Skip to playerSkip to main content
  • 2 months ago
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Biyernes, August 8, 2025

-PAGASA: LPA malapit sa Ilocos Region, Bagyong Fabian na; bagyo sa labas ng PAR, isa nang Tropical Storm

-Ilang lugar sa Cagayan, nakaranas ng baha at pagguho ng lupa at bato dahil sa LPA na ngayo'y Tropical Depression Fabian

-44-anyos na barbero, sinaksak ng customer na hindi umano nagustuhan ang gupit niya/Pamilya ng barberong sinaksak, desidido na sampahan ng reklamo ang suspek

-Oil price rollback, posibleng ipatupad sa susunod na linggo

-4 na miyembro ng isang pamilya, sugatan matapos pagtatagain ng kanilang kapitbahay; suspek, arestado

-Pulis-Taguig na suspek sa pamamaril sa babaeng natagpuan sa Brgy. Bayambang, arestado

-PCG: Hinihinalang underwater drone, natagpuang palutang-lutang sa Bolinao, Pangasinan

-Defense Team ni VP Sara Duterte, naghahanda pa rin kahit ina-archive na ng Senado ang impeachment

-Motorcycle rider, bumangga sa multicab; 1 patay, 2 sugatan

-Lagpas P200,000 halaga ng alahas ng may-ari ng pansitan, natangay ng riding-in-tandem; mga suspek, tinutugis

-PBBM sa impeachment ni VP Duterte: We are observers, it doesn't go beyond that/PBBM sa mga banta sa kanya: "We take them all very seriously"/18 kasunduang pangnegosyo, nilagdaan ng Pilipinas at India/Indian companies, hinikayat ni PBBM na mamuhunan sa Pilipinas/PBBM, umaasang makabuo ng pangmatagalang kolaborasyon sa iba't ibang sektor sa pagitan ng Pilipinas at India

-INTERVIEW:

REP. GERVILLE LUISTRO

MEMBER, HOUSE PROSECUTION

-Nawawalang estudyante, tampok sa new episode ng "Maka," 4:45pm sa GMA, bukas/Real-life story ni Shuvee Etrata, tampok sa "Magpakailanman" bukas, Sabado, 8:15pm sa GMA

-104 na pasyente ng leptospirosis, naka-confine sa San Lazaro Hospital; 13 nasawi/Hospital gym ng NKTI, ginawa nang ward para sa mga may leptospirosis; lepto patients doon, umakyat na sa 50

-Estudyanteng 15-anyos, sugatan sa pamamaril ng dati niyang kasintahan; suspek, nagbaril din sa sarili/Eskuwelahan na pinangyarihan ng pamamaril, isinara na muna/DepEd Schools Division ng Nueva Ecija, kinondena ang pamamaril

-8, patay nang mahulog ang dump truck sa bangin; 15 sugatan

-Mandaue Agriculture at City Health Office: 397 sako ng bigas na nakatambak sa isang bodega, hindi na inirerekomendang kainin

-Presyo ng local at imported na bigas, magkadikit na

-Love advice ni Nunong Imaw: Hindi kailangang magmadali sa paghahanap ng asawa

-Van na dumaan sa riles, nabangga ng tren; van driver, ligtas

-DOJ, nagpapatulong sa mga eksperto sa UP at Japan para sa mas advanced na pagsusuri sa mga butong nakuha sa Taal Lake/Julie "Dondon" Patidongan, nakatatanggap daw ng banta sa buhay/NAPOLCOM, iniimbestigahan ang iba pang pulis na posibleng sangkot sa pagkawala ng mga sabungero
Transcript
00:00.
00:02.
00:04.
00:08.
00:10.
00:12.
00:16.
00:20.
00:22.
00:24.
00:26.
00:28.
00:36.
00:38.
00:40.
00:42.
00:44.
00:46.
00:48.
00:50.
00:52.
00:54.
00:56.
00:57.
00:59.
01:03.
01:05.
01:07.
01:09.
01:11.
01:13.
01:15.
01:17.
01:19.
01:21.
01:23.
01:25.
01:26.
01:28.
01:30.
01:32.
01:34.
01:36.
01:38.
01:40.
01:42.
01:44.
01:46.
01:48.
01:50.
01:52.
01:54.
01:56.
01:58.
02:00.
02:02.
02:04.
02:06.
02:08.
02:10.
02:12.
02:14.
02:16.
02:18.
02:20.
02:28.
02:30.
02:32.
02:34.
02:36.
02:38.
02:40.
02:42.
02:44.
02:46.
02:48.
02:50.
02:52.
02:54.
02:56.
02:58.
03:00.
03:02.
03:04.
03:06.
03:08.
03:10.
03:12.
03:14.
03:16.
03:18.
03:20.
03:22.
03:24.
03:26.
03:28.
03:30.
03:32.
03:34.
03:36.
03:38.
03:40.
03:42.
03:44.
03:48.
03:50.
03:52.
03:54.
03:55.
03:56.
03:57.
03:58.
04:01.
04:02.
04:04.
04:11Umalis.
04:13Matapos daw ang halos 30 minuto, bumalik ang sospek at doon na siya sinaksa.
04:18Nai-report ang insidente sa Holy Spirit Police Station at tumawag din ang asawa ng biktima sa 911 hotline ng PNP.
04:25Tinry ko lang po kung totoo talaga or ano.
04:29Pag dahil ko ng 911, so may sumagot agad.
04:32After 5 minutes, ayun na po, nagdatingan na po yung mga kapulisan natin.
04:36Sa follow-up operation ng polisya, naaresto ang 27-anyo sa lalaking sospek sa kanyang bahay.
04:43Nakuhang kitchen knife na ginamit niya sa pananaksa.
04:46Ayon sa polisya, hindi magkakilala ang biktima at sospek.
04:49At iisang motibo lang nakikita nila sa krimi.
04:52Napagalaman po namin na dahil po sa hindi nagustuhan ng sospek ang gupit niya, sinaksak po niya itong biktima.
05:00Dahil po yung pinapagupit ko po sa kanya, yung katulad lang din po ng pay-dead yung saligod.
05:05Pero hindi ko po pinapabawasan yung itaas.
05:09Pero ginupit niya pa rin po sa, kahit po labag po sa loob ko.
05:14Mayingi rin po ako ng tawad sa pag-aamali ko po.
05:18Hindi ko na po sinasadya talaga eh.
05:20Desidido ang biktima at kanyang asawa na ituloy ang reklamong attempted murder laban sa sospek.
05:26Hindi ko siguro papatawarin sir. Pakukulong ko talaga siya.
05:29Dahil lang po sa buhok, pag di mo gusto makakapatay ka ng tao, makakapanakit ka ng tao, pag di mo gusto yung gupit ng barbero sa'yo.
05:38Sa record ng pulisya, May 2022 nang makasuhan na rin ang sospek ng attempted murder sa Valenzuela City.
05:44James Agustin, nagbabalita para sa Gemma Integrated News.
05:48Beep, beep, beep!
06:18Ang rollback. Ayon sa DOE, isa sa mga nakaka-apektor yan ang pagtaas ng supply ng langis sa pandaigdigang merkado.
06:29Ito ang GMA Regional TV News.
06:34Mainit na balita mula sa Luzon, hatid ng GMA Regional TV.
06:38Sugatan ang apat na magkakaanak matapos pagtatagain ang kanilang kapitbahay dyan sa kainta Rizal.
06:45Chris, ano ang nakikitang ugat ng krimen na ito?
06:50Connie, ayon sa mga pulis, matagal lang may alitan ang sospek at ang pamilya ng mga biktima.
06:56Base sa investigasyon, nasa loob ng kanilang bahay ang mga biktima nang mangyari o nang marinig nilang may bumato sa kanilang bubong.
07:03Lumabas ang padre de familia para silipin kung sino ang namato.
07:07Paglabas siya ng gate, nakabang na pala ang sospek at tinaga siya sa tiyan.
07:12Lumabas din ang dalawang anak at asawa ng biktima para tulungan siya.
07:15Pero pati sila, tinaga ng sospek.
07:18Isinugod sa ospital ang mga biktima at nagpapagaling na.
07:21Aristado naman ang sospek na isinugod din sa ospital matapos magtamo ng sugat sa paa.
07:26Nakuha sa kanya ang ginamit na bolo.
07:29Disidido magsampan ang reklamo ang mga biktima sa sospek.
07:32Ang sospek na walang pahayag ay maharap sa reklamong frustrated murder at recounts ng frustrated homicide.
07:40Isang polis tagig naman ang itinuturong sospek sa pamamarila sa isang babaeng natagpuan sa barangay Bani sa Bayambang dito sa Pangasinan noong July 21.
07:50Nakunan sa CCTV ang sunod-sunod na pangyayari mula nang lumabas ang babae sa kanyang tiniterhan sa tagig umaga noong July 20.
07:58Hanggang sa magkaangkas na sila ng sospek sa motorsiklo, kinahapunan ng araw na yun.
08:04Kinagabihan, nahagip din sila sa CCTV na dumaan sa dalawang barangay sa Bayambang.
08:09Kalaunan, nakita sa CCTV na hindi na sila o hindi nakasama ng lalaki ang biktima.
08:15Nangyari o mano ang krimen malapit sa isang waiting shed kung saan may narecover na basyon ng bala ng baril.
08:21May isa pang nakasaksi sa dalawa na nagtatalo sa lugar.
08:25Ayon sa pulisya, dalawang posibleng motibo sa krimen.
08:29Una ay crime of passion.
08:31At pangalawa, tungkol sa hindi pa nabayarang utang ng sospek sa biktima.
08:36Hawak na ng tagig polis ang sospek na wala pang pahayag.
08:39Kinumpirma ng Philippine Coast Guard na isang hinihinalang underwater drone ang nakuhang bagay sa dagat-sakop ng Bolinaw, Pangasinan.
08:49Natagpuan itong palutang-lutang ng ilang manging isda nitong Merkoles, halos 150 nautical miles ang layo sa hilagang kanluran ng Bolinaw.
08:57Kulay orange ang narecover na bagay na dinala ng mga manging isda sa Coast Guard substation sa bayan ng Infanta.
09:03May haba raw ito ng mahigit 60 pulgada, lapad na 20 pulgada at timbang na abot sa 600 kilo.
09:11Itinerover na sa mga kaulang akunturidad ang naturang bagay para masuri.
09:15Kahit in-archive na ng Senado ang impeachment ni Vice President Sara Duterte, tuloy-tuloy lang ang paghahanda ng kanyang defense team.
09:30Nire-respeto rao ng bise ang naging pasya ng Senado.
09:34Gayunman, posible pa rin maghain ang panibagong impeachment complaint sa mga susunod pang taon.
09:38As I said, diba, I wanted a bloodbath.
09:46But unfortunately, wala na siya sa pagkakaroon.
09:50And of course, as I said, kinaanglan pangandaman ang tanan na posibleng maitabos.
09:57Git naman ni House Speaker Martin Romualdez.
10:00Hindi ang paghahain ng impeachment complaint ang minapadali, kundi ang paglibingan niya ng Senado rito.
10:07Ani Romualdez, aktibo pa ang impeachment dahil pinagko-komento pa ang bise,
10:12kagnay sa apila ng Kamara na balikta rin ng Korte Suprema ang nauna nitong pasya na unconstitutional ang articles of impeachment.
10:21Ganyan din ang opinion ni House Prosecutor at Manila Representative Joel Chua.
10:29Ang time po muna natin ang resulta ng MR.
10:34Para sa amin, hindi pa po tapos yung laban.
10:37Paliko na ang multicab na iyan sa isang kalsada sa Toledo, Cebu,
10:43nang sumulpot ang isang humaharurot na motorsiklo.
10:47Sa lakas ng pagbangga, sugatan ang tumilapong rider at ang nakasabit sa likod ng multicab.
10:52Naalog din ang sasakyan.
10:54Sa investigasyon ng pulisya, dead on arrival sa ospital ang nakasakay sa passenger side ng multicab.
11:00Inihintay paraon ng maotoridad ang pamilya ng mga sangkot sa aksidente kung magsasampa ng reklamo.
11:05Sa ngayon, inihahanda na nila ang reklamong reckless driving resulting in homicide and damage to property laban sa rider.
11:11Walang pahayag ang mga sangkot sa aksidente.
11:14Lagpas 200,000 pisong halaga ng alahas ang natangay ng riding in tandem sa may-ari ng isang pansitan sa Sampaloc, Maynila.
11:25Ang insidente na ahulikam sa balitang hatid ni Jomer Apresto.
11:29Bumaba sa isang kainan ng apat na lalaki sa tapat ng isang pansitan sa Sampaloc, Maynila, pasado alas 7 kagabi.
11:39Ilang saglit lang, nagtakbuhan palayo ang mga tao.
11:43Naglabas kasi ng baril ang apat na lalaki at hinoldap ang may-ari ng kainan.
11:48Sa kuhang ito, makikita ang 59 years old na biktima na nakikipang buno sa dalawang salarin habang may nakatutok na mga baril sa kanya.
11:56Sa isang angulo, kitang iniabot ng biktima ang kanyang alahas sa riding in tandem na mabilis na umalis.
12:03Sa loob lang ng 23 segundo, natangay nila ang nasa mahigit P240,000 na halaga ng kwintas at bracelet ng biktima.
12:12Tingin ng biktima, siya talaga ang target ng mga salarin.
12:26Wala naman daw ibang naholdap at nasaktan sa nangyaring insidente ayon sa barangay.
12:33Hihilingin daw ng mga establishmento sa barangay na paigtingin ang kanilang pag-ronda.
12:37Ayon naman sa barangay, marami silang tanod sa lugar pero wala silang kapasidad dahil armado ang mga salarin.
12:44Nataon rin daw na halos katatapos lang mag-ronda ng mga pulis nang sumalisi ang dalawang riding in tandem.
12:50Maganda ng baril, nakakikita ko sa CCTV, talaga advance.
12:55Ay kaso lang, wala mga barangay tanod ko, wala ang baril yan.
13:00Patuloy ang follow-up operation ng mga tauhan ng Manila Police District para mahuli ang mga salarin.
13:06Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA Integrated News.
13:12Labing walong kasunduang pang negosyo na sumasakop sa iba't ibang sektor tulad ng edukasyon, healthcare at enerhiya
13:18ang piniramahan ng Pilipinas at India.
13:20Bago yan, sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos ang ilang isyo kaugnay kay Vice President Sara Duterte.
13:26Mula sa India, balitang hatid ni Salima Refran.
13:31Bago umalis ng New Delhi, nakapanayam ng Indian program na First Post si Pangulong Bongbong Marcos.
13:38Tinanong siya kung suportado ba niya ang impeachment ni Vice President Sara Duterte.
13:42Tinanong din ang Pangulo kung naniniwala siyang may kakayahan si Vice President Duterte na isagawa ang isang assassination plot laban sa kanya.
14:12Pag pinatay ako, patayin mo si BBM, si Lisa Araneta at si Martin Romualdez. No joke.
14:20Matatanda ang nagbitiw ng pahayag noon ang bisi na ipapapatay niya si na Pangulong Marcos, First Lady Lisa Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez kung ipapapatay siya.
14:34With a charge against her to hatch an assassination plot, you've worked with her. Do you think she's capable of something like that?
14:40I don't know. You know, but I'm really not in a position to say what that's about.
14:50But you have to be careful. But then, you know, in my position, there always is some kind of threat. And we take them all very seriously.
15:04Sisikapin naming makunan ng pahayag si Vice President Duterte.
15:08Mula airport, dumiretso sa Philippines-India Business Forum ang Pangulo at ilang miyembro ng gabinete.
15:15Dito sa Bengaluru, sa estado ng Karnataka, pinagpapatuloy ni Pangulong Bongbong Marcos ang kanyang state visit dito sa India.
15:23Ang kanyang hangad, negosyo at trabaho para sa Pilipinas mula sa tinaguriang Silicon Valley ng India.
15:29Labing walong kasundo ang pangnegosyo sa pagitan ng Pilipinas at India ang prinisenta sa Pangulo.
15:35These agreements cover a wide range of strategic sectors including renewable energy, infrastructure, healthcare, education, information technology and business process management, digital services and manufacturing.
15:52These agreements serve as tangible outcomes of our collaborative efforts and will serve as the foundation for ongoing and future business engagements between the Philippines and India.
16:06Ang Pangulo, nanghikayat din sa Indian companies na mamuhunan sa Pilipinas at sa mga Pilipino.
16:12To our esteemed Indian partners, I want to assure you that the Philippine government stands ready to embrace your investments with open arms and with continuing and unwavering support.
16:24Our young, skilled, English-speaking workforce continues to attract global investment, making us a preferred destination for talent.
16:34Hangga din ang Pangulo ang pangmatagalang kolaborasyon sa mga anyay future-ready na sektor.
16:39These include electric vehicles, advanced electronics, renewable energy, high-tech agriculture, healthcare, and cyber security.
16:50In each of these sectors, we envision joint ventures and technical collaborations that build enduring industrial capabilities.
16:59Mula rito sa India, Salima Refrat, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
17:05Matapos ang desisyon ng Senado na i-archive ang impeachment case ni Vice President Sara Duterte,
17:11pag-usapan natin ang mga posibleng susunod na hakbang ng Kamara.
17:14Kausapin natin ang isa sa mga miyembro ng House Prosecution Panel, si Batangas 2nd District Representative Gerville Luistro.
17:20Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
17:24Good morning and thank you for having me here sa Balitang Hali.
17:29Opo. Sinabi po ni House Speaker Martin Romualdez na pila minadali ng Senado yung pag-archive sa impeachment case.
17:35Ganito rin po ba ang inyong paniwala?
17:37Well, it is our position ever since that we complied strictly with the Constitution.
17:45Wala pong minadali ang Kongreso and kami po'y nabibigla na yung inaasahan namin na pag-uumpisa ng trial
17:56as shown in the proposed dates of SP last February of 2025 e mukhang nabaligtad.
18:06And as a matter of fact, hindi na nga po nahintay ang desisyon ng Korte Suprema
18:12sa ating motion for consideration at kaagad na itong na-archive.
18:17Gayit po ng ilang senador, patay na rao yung impeachment case laban sa vice-presidente sa naging SC decision.
18:23Ano pong komento niyo rito?
18:24I wish to believe otherwise.
18:28Mayroon pong pagkakaiba ang archiving at ang dismissal.
18:34Kapag ka po archiving, ibig sabihin ay temporarily inactive yung kaso
18:40at kung gusto natin matake up ulit ito, ang tamang remedy po doon is the motion to revive.
18:46Doon po sa dismissal, totally dinisregard na ang kaso
18:50at kung gusto ulit na magkaroon ng hearing kaugnay dito,
18:55the impeachment complaint has to be refiled.
18:59Ito po ay may pagkakaiba.
19:02And it is my humble submission as one of the members of the panel of prosecutors
19:08na dahil mayroon pang motion for consideration sa Supreme Court,
19:13may pag-asa pa po na mabuhay ang impeachment complaint.
19:16Paulit-ulit pong naging debate doon sa Senado ay hilaw daw yung impeachment complaint
19:22at napatunayan daw nito nung lumabas yung Supreme Court decision.
19:26Kulang-kulang daw yung isinumiti ng mababang kapulungan ng Kongreso.
19:30So ano pong reaction nyo rito?
19:32With all due respect po sa ating mga Senador,
19:35but we firmly stand na hindi po hilaw ang impeachment complaint.
19:40Ito po ay dumaan sa masusing pag-aaral
19:43at ito po ay kininsulta ang mga signatories
19:48ng impeachment complaint,
19:50the 215 members of the House of Representatives
19:54na nag-endorse po nitong impeachment complaint na ito.
19:58We followed strictly the provisions of the Constitution
20:02at lahat po ng aming mga pagpapaliwanag
20:06ay amin po isinama dito sa ating motion for reconsideration.
20:11All the differences in facts,
20:13the differences in issues,
20:16we completely address them in the motion for reconsideration
20:20and we are hopeful na maliwanagan po ang Supreme Court
20:24at ma-modify or ma-reverse even yung kanilang naunang decision.
20:29Pero nagulat po ba kayo doon sa mga hinihinging bagong impormasyon
20:32mula sa Supreme Court?
20:34Ang sinasabi kasi nung debate sa Senado
20:36ay may mga hinihingi na bago.
20:39Nagulat po ba kayo na may ganitong lumabas sa Supreme Court decision?
20:43Nagulat sapagkat ito po ay hindi nakasaad sa ating saligang patas.
20:49Alam mo, Rafi, meron tayong pag-aaral
20:54ang lahat ng mga studyante ng patas
20:57ang tawag dito, statutory construction.
21:01Dalawa ang mahalagang rules dito.
21:03Ang sabi, when the law is clear, you should immediately apply it.
21:09But when the law is not clear, you should interpret it.
21:13But what happened really to the decision of the Supreme Court,
21:16nagkaroon ng mga additional requirements
21:19na wala at hindi mo makikita sa ating saligang patas.
21:23I understand, Rafi, that I am not at liberty
21:26to discuss in detail all these issues
21:29sapagkat ito po ay sakop na ng subjudicial rule.
21:33But rest assured na lahat po ng ating mga differences in facts
21:37and even differences in arguments
21:40ay nailatag po natin ang maayos
21:43sa ating motion for reconsideration
21:45na inihain sa Korte Suprema.
21:48At dahil nasagot nyo na po yung mga hinihingi ng Korte Suprema
21:50sa palagay nyo po may pag-asa,
21:52yung inyong MR,
21:52at ano pong susunod yung hakbang?
21:54We are hopeful that the Supreme Court will still be enlightened
22:00and they will find reason to modify or even reverse their decision.
22:06Kung ito ay pagbibigyan ng ating Korte Suprema,
22:11then I think we are back to our impeachment hearing.
22:18Okay, abangan po natin yan.
22:20Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
22:22Maraming salamat po at magandang tanghali po
22:26sa lahat ng sumusubaybay ng Balitang Hali.
22:28Salamat po, Batangas 2nd District Representative Jerville Luistro.
22:37Mga mare at pare,
22:39may nawawalang estudyante sa MacArthur Academy
22:43sa GMA Public Affairs Youth Oriented Series na MACA.
22:47Balibalitang may nawawalang estudyante dito sa MacArthur Academy.
22:53Bakit hindi ito nababalita?
22:54May cover-up bang nangyayari?
22:56Missing si Anton,
22:58played by Sparkle star Anton Venzon.
23:01At ang madidiin ay si Sean,
23:03played by Sean Vesagas.
23:05Ngunit madidiskubre ng makabarkada
23:07na may kinalaman pala
23:09ang kiyahe ni Anton na si Sylvia,
23:11played by Ines Beneracion,
23:13sa kanyang pagkawala.
23:15Abangan yan bukas,
23:16Sabado, 4.45pm sa GMA.
23:19Mapapanood na rin bukas sa GMA
23:34ang real-life story
23:35ng Island Ate ng Cebu
23:37at Sparkle star Shuve Etrata
23:39sa Magpakailanman.
23:41Kasama nga sa episode
23:42si Nagabi Eigenman,
23:44Charmaine Arnaiz
23:45at Christian Antolin.
23:47Hindi man naging big winner
23:48na thankful si Shue V
23:49sa blessings
23:50na patuloy na dumarating sa kanya.
23:56Maraming blessings
23:57na dumarating.
23:58Ed, mas saya lang po talaga ako
24:00na malapit ko na po matulungan
24:02talaga yung pamilya ko.
24:08Labing tatlo na po
24:09ang nasa wing pasyente
24:11ng leptospirosis
24:12sa mahigit sang daang pasyente
24:13ng naturang sakit.
24:15Diyan po yan
24:15sa San Lazaro Hospital sa Maynila.
24:17Sa panayan ng unang balita
24:19kay Medical Center Chief
24:20Dr. David Suplico,
24:22kabilang dyan
24:22ang 16-anyos na lalaki
24:24na nasawi
24:25dahil sa acute renal failure
24:27o pumalyang kidney.
24:29Lahat sila lumusong sa baha
24:30noong nagdaang masamang panahon.
24:32Ayon kay Dr. Suplico,
24:34hindi nakarating
24:35ang mga ipinamamahaging
24:36libre gamot ng DOH
24:38na prophylaxis
24:39sa mga karaniwang mamamayan.
24:41Sa Quezon City naman,
24:42dahil sa dami ng pasyente,
24:44ginawa ng ward
24:45para sa mga pasyente
24:46may leptospirosis
24:47ang gym
24:49ng National Kidney
24:50and Transplant Institute.
24:52Ayon sa pamanoan ng ospital,
24:53mahigit dalawang pong pasyente
24:55ang nananatili sa gym.
24:56Ang mga matitinding kaso naman
24:58nasa mga regular ward
25:00at ICU.
25:02Limampu
25:02ang kabuang bilang
25:03na mga naka-admit
25:04sa NKTI
25:05na may leptospirosis.
25:08Mga kapuso,
25:08patuloy ang paalala ng DOH
25:11sa mga hindi humakakaiwa
25:12sa baha,
25:13magsuot ng bota.
25:15Pagkatapos,
25:15ay maghugas ng paa
25:17at maligo
25:17at kumonsulta agad
25:19sa doktor.
25:22Sa ibang balita,
25:23sugata ng isang estudyante
25:24sa Santa Rosa,
25:25Nueva Ecija
25:25matapos barili
25:27ng dati niyang kasintahan
25:28sa loob ng paaralan.
25:30Ang suspect
25:30nagbaril din sa sarili.
25:32Narito po
25:33ang aking report.
25:37Nagmamadaling rumispondi
25:38ang mga emergency personnel
25:39sa Santa Rosa Integrated School
25:40sa Nueva Ecija.
25:42Ayon sa Santa Rosa Police,
25:43alas 10 ng umaga kahapon
25:44nang makapasok
25:45ang lalaking 18-anyos
25:47sa eskwelahan
25:47at binaril
25:48ang 15-anyos
25:49na dating kasintahan.
25:50According po sa guard,
25:52noong una pinigil niya
25:53which is napigilan naman,
25:56then inantay niya na
25:57inantay niya siguro na
25:59maglabasan yung ibang students,
26:02sumabay doon.
26:03So hindi na nanotis
26:04noong security guard
26:06na nakapost doon.
26:09Pilit daw pinalalabas
26:10ng suspect
26:10ang biktima
26:10na nasa loob
26:11ng kanyang silid-aralan.
26:13Nang hindi lumabas,
26:14dito na raw pumasok
26:15ang suspect,
26:15binaril ang biktima
26:16at saka nagbaril
26:17sa sarili.
26:18Ayon sa panggaming
26:19guardya na nakausap
26:20ng GMI Integrated News,
26:21sinisitin na lang
26:22mga hindi-istudyante
26:23sa eskwelahan
26:23na gustong pumasok,
26:25pero hindi raw sila
26:25nagsasagawa
26:26ng pagkapkap.
26:27Kung lisisiyado po
26:28kaming guardya,
26:29pwede kaming
26:29kumapkap ng tao.
26:31Hindi para
26:32gaano makausap
26:33sa ngayon
26:33ng mga istudyante
26:34at gurong
26:34nakasaksi sa krimen
26:35dahil sa trauma.
26:37Na-recover
26:37sa pinangyarihan
26:38ng insidente
26:39ang ginamit sa krimen
26:40na isang small caliber
26:41.22 stub nose revolver.
26:43Kapo ay sinugod
26:43sa doctor's hospital
26:44sa Kabanaton City
26:45ang biktima
26:46at suspect,
26:46pero kalaunan,
26:48inilipat sa Paulino Garcia
26:49Memorial Medical Center
26:50ang suspect.
26:51Ang nakita is
26:52sa upper part
26:53po ng katawan
26:54which is
26:55probably neck
26:56at ulo.
26:58So waiting pa tayo
27:00sa official statement
27:03po ng written
27:04galing po sa hospital
27:06para i-confirm po natin
27:08kung ano po talaga
27:08ang tama nila.
27:10Tumanggi pang magbigay
27:11ng pahiyag
27:11ang mga kaanak
27:12ng biktima
27:12at suspect
27:13maging ang mga
27:13kawunin ng ospital.
27:15Ang eskwelahan naman,
27:16pansamantalo muna
27:17isinara.
27:18Kinundila ng
27:18DepEd Schools
27:19Division ng Nueve Ecija
27:20ang pamamaril
27:21sa Santa Rosa
27:21Integrated School.
27:23Hindi daw katanggap-tanggap
27:24at hindi kinukonsinti
27:25ang anumang karasan
27:26sa eskwelahan.
27:27Rafi Tima nagbabalita
27:28para sa GMA Integrated News.
27:32Ito ang GMA Regional TV News.
27:37Balita sa Visayas
27:39at Mindanao
27:39mula sa GMA Regional TV.
27:41Nahulog ang isang
27:42mini dump truck
27:43sa Bangin sa Lebak,
27:44Sultan, Kudarat.
27:45Cecil, ano nangyere?
27:46Rafi,
27:50nawalan daw
27:50ng preno
27:51ang truck
27:52na may mahigit
27:52dalawampung sakay.
27:54Sa mga sakay nito,
27:55walo ang nasawi,
27:56kabilang
27:56ang isang dalagitang
27:5714 anyos.
27:5915 naman
28:00ang sugatan
28:00kasama ang driver.
28:02Base sa imbestigasyon,
28:03marami sa mga sakay
28:04ng truck
28:05ay magkakaanak
28:06na galing
28:07sa pamamanhikan
28:08sa barangay
28:08Puloy-Puloy.
28:09Pauwi na raw
28:10sana sila noon
28:11sa Maguindanao del Norte.
28:13Hindi na inire-rekomendang
28:16ipakain sa tao
28:17ang halos
28:18apat na raang
28:19sako ng bigas
28:20na nakatambak
28:21sa isang bodega
28:22sa mandawi
28:22dito sa Cebu.
28:24Batay sa inisyal
28:24na insiksyon
28:25ng Agriculture Office
28:27at City Health Office,
28:28hindi na pwedeng kainin
28:30ang mga bukas
28:31na sako
28:31ng NFA rice,
28:33lalo na yung
28:34may pest infestasyon.
28:35Pero maari pa raw
28:36isa ilalim
28:37sa additional testing
28:38ang ibang stock
28:40ng bigas
28:40na nasa looban
28:41ng sako.
28:42January 2024
28:44nangbigyan
28:45ang Mandawi LGU
28:46ng mahigit
28:47sandibong sako
28:47ng bigas
28:48na ibinenta
28:49ng 20 pesos
28:50kada kilo
28:51pero hindi lahat
28:52nakabili.
28:53Humingi ng permiso
28:54ang City Social
28:55Welfare Services
28:56na maipamahagi
28:58ang bigas
28:58pero ipinasuri
28:59raw muna
29:00ito
29:01ng mga otoridad.
29:02Nanghingi na ng report
29:04ang Office
29:04of the City Mayor
29:05kung bakit
29:06natinga
29:07ang sako-sakong bigas.
29:09Sa ngayon,
29:10naghahanap na
29:10ng paraan
29:11ng lokal na pamahalaan
29:12para itapon
29:13ang hindi na
29:14mapapakinabang
29:15ang bigas.
29:21Rice is life
29:22para po sa ating
29:23maraming Pinoy
29:24at kung
29:25magre-restock
29:26na kayo sa bahay
29:27abiso lang po
29:28magkadikit na
29:29ang presyo
29:30ng lokal
29:31at imported rice.
29:32Sa Marikina Public Market
29:33parehong 60 pesos
29:35kada kilo na
29:35ang pinakamahal
29:36na local
29:37at imported rice.
29:3931 pesos
29:40naman
29:40ang pinakamurang
29:41local rice
29:42habang 38 pesos
29:43ang imported rice.
29:45Sa latest monitoring
29:46naman
29:46ng Department of Agriculture
29:47sa ibang palengke
29:48sa Metro Manila
29:49naglalaro
29:50sa 30 hanggang
29:5165 pesos
29:52ang kada kilo
29:53ng lokal na bigas
29:54depende po yan
29:55sa klase.
29:56Ganyan din
29:57ang price range
29:58sa iba't ibang klase
29:58ng imported na bigas.
30:01Avisala
30:09may bagong installment
30:10ang pagbibigay
30:12ng love
30:12at life
30:13advices
30:13ang mga leader
30:15na mga adamian
30:15na si
30:16Dear Nunong Imau.
30:21Ano po ba
30:21ang dapat
30:22itong isagot
30:23sa mga tao
30:23at kamag-anak
30:24na nagtatanong
30:25sa akin
30:26kung kailan
30:27ako magkakadyusawa?
30:29Nako,
30:30very common
30:31na eksena
30:31raw yan
30:32tuwing may reunion
30:33ng mga pamilya.
30:35Ang wais na payo
30:36ni Imau
30:36hindi naman
30:37kailangan
30:38sagutin
30:39ang hot seat
30:39na tanong.
30:40Ang importante
30:41raw
30:42alam mong
30:42masaya ka
30:43sa pagiging
30:44single.
30:45Tinuran pa ni Imau
30:46na hindi dapat
30:47minamadali
30:48ang kora
30:49o puso
30:50dahil
30:50darating din
30:52ang iyong
30:52true love.
30:56Hindi naman
30:57kailangang
30:58magmadali
30:58sa paghahanap
30:59ng asawa
31:00dahil
31:01ayaw mo naman
31:02na kung
31:03sino-sino
31:03lang ang makuha
31:04at sa paghihintay
31:06may darating
31:07na tamang tao
31:08para sa'yo.
31:09Nagpapatulong na
31:17ang Department of Justice
31:18sa mga eksperto
31:18ng University of the Philippines
31:20at Japan
31:21para sa pagsusuri
31:22ng mga butong
31:22nakuha
31:23sa Taal Lake.
31:24Ang Napolcon
31:25naman
31:25ay may iniimbestigahan
31:26pa raw
31:27na iba pang pulis
31:28na posibleng sangkot din
31:30sa pagkawala
31:30ng mga sabongero.
31:32Balitang hatid
31:32ni Ian Cruz.
31:37July 10 ngayong taon
31:38na Maricob
31:39na maotoridad
31:40ang unang sako
31:41ng mga buto
31:42sa gilid ng Taal Lake
31:43sa Laurel, Batangas
31:44sa paglawak
31:46at paglalim
31:47ng pagsisid
31:48ng mga diver
31:48at sa paggamit
31:50ng high-tech
31:51na gamit
31:51dumami pa
31:52ang kanilang natagpuan.
31:55Pero sabi ng PNP
31:56walang nakuha
31:57ang forensic group
31:58na traces
31:59ng DNA profile
32:00sa mga butong
32:02inisyal
32:02na nakuha
32:03mula sa lawa.
32:05Kaya para bigyang daan
32:06ang mas advanced
32:07na pagsusuri
32:07humihingi na raw
32:09ng tulong
32:09ang Department
32:10of Justice
32:11sa University
32:12of the Philippines
32:13Anthropology
32:14at Forensic
32:15Pathology Departments
32:16pati na
32:17sa Bansang Japan.
32:19The Secretary
32:19still believes
32:20especially with
32:22the teeth
32:23lalo na po
32:24yung buhok
32:24na pwede pa
32:26natin ito
32:26ma-DNA.
32:27Isang bungong
32:28may mga ngipin
32:29pa
32:29ang kasama
32:31sa naiahong
32:31mga buto
32:32sa dive
32:33noong July 29.
32:35Pinaniniwalaang
32:35may nakatagong
32:36DNA profile
32:37sa nasabing
32:38mga ngipin.
32:39May underwear
32:40ding nakuha.
32:42Apat na sako
32:42naman ang narecover
32:43noong July 30
32:45kabilang ang tila
32:46isang set
32:47na mga buto
32:47ng isang tao.
32:49Ang isa pang bungong
32:50nakuha
32:51ng mga diver
32:51noong July 31
32:52nakabalot pa
32:53sa tela.
32:55At noong August 1
32:56nakakuha
32:57ng hinihinalang
32:58buto ng tao
32:59ang mga diver
33:00kasama
33:00ng iba pang
33:01mga buto.
33:02May nakuha ring
33:03jacket,
33:04pantalon,
33:05damit na may
33:05nakaimprintang
33:06rosas
33:07at iba pa.
33:08Hinihinala ring
33:09buto ng tao
33:10ang mga nakuha
33:11noong August 2
33:12pati na
33:13nitong August 3
33:14bukod pa sa
33:15mesh net
33:16at dalawang
33:17sakong may sinkers
33:18o pampabigat.
33:19Kahinahinalang
33:20bagay din sa loob
33:21ng mesh net
33:21ang na-recover
33:23nitong August 4.
33:24We have yet
33:25to really determine
33:26how many bodies
33:27we are talking about
33:28given the remains
33:29that we have seen.
33:31Bukod pa sa DNA sample,
33:33isa sa mga pwedeng
33:34maging daan
33:34para ma-identify
33:35ang isang indibidwal
33:37ay sa pamamagitan
33:38ng mga ngipin.
33:40Kaya makikipag-ugnayan
33:41daw sila
33:41sa mga kaanak
33:42ng mga nawawalang
33:43sabongero.
33:45Sabi ni Clavano,
33:46bukas pa rin daw sila
33:47kung sakaling
33:47makipag-ugnayan
33:48sa kanila
33:49ang mga kaanak
33:50ng mga nawawalang
33:51sabongero
33:52na umatras na
33:53sa kanilang kaso.
33:54Sa tingin po natin
33:55na kahit
33:57umatras na yan sila,
33:58they would still
33:59want to know
34:00whether or not
34:01itong mga remains
34:03na ito
34:04ay yung kamag-anak nila.
34:06And if they do identify,
34:07that is still something
34:08that we can use.
34:09Si Julie Dondon Patidongan,
34:11patuloy daw
34:12nakakatanggap
34:12ng banta.
34:13Marami.
34:14May sasakyan doon
34:15paikot-tikot
34:16at ngayon
34:18tsini ko yung plaka
34:19hindi tugma
34:21doon sa sasakyan.
34:23Hindi lang sila
34:23makakapasok
34:25doon sa
34:25kung saan ako naroon.
34:26Ang Napolcom naman,
34:28sinabi na bukod pa
34:29sa inisyal
34:30lalabing walang pangalan
34:31ng mga pulis
34:32na ibinigay
34:33ni Patidongan,
34:34may iba pang mga pulis
34:35na tinitingnan
34:37at iniimbisigahan
34:38ang ahensya.
34:39Aminado ang isa
34:40mga pinuno ng Napolcom
34:42na may nagtangka
34:43at may magtatangkap
34:45ang banghimasok
34:46sa ginagawa nilang
34:47imbesigasyon.
34:49Marami na kong nakikailam,
34:50marami na kong
34:50nagsusubok mag-interfere.
34:52Pag sinabi ko pa
34:53yung ranggo
34:54ng mga general na yun,
34:55marami palalong
34:56makikailam.
34:57Ian Cruz,
34:58nagbabalita para sa GMA
34:59Integrated News.
35:02Hiniling ng Commission
35:02on Elections
35:03na gawin na rin
35:04automated
35:04ang barangay
35:05at sangguniang
35:06kabataan elections.
35:07Sabi ni Covenant
35:08Chairman George Garcia,
35:09may batas
35:10na ang ipinasaang
35:10kongreso
35:11na mag-uurong
35:12sa barangay
35:12at SK Elections
35:13sa November
35:142026
35:14mula sa kasalukuyang
35:16December 2025.
35:18Kaya sana raw,
35:19magpasa na rin
35:19ng batas kaugnay
35:21sa automated
35:21barangay
35:22at SK Elections
35:22dahil mapapabilis
35:24ang bilangan ng boto
35:24at proklamasyon
35:26ng mga panalo.
35:28Tuloy-tuloy naman
35:28ang voter registration
35:29para sa barangay
35:30at SK Elections,
35:31kabilang ang ilang
35:32empleyado ng GMA Network
35:33sa mga nagparehistro
35:35sa ilalimang
35:35Special Register
35:36Anywhere Program
35:37ng Comelec.
35:38Ayon kay Garcia,
35:39nasa 1.2 million na
35:41ang bagong
35:41registered voter
35:42sa loob
35:43ng 6 na araw.
35:45Maaari pong
35:45magparehistro
35:46o magpareactivate
35:47ang voter records
35:48hanggang linggo,
35:49August 10.
35:50Gamit ang improvised
35:56cable car
35:57buwis-buhay
35:58na tinatawid
35:59ng mga residente
36:00ang ilog na yan
36:00sa barangay
36:01Bukyawan
36:02sa Kiyangan,
36:02Ifugao.
36:03Ang sakay na lalaki
36:04dahanda ang hinahatak
36:05ang lubid
36:06para umandar.
36:07Ayon sa Kiyangan
36:08Disaster Risk
36:08Reduction Management Office,
36:10sira ang tulay
36:11na naguugnay
36:12sa magkabilang panig.
36:13Batid naman
36:14ng mga residente
36:15ang panganid
36:15na maaring idulot nito
36:16pero mabuti na raw yun
36:17kesa wala.
36:18Sinusubukan pang kunan
36:20ng pahayag
36:21ang lokal na pamahalaan
36:22sa tugon mula
36:23sa sitwasyon
36:23ng mga residente.
36:27Salib pwersa
36:28ang MMDA,
36:29LGU
36:30at isang privadong kumpanya
36:31para maisaayos
36:32ang mga ilog
36:33at laluya ng tubig
36:34sa ilang kalsada
36:35para maiwasan na
36:36ang pagbaha.
36:38Update po tayo
36:38riyan
36:39sa ulot on the spot
36:41ni Joseph Morong.
36:42Joseph?
36:44Yes, Connie.
36:45Sa harap nga
36:45ng mga pagbaha
36:46sa Metro Manila
36:47tuwing may bagi na lamang
36:48at habagat
36:49o habagat
36:49mga baradong ilog
36:51at laluya ng tubig
36:52ang ilan
36:53sa mga nakikitang
36:53dahilan
36:54ng Metro Manila
36:55Development Authority
36:56o MMDA.
36:58Kaya naman
36:58makikipagtulungan na
36:59ang MDA
36:59sa mga mayor
37:00ng Metro Manila
37:01at ibatong kumpanyang
37:03San Diego Corporation
37:04para palalimin
37:05at tanggalin
37:06ang mga sagabal
37:08sa mga ilog
37:09at sa mga daluyan
37:10ng tubig.
37:11Ibinigay na halimbawa
37:12ang Tulyahan River
37:13na barado na pala
37:15at sinayuan pa
37:16ng eskwelahan.
37:17Tutulungan
37:18ng kumpanya
37:19ang MMDA
37:19at mga LGU
37:20para sila nara
37:21ang magbongkal
37:22ng mga baradong ilog
37:23at daanan ng tubig
37:25na walang gagastasin
37:26ang pamahalaan.
37:28Ayon naman
37:28GMMDA Chairman Romando
37:30at ang inisitibong ito
37:31hindi naman
37:31damadodoble
37:32yung mga kasalukuyang
37:34proyekto ng gobyerno
37:35na may kinalaman
37:36sa pag-isamoderno
37:37ng mga drainage
37:38system at pumping station.
37:40Sabi naman
37:40ni Manila Mayor
37:41Scomoreno
37:42may apat na pumping station
37:43sa Manila
37:44na ginawa ng DPWH
37:45pero hindi rao
37:46gumagana.
37:47Ire-report daw niya ito
37:48sa Pangulo
37:49sa mga proyekto
37:50ito
37:50lalo pat inuutos
37:52ang Pangulo
37:52ng mag-inventaryo
37:53ng mga flood control
37:54project.
37:56Sonny sa kaugnay
37:57na balita
37:57nag-abisa
37:58ang hospital
37:58ng Manila
37:59na overloaded na sila
38:00ng mga kaso
38:01ng leptospirosis
38:02pagkatapos
38:03ng mga pagbaha
38:05nitong mga nakaraang linggo.
38:06Connie?
38:07Marami salamat
38:08Joseph Morong.
38:10Update po tayo
38:11sa Bagyong Fabian
38:12at bagyo
38:13sa labas ng PAR
38:14na isa ng
38:14tropical storm.
38:16Mag-ausapin po natin
38:17si pag-asa
38:17weather specialist
38:18Benison Estareja.
38:19Magandang umaga
38:20at welcome po
38:21sa Balitang Halit.
38:23Magandang umaga po
38:23Ma'am Connie.
38:24Ano na ho
38:24ang direksyong tinatahak
38:25ng Bagyong Fabian?
38:27Ano ho yung mga lugar?
38:28na posibleng ulan niyan
38:29o maapektuhan po nito?
38:31Sa ngayon po
38:32si Bagyong Fabian
38:33ay nasa
38:33tropical depression
38:34category
38:35o may inang bagyo po
38:36nasa may
38:36West Philippine Sea
38:38at 185 kilometers
38:39kanluran ng
38:40Batak,
38:41Ilocos Norte.
38:42So ito'y patuloy
38:43na palayo
38:43ng ating kalupaan.
38:44Ngunit may kabagalan po
38:45northwest
38:46at 10 kilometers
38:47per hour
38:48kaya maahari pong
38:48mamaya pang gabi
38:49or bukas po
38:50ito'y lalabas
38:51ng ating
38:51Philippine Area
38:52of Responsibility.
38:53And so far po
38:54wala naman tayong
38:54nakataas na wind signals
38:55or direct effect
38:56kaling kay Fabian.
38:57Yung mga
38:58nasa
38:59laot po
39:00ano ho ang abiso natin?
39:01Meron din ba kayong
39:02gale warning na?
39:03So far po
39:04wala pa naman
39:05pero inaasahan natin
39:06yung 1 to 2 meters
39:07sa taas
39:08ng mga pag-alon
39:09dun sa may
39:09palibot po
39:10ng Ilocos Region
39:11at Extreme Northern
39:12Luzon.
39:13So medyo delikado
39:14pa rin po ito
39:14sa mga
39:15small sea vessels
39:16natin.
39:16Okay, yung isa pang bagyo
39:17sa labas naman
39:18ng PAR
39:19ano ang chance
39:20na ito
39:20na pumasok naman
39:21sa loob ng
39:22Philippine Area
39:23of Responsibility?
39:24Sa ngayon po
39:25si Tropical Storm
39:26with international name
39:27na Pudol
39:27ay nasa
39:29malayong pati pa po
39:30sa may hilagang pati
39:31ng Guam
39:32sa may Pacific Ocean
39:33nasa layong
39:342,550 kilometers
39:36silangan ng
39:37Extreme Northern
39:37Luzon
39:38as of 8 in the morning
39:39and possibly po
39:40siyang pumasok po
39:40pagsapit pa ng
39:41Sunday evening
39:42or Monday morning
39:43at over this weekend
39:45naman wala namang
39:46inaasahang direct effect.
39:47I see, pero okay
39:48nabagit niyo yung weekend
39:49maayos ba
39:51magiging lagay ng panahon
39:53kahit na meron
39:53hong bagyong Fabian
39:54tapos meron pang isa
39:55pang nasa labas
39:56na tinitignan din natin
39:58maaaring pumasok
39:59naman on Sunday.
40:01Yes, throughout this weekend
40:02po napapagitnaan tayo
40:03ng dalawang bagyo
40:04sabalit
40:05we're not seeing naman
40:06na makaka-apekto directly
40:07itong mga weather systems
40:08na ito.
40:09Andyan pa rin yung habagat
40:10pero hindi rin po
40:11sa malakas
40:11or ini-enhance
40:12ng alinmang bagyo
40:13we're expecting pa rin
40:14na bukas
40:14medyo maulap pa rin
40:16as early this morning
40:17sa may central
40:17and southern zone
40:18as well as
40:19Cagayan Valley
40:20and that includes
40:21Metro Manila
40:21pero hindi po siya
40:22magkakaroon ng malalakas
40:23at tuloy-tuloy na pagulan
40:24pagsapit po ng Sunday
40:26mas maraming lugar pa
40:28actually yung magiging maaraw
40:29at posible pa rin po
40:30yung mga pulu-pulong pagulan.
40:31Ay, salamat naman po
40:32sa Diyos.
40:33At salamat din po
40:34sa inyong weather update na yan.
40:36Yan po naman si
40:37pag-asa weather specialist
40:38Berison Estareja.
40:41International Criminal Court
40:43is now in session.
40:44Rodrigo
40:45Roar
40:46Duterte
40:47Pinapa-disqualify
40:55ng defense team
40:56ni dating Pangulong
40:56Rodrigo Duterte
40:57sa kaso niyang
40:58Crimes Against Humanity
40:59si ICC Chief Prosecutor
41:01Karim Khan.
41:02Ayon sa defense team
41:03ni Duterte,
41:04may conflict of interest
41:05dahil tumayo
41:05bilang abogado
41:06ng mga umunay
41:06biktima ng drug war
41:07ni Duterte si Khan.
41:09In-exploit daw ni Khan
41:10ang mga impormasyon
41:11na nakuha niya
41:12sa kanyang mga kliyente
41:13para kasuhan
41:14si Duterte.
41:15Dapat daw
41:15ma-disqualify si Khan
41:17dahil may kinalaman
41:17na siya sa kaso
41:18bago pa ito
41:19mapunta sa korte.
41:21Isinama rin
41:22ng depensa
41:22sa paliwanag
41:23ang pagkakasangkot
41:24ni Khan
41:24sa sexual misconduct
41:25na dahilan
41:26kung bakit
41:27naka-self-imposed
41:2815,500
41:28ngayon
41:29ang prosecutor.
41:30Dati na ito
41:31ang itinanggi ni Khan.
41:32Wala pang pahayag
41:33si Khan
41:33sa hiling
41:34ng defense team
41:35ni Duterte.
41:35Heartwarming
41:42ang despedida
41:43de soltera
41:44y soltero
41:45ng unang hirit
41:46para kina
41:47Shira Diaz
41:47at EA Guzman.
41:50Malaweding reception
41:51ng production design
41:52at set-up
41:53ng despedida
41:54party
41:54ng Sparkle Couple.
41:56Present dyan
41:57ang loved ones
41:57ni Shira
41:58at EA
41:59na naging emosyonal
42:00sa pag-ibigay
42:01ng kanilang messages.
42:03Kabilang din
42:03sa mga dumalo
42:04ang co-sparkle star nila
42:06at kaibigang
42:07si Ara San Agustin.
42:08Nagbigay rin
42:09ng mga regalo
42:10sa couple
42:10ang UH Barkada.
42:12Nagpasalamat
42:13si Shira
42:13at EA
42:14sa effort
42:15ng UH family
42:16at sa pagmamahal
42:18sa kanilang dalawa.
42:19Ano naman kaya
42:20ang feelings nila
42:21ngayong
42:22isang linggo na lang
42:23bago
42:24ang kanilang kasal?
42:28Kinakabahan talaga ako
42:30pero
42:30excited
42:31and I'm very happy
42:33na
42:33ilang tulog na lang.
42:36Ilang tulog na lang.
42:37Looking forward
42:38especially ako
42:39ang tagal ko rin
42:41hinihinta ito.
42:41Ang tagal ko itong
42:4212 years.
42:4412 years.
42:46So
42:46siyempre
42:47excited din akong
42:48maging
42:48Mrs. Guzman
42:50at maging asawa
42:51ng isang
42:53Shira Diaz.
42:56Isa sa pusong
42:57Filipino core values
42:59ang tampok
42:59sa pitong short films
43:01ng Ganito Tayo Kapuso.
43:04Sa exclusive premiere nito
43:06sa Makate City
43:07dumalo ang ilang
43:08sparkle artists
43:09na kasama sa mga pelikula.
43:11Kabilang dyan
43:12si Allen Ansay
43:13at Sofia Pablo
43:14na tampok sa
43:15mapagmalasakit sa kapwa.
43:17Naroon din
43:18ang Primadonna
43:19co-star nilang
43:19si Alfea Ablan
43:20na bida
43:21sa maabilidad.
43:23Present din
43:24si Sangre star
43:25Mikey Quintos
43:26na kasama
43:27sa Makadiyos.
43:28Magkasama naman
43:29sa masayahin
43:30ng MMFF
43:30Best Child Actors
43:32na si
43:32na Yuan
43:33Mikael
43:33at Shena Stevens.
43:35With other
43:35Sparkle Kids
43:36na si
43:37na Aljon
43:37Banaira
43:38at Shobie Baker.
43:39Si Bubble Gang
43:40star Matt Lozano
43:41parte
43:42ng mapagmahal
43:43sa pamilya.
43:45Si Sparkle Kid
43:45Erica Laude
43:46naman
43:47ay mapapanood
43:48sa Makabayan.
43:49Spotted din
43:50sa premiere
43:50si Rolando
43:51Inocencio
43:52na kasama
43:53sa cast
43:53ng Malikain.
43:55Present sa screening
43:56ang ilang opisyal
43:57ng GMA Network.
44:00Mapapanood
44:00ang GMA
44:01Ganito Tayo Kapuso
44:02sa GTV
44:03Blockbuster Blowout
44:04sa August 17
44:06sa Trinomas Cinema
44:07pati sa GMA Network
44:09GTV
44:10iHeart Movies
44:11at Heart of Asia Channel.
44:13Sa September
44:14naman yan
44:14mapapanood
44:15sa GMA Pinoy TV
44:17at October
44:18naman
44:18sa GMA Live TV
44:19at sa Kapuso
44:21Digital Platforms.
44:22Bubuoraw ng
44:25pulisiya
44:25ang gobyerno
44:26para higpitan
44:27ang pagbabantay
44:28sa operasyon
44:28ng online gambling
44:29sa bansa.
44:30Ang pangamba kasi
44:31ng Pangulo
44:31kung tuluyan
44:32ng iban
44:33ay maging
44:33underground
44:34ang operasyon nito.
44:36Balitang hatid
44:36ni Ivan Mayrina.
44:42Inabangan
44:42pero walang banggit
44:43sa state of the nation
44:44address
44:44tungkol sa online
44:45gambling
44:46sa gitna ng
44:46pagkakalulong
44:47at pagkabaon
44:48sa utang
44:48ng mga tumataya
44:49rito.
44:50Kaya itinanong ko
44:51ito sa Pangulo
44:52sa panayang
44:52para sa kanyang podcast.
44:54Why was the issue
44:54of online gambling
44:55not included
44:56in your Sona?
44:57Because we had not
44:58we still have
44:59to form the policy
45:01on what we are
45:01going to do
45:02about online gambling.
45:03And to this end
45:04I have already
45:05started to organize
45:06a
45:08shall we
45:09to convene
45:10a conference
45:11of those
45:11who are
45:12all the stakeholders.
45:14Ayon sa pagkor
45:15nasa mahigit
45:15130 billion pesos
45:17ang nakolekta
45:17ng gobyerno
45:18mula sa online
45:19gambling platforms
45:19noong 2024.
45:21Mahigit 30,000
45:22Pilipino
45:22ang nagtatrabaho
45:23sa mga ito
45:24ang tinitimbang
45:25pa ng Pangulo.
45:26Baka lalo lang
45:27maging problema
45:28kung tuluyang
45:28ipagbawal
45:29ang online gambling.
45:30The first effect
45:32of banning it
45:32fully
45:33is to put it
45:34underground.
45:36And then we have
45:37no control.
45:38Yan talagang
45:38wala na tayong
45:39regulation.
45:40That was the same
45:40argument
45:41in banning
45:42POGOS.
45:43Ganon din po
45:43yung mga
45:44pinapalutang
45:45na argument
45:45on what
45:46makes this
45:46different.
45:46Because
45:47this is
45:48not a
45:49criminal
45:49enterprise.
45:50What we're
45:51trying to
45:51solve is
45:52that
45:52na hindi
45:53malubog
45:55sa utang
45:56ang mga
45:57hindi naman
45:58wala namang
45:59kaya
45:59pero
46:00napapasubo
46:01dahil sa
46:01sugal.
46:02Mga bata
46:03na
46:04natututo
46:05magsugal.
46:05Let's focus
46:06on that.
46:07Paano
46:07natin
46:07patitigilin yan?
46:09Isinasapinalang
46:11Banko Sentral
46:11ang panuntunan
46:12para sa mga
46:13banko,
46:13e-wallet
46:14at financial
46:14institutions
46:15para
46:16protektahan
46:16ang publiko
46:17kabilang
46:18ang mas
46:18mahikpita
46:18identification
46:19ng mga
46:19maglalaro
46:20at paglimita
46:21sa halaga
46:21at oras
46:22na pwede
46:22nilang
46:22ubusin
46:23sa pagsusugal
46:24online.
46:25Ivan Mayri
46:26na nagbabalita
46:27para sa
46:27GMA Integrated
46:28News.
46:33Bida
46:34natin
46:34for today
46:35ang ilang
46:35taong
46:36genuine
46:37ang love
46:37sa kanilang
46:38pets.
46:38Ang turing
46:39sa kanilang
46:39mga alaga
46:40parang
46:40parte na
46:41ng pamilya.
46:42Heto
46:42ang kanilang
46:43heartwarming
46:43ng mga
46:44kwento.
46:45Heto
46:46nga,
46:46mukhang
46:47may
46:47nandagdag
46:48sa mga
46:48paboritong
46:48anak
46:49ni Tatay
46:49Roger
46:50Antido
46:50from
46:51Bohol.
46:52Bukod
46:52sa mga
46:53manok,
46:53may
46:53soft spot
46:54na rin
46:54siya
46:54sa mga
46:55alagong
46:55tuto.
46:56Kung dati
46:57raw
46:57ay medyo
46:58contra
46:58sa pag-aalaga
46:59sa mga
47:00ito,
47:00madalas
47:01na ngayong
47:01mahulikam
47:02na nakikipag
47:03kulitan
47:04sa mga
47:04anak
47:05ni Bantay.
47:06Trending
47:06ang video
47:07na may
47:07mahigit
47:08100,000
47:09views.
47:10Certified
47:11hero
47:11naman
47:11ay isang
47:11for
47:12parents
47:12sa Maynila.
47:13Sa gitna
47:14kasi
47:14ng sunog
47:14sa tondo
47:15nitong
47:15Merkoles,
47:16hindi
47:16nakalimutan
47:17ni Aling
47:17Gloria
47:18ang
47:18kanyang
47:18mga
47:19alaga.
47:20Una
47:20niyang
47:20inilikas
47:21ang
47:21labing
47:21isang
47:21aso
47:22at
47:23pusa.
47:23Sana talaga
47:25wala
47:26namang
47:26maiwan
47:26gamit
47:27mo
47:27alaga.
47:29Happy
47:30weekend
47:30sa ating
47:31lahat.
47:31Ingat
47:31po tayo.
47:32Ito
47:32ang
47:32balitang
47:33hali.
47:33Bahagi
47:33kami
47:34ng
47:34mas
47:34malaking
47:34misyon.
47:35Ako
47:35po
47:35si
47:36Connie
47:36Cison.
47:36Rafi
47:37Timo
47:37po.
47:37Kasama
47:37nyo
47:38rin
47:38po
47:38ako
47:38Aubrey
47:38Carampel.
47:39Para
47:39sa
47:39mas
47:40malawak
47:40na
47:40paglilingkod
47:41sa
47:41bayan.
47:41Mula
47:42sa
47:42GMA
47:42Integrated
47:43News,
47:43ang
47:43News
47:43Authority
47:44ng
47:44Filipino.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended