanto, lumusong sila sa baha patungong parokya ni San Nicolás de Tolentino sa Makabebe at nagsagawa ng programa.
17:21Ayon sa mga nagkilos protesta, layo nilang panagutin at makulong ang mga sangkot sa katiwulian,
17:27lalot laging lubog sa baha ang mga simenteryo sa dalawang bayan.
17:31Bip, bip, bip mga motorista! May dagdag bawas sa presyo po ng mga produktong petrolyo sa susunod na linggo.
17:43Sa estimate ng Oil Industry Management Bureau ng Department of Energy, batay po yan sa 4-day training,
17:49pumigit kumulang 5 centimo kada litro ang nakikitang rollback para sa gasolina.
17:54Price hike naman po para sa diesel at kerosene.
17:57Pumigit kumulang 50 centavos yan sa diesel habang nasa 25 centavos sa kerosene.
18:03Ayon sa DOE, kabilang sa mga dahilan ng paggalaw sa oil price,
18:07ay ang pagpataw ng sanction ng Amerika sa Iran, pati ang nakikitang pagdami ng supply.
18:13Posible pa pong magbago yan depende sa kalakalan ngayong Byernes.
18:17I have nothing to hide.
18:26Yan ang sinabi ni Sen. Mark Villar kasunod ng pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulia,
18:32na nakakuha ang pinsan ng Senador ng mga kontrata sa infrastructure projects sa Las Piñas
18:40na balwarte ng kanyang pamilya noong siya'y kalihim ng DPWH.
18:45If ni Villar wala siyang direct or indirect ownership o hindi kaya'y controlling interest sa mga kumpanyang lumalahok sa mga proyekto,
18:54gagaryantahan daw niya ng mga official record na walang kaanak niya ang nakakuha ng anumang kontrata mula 2016 hanggang 2021.
19:05Naniniwala daw siya na ang kanyang service record noong mga panahon yun ay patunay sa kanyang focus at commitment.
19:12Sinong suportahan daw niya ang investigasyon ng Independent Commission for Infrastructure?
19:18Wala pang komento si Remulia sa pahayag ni Villar.
19:22Inibitahan na ng ICI si Villar na dumalo sa pagdinig nito sa susunod na linggo
19:27para daw magbigay ng pahayag tungkol sa planning, budgeting, execution at monitoring ng mga flood control project noong siya pa,
19:35ang DPWH Secretary.
19:37Sinampahan ng ethics complaint sa Senado si Sen. Cheese Escudero para o dahil sa pagtanggap ng 30 million pesos na campaign donation
19:48noong eleksyon 2022 mula sa isang kontraktor.
19:52Ibinigin ng abogadong complainant na nakababahala sa integridad ng Senado ang pagtanggap ni Escudero ng nasabing donasyon.
19:59Hindi raw ito asal ng isang senador o ng isang public official.
20:04Sa ilalim ng Omnibus Election Code, ipinagbabawal sa isang may kontrata sa gobyerno na magbigay ng donasyon sa isang partisan political activity.
20:14Dati nang sinabi ni Lawrence Lubiano ng Center Waste Construction and Development Incorporated
20:19na personal niyang pera at hindi ng kumpanya ang ibinibigay niyang donasyon kay Escudero.
20:25Sagot naman ang dating Senate President, hindi na siya nagulat sa inihayang ethics complaint.
20:30Kabayaran daw niya ito sa pagbanggit kay dating House Speaker Martin Romualdez kaugnay sa issue ng budget.
20:37Bahagi raw ito ng harassment ng mga anyay alagad ni Romualdez.
20:42Tinawag din niyang pamumulitika ang ethics complaint.
20:45Sinusubukan paraming kunan ng pahayag si Romualdez.
20:49Ilang tangga pa ng gobyerno ang handang mag-abot ng tulong pinansyal sa mga napuruhan ng mga nagdaang bagyo at ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu.
21:12Balitang hatid ni Ivan Mayrina.
21:14Paano nga ba pagsasabayin ang pagbangon sa lindol?
21:22At ang maayos sa pagluluksa para sa mga yumao?
21:26Sa pagdami pa ng mga nasawi, sa mahigit pitong puna, inaasahan pang tataas habang tuloy ang retrieval operation.
21:33Tiniyak ng DSWD na sasagutin na nito ang pagpapalibing sa kanila bukod pa sa cash assistance.
21:38DSWD na po ang magbabayad o magsasettle nung burial expenses na na-infer nung mga pamilya nga po nila iisipin yung gagastusin para nga sa pagpapalibing.
21:50On top of that, we have also provided P10,000 na financial assistance po sa kanila.
21:55Kung nakaligtas naman pero nasaktan, tatanggap ng 10,000 piso rin yung financial assistance.
22:01Kahit hindi nasugatan kung kwalifikado naman para maging beneficaryo, aabotan din ang tulong sa pamagitan ng emergency cash transfer.
22:09Inaasahan pasok dito ang pinakamahihirap na nasiraan ng tahanan o nawala ng kabuhayan.
22:15Magyayang mga may trabaho na kailangan ng biglaan panggastos, maaaring magkalamit ilon kung membro ng Social Security System o SSS.
22:22Bukod sa mga nilindol, bukas din ito para sa mga naapektuhan ng bagyong mirasol, nando at opong.
22:29Kung nakatira at nagtatrabaho sa mga lugar na isinailalim sa state of calamity,
22:34pwede magloan ng tatlo hanggang 20,000 piso depende sa buwan ng kontribusyon.
22:39Babayaran yan sa loob ng 24 months o dalawang taon.
22:42For calamity loan, 7% internet na lamang po ito, dati po ay 10%.
22:49Kaya po, mas maigi na po ngayon ang aming calamity loan program.
22:55Bukod sa ganyang mga tulong, may hiwalay na pag-alalay din ang mga quick response team ng DSWD sa mga posibleng apektado ng trauma.
23:02Napakalaga kasi yung isinasagawa rin na psychosocial, mental health services.
23:10Yung incident stress debriefing na isinasagawa ng ating mga social workers.
23:14Samantala, 85% na ng mga nilindol ang meron ng muling kuryente.
23:19Inaasa ka maibalik ng supply sa lahat bago matapos ang linggo ito.
23:23Siguro po ang pinakamalaking haman po sa mga aftershocks.
23:26Kung saan kasi po pag malakas po, baka po matemporarily stop po yung aming restoration efforts.
23:32Ivan Mayrina nagbabalita para sa GMA Integrated News.
23:36Sa kulungan ng baboy natulog ang isang pamilya sa San Remigio, Cebu na nakaligtas sa magnitude 6.9 na lindol.
23:56Doon daw sila nanatili para hindi mabasa sa ulan habang iniinda ang aftershocks.
24:01Ang mga naapektuhan naman ng lindol sa Medellin, ibinalot ang kanilang mga sarili sa plastic bags para hindi mabasa ng ulan.
24:10Bukod sa masisinungan, kailangan din po ng pagkain at inumin ng mga apektado ng lindol.
24:16Sinisika pang kuna ng pahayag ang lokal na pamahalaan ng nabanggit ng mga apektadong bayan.
24:21Ayon sa Pangulo na bumisita po sa epicenter ng lindol sa Bogo City, hindi mapatuloy sa evacuation centers ang mga apektado ng lindol dahil hindi sigurado kung nigtas gamitin ang mga ito.
24:39Bibulibong nicho sa isang sementeryo sa Bogo, Cebu, ang nasira kasunod ng magnitude 6.9 na lindol.
24:47May ulat on the spot, si Femarie Dumabok ng GMA Regional TV.
24:51Femarie?
24:57Connie, hindi rin nakaligtas ang himlaya ng mga yumaong kamag-anak ng mga residente dito sa Bogo City.
25:04Dahil karahimihan sa mga nitso ang nasira o nabasag dahil sa lindol.
25:08Ilang sa mga residente ang nagtungo ng maaga dito sa Corazon Cemetery upang ma-check kung kasali ba sa mga nasira ang mga nitso sa kanilang yumaong kaanak.
25:23Tulad na lang ni Rosalina Ramos na nagpadasal na rin para sa death anniversary ng kanyang kapatid.
25:28Ayon sa kanya, kahapon pa sana niya gustong ma-inspeksyon ang kondisyon ng himlayan ng kapatid nang malaman niya na maraming nitso dito ang nasira.
25:37Lalo na't ilang linggo na lang, gugunitain na ang araw ng mga patay.
25:43Anniversary po na yung sister ko, tapos sinek na lang po namin yun kung okay pa ba yung mga nitso nila.
25:53Kasi talagang dito sa Bogo yung center ng nindol.
25:57Pasalamat niya na lang na crack o bitak lang yung nagtamo ng libingan ng kanyang kapatid.
26:11Ayon sa tagapangalaga ng simenteryo, nasa 50% sa mahigit na 20,000 nitso na mga nailibing dito ang nasira.
26:19Lalo na itong isang apartment type na bone chamber kung saan nagiba ang mga simento.
26:24Problema rin nila ang mga nasirang nitso sa mga bagong libing.
26:27Na nakikita na ang mga kabaong at may muntikan pang nabuksan.
26:32Ang Corazon Cemetery ay isang public cemetery na pag-aari ng San Vicente Ferrer Parish.
26:38Panawagan nila sa mga kaanak ng mga inilibing na unawain na muna ang sitwasyon.
26:43Dahil naghihintay pa sila ng mga susunod na hakbang ng mga pari.
26:46Pinuntahan din natin kanina ang isang bakanting lote sa city of Ilumina sa barangay Binabag.
26:52Sabay na, pinaglalamaya naman ang labing isang magkakaanak at magkapitbahay na namatay sa magnitude 6.9 na lindol dito sa Bugo City.
27:01Matatawag na isang bayani ang namatay na 17 anos na si Lady Jane Itang.
27:05Dahil nailigtas niya ang kanyang mga magulang at tatlong kapatid, kabilang ang bunso na sanggol.
27:11Nakalabas na sana siya ng kanilang bahay noong lumindol, pero bumalik para tulungan ang mga kaanak.
27:17Nagihinagpisman dahil sa pagkawala ng anak.
27:20Labis daw na nagpapasalamat ang mga magulang sa ginawa ni Lady Jane.
27:24Tinawag kami lahat ng papa niya, yung bibi namin. Sabi niya, pa, ma, si bibi, anuhan niyo, dapaan niyo.
27:39Tapos dinapaan din kami niya kami lahat.
27:43Tinanun niya kami lahat.
27:46Siya, nangupo niya siya, siya yung natamaan.
27:49Hindi naman matanggap ni Mark ang nangyari sa kanyang dalawang anak na lalaki, edad sampu at limang taon.
28:08Wala siyang nang mangyari ang lindol dahil nagtatrabaho sa Cebu City.
28:12Tinangka pa raw ng kanyang asawa na iligtas ang dalawang bata, pero napuruhan pa rin sila ng mga bumagsak na bato.
28:19Ang ina ng kanyang mga anak, nagtamo ng mga sugat sa katawan at mukha.
28:25Sobrang sakit, ma'am. Hindi ko matanggap sa ngayon, pero unti-unti ang anuhin lang, ma'am.
28:34Hindi naman matanggap ni Kristita na apat sa kanyang mga apo ang namatay, pati na rin isa niyang anak at manugang na babae.
28:46Ang mga biktima ay pawang nakatira sa paanan ng bundok sa karatig na sityo.
28:50Nagdaganan ang kanilang mga bahay ng malalaking bato na gumulong galing sa bundok.
28:56Kuni, may natatanggap man na tulong ang mga kaanak ng mga biktima galing sa gobyerno.
29:02Panawagan pa rin nila na tulungan pa sila na makalipat ng ibang lugar at makapagsimula muli ng kanilang buhay.
29:09Nakatakda namang ilibing ang labing isang namatay dito sa Corazon Cemetery.
29:14Kaya naman, isa yan sa inasikaso ngayon ng mga kawani dito sa Corazon Cemetery.
29:21Kuni, maraming salamat at ingat kayo dyan.
29:24Femarie Dumabok.
29:27Magkain po ang isa sa mga pangunahing problema ngayon ng ilang nakaligtas sa lindol sa Daanbantayan sa Cebu.
29:33At may ulat on the spot mula po roon si Ian Cruz.
29:36Ian?
29:36Yes, Kuni, gutom at desperado na nga ang maraming taga dito sa Daanbantayan sa Cebu.
29:46Matapos nga ang malakas na lindol na tumama dito.
29:50Kaya naman, Kuni, dito sa plaza ng kanilang bayan ay talagang maraming mga residente ang naririto
29:56at nag-aabang sila ng mga dumarating na sasakyan para nga sa pag-asa na makakuha sila ng kahit anumang ayuda.
30:04At ang mga tao dito nga, Kuni, kanina ay may pumila nang may nakita lamang na may pumaradang sasakyan.
30:09Ayon sa mga tao, akala nila ay mayroong magbibigay na ng tulong.
30:13Ayon naman kay Mayor Gilbert Arabes Jr., ang alkalde ng bayang ito,
30:17may mga nagbibigay na ng tulong pero hindi raw sapat sa mga apektadong residente na sa 32,000 lahat-lahat.
30:25Pero magpupullout na raw ng goods sa DSWD ang munisipyo para mapunan ang kakulangan sa pagkain.
30:30Isa naman sa Heritage Church ng Cebu, ang Santa Rosa de Lima Parish,
30:34dito nga sa Daanbantayan, ang nagtamo ng matinding pinsala.
30:38Wasak ang harapan nito, kaya off-limits kahit pa nga sa mga taong simbahan, pati na sa publiko.
30:44Ayon kay Father Randy Nebria, parish priest, sa ngayon ay sa kapilya na lamang sa gilid ng simbahan muna sila.
30:51Nagmimisa, nakipag-ugnayan na raw sila sa mga taga-archdiocese,
30:55kawag na isang magiging rehabilitasyon ng kanilang simbahan.
30:58Kaninang madaling araw naman, Connie, ay may malakas na aftershock muli na gumising sa mga tao.
31:04Isa naman ang suba bridge sa labis na naapektuhan ng Lindol.
31:08Sa paligid ng munisipyo, ng Daanbantayan ay marami rin tayong napansin na bitak sa lupa.
31:15Nagbitak din ang municipal building, kaya wala nang nag-uopisina roon.
31:19Yung mga taga-BFP nga, Connie, ay kinuha na ang mga gamit sa tanggapan doon sa munisipyo.
31:25At Connie, walang nasawian dito sa Daanbantayan sa nangyaring malakas na Lindol.
31:31Pero 29 na mga residente nila yung nasugatan at yung iba dyan ay malubha.
31:36Ito na sa Cebu City para sa karampatang lunas.
31:40Pero Connie, ang main concern ng mga taga dito talaga ay yung pagkain at tubig.
31:46At syempre, yung iba naman humihiling din ng trapal at mahihigaan nila.
31:51Sapagkat ngayon, Connie, dahil nga patuloy pa rin yung aftershocks.
31:55Kanina madaling araw, ginising kahit tayo, nagising tayo sa napalakas na pagyanig na aftershocks.
31:59At ang nangyayari, Connie, ang mga residente talagang sa labas lamang ng kanilang tahanan na tutulog.
32:05Yung iba, nasa mga plaza, nasa mga open spaces, nasa mga basketball court.
32:10Dahil ayaw muna nilang pumasok dun sa kanilang mga tahanan.
32:12Dahil nga, yun nga, nauulit-ulit pa rin yung malalakas na pagyanig, Connie.
32:17Maraming salamat at ingat kayo dyan, Ian Cruz.
32:20TGIF na mga mari at pare, on the way to the big screen na ang paghahatid ng takot ng programang kapuso mo, Jessica Soho, sa gabi ng Lagim the Movie.
32:37Para sa 20th anniversary ng KMJS, tatlong spooky tales ang itatampok sa inaabangang horror film.
32:45Hanguyan sa true accounts na naipalabas sa programa sa mga nagdaang taon.
32:49Ipinasilip ng GMA Pictures at GMA Public Affairs ang pictorial ng pelikula.
32:55Kabilang sa cast, sina Sania Lopez, Jillian Ward at Miguel Tan Felix na in character sa pictorial.
33:03Kasama rin sa cast, si Elijah Canlas.
33:06Present din sa pictorial, sina Senior Vice President for GMA Public Affairs at GMA Pictures Executive Vice President Nessa Valdelion
33:13at award-winning host ng programa na si Jessica Soho.
33:19Aminin natin, napakasarap naman talagang pagkwentuhan yung mga kababalaghan, di ba?
33:25Maliit pa tayo hanggang sa ating pagtanda.
33:28Yung mga kwento ng kababalaghan, they live on eh.
33:31Never in my wildest dreams na may mangyayaring ganito.
33:35Pero dream come true ito para sa staff, lalo na yung mga producers ng KMJS.
33:42Signal number 4 na sa Kasiguran Aurora.
33:48Update po tayo sa sitwasyon doon.
33:50Sa ulat on the spot ni Sandra Aguinaldo.
33:52Sandra?
33:54Yes Connie, kasalukuyan nga pong binabagyo o binabayo ng Bagyong Paolo itong Kasiguran Aurora.
34:01Nagsimula po namin maramdaman yung ulan at hangin na dala nito bandang alas 8 hanggang alas 9 na umaga.
34:09At pagkatapos po niyan, alas 10 hanggang ngayon Connie, ay patuloy po yung malakas na ulan at hangin na dala nito.
34:16Sa amin pong paglilibot ay may mga bahagi pa nga ng kalsada na halos zero visibility na dahil sa lakas ng ulan at hangin.
34:24May mga kable po ng kuryente na lumaylay na kaya pinagigingat po ang mga sasakyang bungabiyahe pa rin sa gitna ng bagyo.
34:33Malalaki po ang alon sa baybayin ng Kasiguran.
34:37Minstu lang nagsasalpo ka ng alon at namumuti po ang dagat ng pagsapasyala namin ito.
34:43Kasama po sa babala ng pag-asa dito sa Aurora ay daluyong na posibleng umabot ng tatlong metro.
34:50Bandang alas 10 ng umaga hanggang ngayon ay dama namin yung bagsik ng bagyo at sa pag-landfall po ng bagyong Paulo sa Dinalupigue, Isabela.
35:02Kaninang alas 9, itinaas na rin po sa signal number 4 ang babala ng bagyo dito sa Kasiguran Aurora batay sa 11am bulletin ng pag-asa.
35:13May babala din ng landslide at baha dahil sa heavy rainfall warning.
35:18At Connie, dito nga po sa aking kinalalagyan dito sa Kasiguran, maipakita lamang namin sa inyo yung lakas ng hangin makikita sa aming kapaligiran.
35:28Partida pa yan Connie kasi medyo may building na malapit sa akin kaya hindi ako masyadong tinatamaan ng hangin.
35:35Kailangan natin yan para ma-establish ang ating signal.
35:38Pero may mga pagkakataon, Connie, dito na pag bumugso yung hangin, pwede itong makapagdala ng tao, lalo na kung medyo balingkinitan lamang.
35:48At ganun din, nakikita natin Connie yung pagbagsak kanina ng mga kable na kuryente at yung pagbagsak ng mga ilang bahagi ng puno.
36:01Dahil na rin po sa lakas ng hangin at ulan na dala ng Bagyong Paolo.
36:06Yan muna po ang pinakahuling ulat mula dito sa Kasiguran Aurora.
36:10Connie?
36:10Maraming salamat at ingat kayo dyan, Sandra Aguinaldo.
36:14Pakaugnay po naman sa latest assessment sa epekto ng magnitude 6.9 na lindol sa Cebu at paghahanda sa Bagyong Paolo.
36:22Kausapin po natin si Office of Civil Defense Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.
36:31Magandang tanghali at welcome po sa Balitanghali.
36:34Yes, magandang tanghali po sa atin, sa isa niya po ma'am, good noon po.
36:39Ano po, ano po ang update doon sa latest natin ng mga casualties at hanggang kailan po ba magpapatuloy ang search and rescue operation?
36:50Oo, in terms of casualties, ang numero, again, nagkaroon na ng validation, nasa 68 po ang reported dead sa atin at meron na pong 559 injured individuals.
37:02Wala pong missing, so wala na pong hinahanap tayo as we speak.
37:07So wala na pong search and rescue operation.
37:10Ang meron po ngayon doon ay response operation, meaning nagbibigay tayo ng mga relief, pag-set up ng mga camps, pag-ayos ng mga water supplies natin,
37:21at iba pang related activities sa disaster response.
37:24Okay, sir, itong numero po ng casualties po natin na mahigit sa 6 na po sa inyo, validated po ito, 68, pero kasi ang mga interview po namin sa mga mayor, nasa 73, pero hanggang doon na lamang daw.
37:39Opo, opo. Ito po ang medyo na-validate for now sa amin, but kung maalala mo kahapon na umabot ito ng 72, meron lang po mga adjustments.
37:50So tinitingnan naman natin yan, we're looking at it sa mga between 68 maximum, 72, 75, ganon.
37:58But hopefully, manatili na pong ganyan. Kasi binavalidate pa po yung mga numero natin.
38:04Pero so far, ang nabanggit din po sa amin, wala na kayong hinahanap or mga missing, all accounted for na.
38:11So tapos na po ang ating search, retrieval na lamang po kung sakasakali?
38:17O wala na yan?
38:17Opo, retrieval, ibig sabihin, clearing na lang ng mga debris.
38:21And of course, yung pinaka-importante ngayon na ginagawa namin, assessment ng mga structures na nakatayo pa, making sure na pwede pang balikan ito at magamit.
38:33Okay, saan-saan mga bayan ho ba ang napuntahan ninyo at naabotan ng tulong?
38:38Lalo-lalo na ho, kasi may mga sinasabi silang gumuho na mga sirang daan.
38:43Opo, ang centro talaga ng activities natin ay dito sa Bogo City, Medellin, San Remegio, Sugud.
38:51Sabuelan at Tubogon.
38:53So sa northern part of the province of Luzon ito, doon po talaga ang maraming activities at maraming nasiraan na bahay.
39:00Kasi umabot na po na halos 5,000 damaged houses po doon at may 658 totally damaged houses.
39:10So yun po, isa yan sa priority na ngayon, sa utos na rin ni Pangulong Marcos,
39:16na dapat at sikasuhin na itong mga requirements sa tents.
39:20Kailangan mag-set up na tayo ng tent city na bigyan na po ng instruction and issued natin
39:27na pangunahan niyang pag-establish ng tent cities as temporary dwelling ng mga nawalan ng bahay po.
39:34Okay, yung ilan pa hung mga napuntahan ng ating mga kasamahan dito sa GMA Integrated News,
39:41na daanan sa mga daan, na nanghihingi po ng tulong.
39:45Na-identify ho ba kung ano mga barangay po ito at naabutan na ho ba sila ng kanilang pagkain at tubig na hinihiling?
39:53Opo, ina-address natin yan. Hindi lang up to the barangay level na talagang mabigyan ng tulong.
40:01Kaya we are pushing, hindi lang po pagkain pati tubig, water filtration teams na kailangan doon sa ground,
40:09specifically sa Bogo City, sa Medellin at iba pang lugar po.
40:13Okay, paalala na lamang ho, lalong-lalong na doon sa medyo natatakot bumalik sa kanilang mga tahanan.
40:19Of course, lalo na yung mga nandyan pa rin ho sa daan, kanya-kanya ho silang paraan para hindi mabasa ng tubig ulan.
40:30Ito po, meron pa pong inaasa ang mga aftershocks, kaya ang panawagan namin na huwag lang muna bumalik sa mga tirahan natin na medyo may sira.
40:40And we will be providing through the SHOD and the SWD additional tents po.
40:46So, huwag po kayong mag-alala, ginagawa na po lahat in coordination with the different local government units
40:53yung ma-address yung mga pangangailangan at ma-establish po itong mga temporary dwellings natin.
40:58Marami pong salamat sa inyong oras na ibinahagi sa Balitang Halis, sir. Thank you.
41:03Thank you po. Magandang umaga po.
41:05Yan po naman si Office of Civil Defense Deputy Administrator for Administration Assistant Secretary Bernardo Rafaelito Alejandro IV.
41:12Ito ang GMA Regional TV News.
41:19Balita sa Visayas at Mindanao mula po sa GMA Regional TV.
41:23May ilang sinkhole na po na lumitaw sa San Renegio sa Cebu matapos nga po itong magnitude 6.9 na lindol.
41:31Cecil, kamusta yung mga residente natin doon?
41:33Connie Pangamba, ang naramdaman ng ilang residente matapos madiskubre ang sinkhole sa ilang barangay.
41:43Nabilang dyan ang sinkhole sa Purok Siniguelas sa barangay Poblasyon.
41:47Napansin daw yan ng mga residente isang araw matapos ang lindol.
41:51May nahulog na rin daw sa sinkhole na mabutit nakaligtas naman.
41:55May sinkhole rin sa barangay Manyo.
41:58Pinayuhan na ang mga residente na huwag lumapit sa sinkholes para iwas disgrasya.
42:03Ayon sa mga eksperto, nabubuo ang sinkhole kapag nalusaw ang mga bato o carbonate rock sa ilalim ng lupa.
42:11Ilan sa mga sinyalis nito ang pagkakaroon ng hugis bilog na bitak sa lupa.
42:16Samantala, ilang paaralan sa Inilo City ang napinsala ng lindol noong martes.
42:207 paaralan ang nagtamo ng matinding pinsala. 25 naman ang may minor damages.
42:27Balik face-to-face classes na sa ilang paaralan matapos matiyak na ligtas ang mga gusali.
42:33Alternative o blended learning mode naman muna sa iba pa.
42:36Sa Bacolod City, nakitaan din ng bitak ang ilang classroom sa ilang paaralan matapos din ang lindol.
42:43Pansamantalang hindi muna ginagamit ang mga classroom para sa kaligtasan ng mga estudyante at guro.
42:50Update po tayo sa Bagyong Paolo na nag-landfall na sa Dina Pigue, Isabela.
42:57Pausapin po natin si pag-asa weather specialist Berison Estereja.
43:01Magandang tanghali at welcome sa Balitang Hali.
43:04Magandang tanghali po, Ma'am Tony.
43:05Update po tayo. Ano na ang direksyong tatahaki ng Bagyong Paolo matapos po nito mag-landfall?
43:10Yes po, as of 10 in the morning, nasa probinsya pa rin po ito ng Isabela sa may San Guillermo at patuloy na tumatawid west-northwest.
43:19So malaking bahagi po ng Cagayan Valley ang tatawid rin ng bagyo.
43:23And sa mga susunod pa na oras, itong malaking bahagi rin ng Cordillera Region and Ilopas Region.
43:27So pagsapit po ng hapon o gabi mamaya, mag-emerge po itong si Bagyong Paolo.
43:31Dito sa may West Philippine Sea at lalabas din siya ng par by tomorrow early morning.
43:35Saan ang mga lugar ho? Again, para dun sa mga nangangamba, baka may mga babiyahe pa weekend eh.
43:42Ano-ano ho yung mga lugar na talaga ho'ng magdudulot ng matinding ulan kaya?
43:48Doon po sa susunod na 24 oras, yung mga mismong dadaanan itong si Bagyong Paolo.
43:52So may northern and central zone, magkakaroon po ng mga madalas na malalakas po ng mga pagulan.
43:57And as far as dito sa may southern zone, sa may Cavite and sa may Batangas,
44:01asahan din po yung outer part nitong si Bagyong Paolo, magdadala rin ng malalakas na ulan.
44:05Sa mga susunod na oras. In fact po, meron tayong nakataas dyan na yellow rainfall warning.
44:11Pero by tomorrow po, the moment na nandito na sa may West Philippine Sea at nasa labasan ng par itong si Bagyong Paolo,
44:16mas kakaunti na lamang yung mga asahan natin ng mga pagulan dito sa may western section ng ating bansa.
44:21Okay, what about sa Metro Manila, sir? Ano ba ang ating magiging lagay ng panahon?
44:26For Metro Manila, hanggang sa matapos po ang araw na ito, magiging makulimlim pa rin.
44:29At aasahan pa rin po yung mga pagulan na in general, mga light to moderate rains po.
44:34Ngingsan lamang ito lumalakas.
44:36Pero binapayohan pa rin natin yung ating mga kababayan po na magdala ng payong or kapote
44:40at nandyan pa rin po yung banta ng mga pagbaha sa mga low-lying areas.
44:44Sa area po ng Nilindol sa Cebu, ano ang magiging lagay kaya ng panahon doon?
44:49Sa ating mga kababayan sa lantapon ng Nilindol dito sa Cebu,
44:54we're expecting naman na fair weather conditions ngayong araw apart from localized thunderstorms.
44:59At pagsapit po ng weekend, nananatili pa rin na far-dick nao dito cloudy skies
45:03at meron pa rin chance na mga saglit na ulat.
45:05Marami pong salamat sa inyong update sa amin.
45:09Salamat po.
45:09Yan po naman si Pag-asa Weather Specialist Benison Estareja.
45:12Nakunan pa habang nagbibilang ng pera ang negosyating ito sa isang warehouse sa Tondo, Maynila.
45:23Nang makakuha ng senyas, inaresto na ng CIDG-NCR ang negosyante
45:28dahil sa pagbenta-umuno ng libu-libong family clothing kit na may logo ng DSWD
45:33sa isang undercover agent ng CIDG.
45:37Nag-ugat ang entrapment sa impormasyong nakuha
45:39na nagkakabentahan daw ng non-food relief packs
45:42na para dapat sa mga biktima ng mga kalamidad sa bansa.
45:46Pumabot yung negotiation namin ng more than 15.5 million for the 6,000 pieces.
45:55Yung box is DSWD, may bagong Pilipinas, nakalagay din dyan not for sale.
46:01So, nagulat kami na may ganitong pangyayari,
46:08considering yung nangyari sa Cebu, ngayon sa iba pang lugar na tinamaan ng bagyo,
46:14mas bate, na mayroong naibibenta na ganito.
46:19Napasugod sa warehouse ang mga taga DSWD para inspeksyonin ang mga binibentang kits
46:24na naglalaman ng mga gamit tulad ng t-shirt, shorts, underwear, chinelas at twalya.
46:30At nakalagay sa plastic na kahon na may logo ng DSWD.
46:34Malino na malinaw na nakasulat sa kahon na ito ay hindi binibenta.
46:39So, this is clearly a violation.
46:44Ito po ay intended only for disaster-related or disaster-affected individuals and families.
46:50And it is not for sale.
46:53We will look into this, really into this, and see kung ano yung dahilan kung bakit nagkaroon ng bentahan
47:03o selling ng mga kits ng DSWD.
47:07Disturbing ito, why?
47:09Baka akalay sa gobyerno na yung nagbebenta nito sa individual na imbis dapat dun sa mga naapektuhan ng disasters.
47:20Paliwalag naman ang inarestong negosyante.
47:23Matagal na silang supplier sa DSWD at wala raw silang intensyong masama.
47:29Sila rin daw ang may-ari ng mga supplies at hindi ang gobyerno.
47:33Regarding po dyan sa pagbebenta, no comment muna ako dyan,
47:36pero legit supplier po kami ng DSWD since 2020.
47:40At ito pong mga stocks na ito is excess po namin sa mga hindi po nila kinuha na sa kontrata.
47:49Hindi po nila pinarchase.
47:51So technically, hindi po ito pera ng gobyerno.
47:54Pera po ng kumpanya namin ito.
47:55Ang tinitingnan natin dito is yung violation ng Section 19 ng 10.1.2.1 at saka yung Republic Act 179,
48:10yung illegal use or misrepresentation ng logo or seal ng isang opisina or yung government office.
48:19Ang nga ganitong may markings ng DSWD, this is intended for disaster relief.
48:28Hindi ito binibenta. Dapat ito po ay libre.
48:32Tandaan po namin yan. Kung yan, may nagbebenta o kayo ay bumili, may violation po kayo doon.
48:39So makukulong po kayo, may penalty po yan.
48:42John Consulta, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
48:48Samantala, buhay na buhay ang diwan ng bayanihan sa gitna po ng mga kalamidad.
48:52Pinatunayan ng ilang kapuso natin na walang maliit na tulong para sa mga taong gustong magbigay ng malasakit sa kapwa.
49:00Sa Liloan, Cebu, nakilala ng GMA Regional TV sina Grace Arnade at Elma Pepito.
49:06Imbis na ibenta ang panindang pancakes, minabuti nilang ibigay ito sa mga kapwa nila Cebuano na naapektuhan ng lindol.
49:13Pinagkatiwalaan nilang GMA Regional TV News Team para ihated ang pancakes sa hilagang bahagi ng probinsya.
49:21Para kina Grace at Elma, malaking bagay ang pagtulong at mag-spread ng kindness sa mga ganitong sitwasyon.
49:28Talaga naman, mabuhay kayo.
49:30At ito po ang balitang hali, bahagi kami ng mas malaking misyon.
49:34Ako po si Connie Cesar.
49:35Kasama niyo rin po ako, Aubrey Carampel.
49:37Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan, mula sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Filipino.
Recommended
15:52
|
Up next
16:16
17:07
2:45
45:55
46:41
50:03
43:49
43:59
44:32
45:29
45:54
46:47
46:46
41:25
45:37
43:43
45:38
44:28
40:53
41:00
12:48
48:05
Be the first to comment