00:00Itataas sa Red Alert status ang Calabarzon Regional Disaster Risk Reduction and Management Council
00:06simula Sabado, November 8, 2025.
00:10Ito'y bilang paghahanda sa pagpasok ng severe tropical storm uan sa bansa.
00:16Ayon sa RDRRMC, layunin nito na matiyak ang maagap na pagtugon at koordinasyon
00:23ng mga ahensya ng pamahalaan at mga lokal na pamahalaan sa Calabarzon.
00:28Paalala rin naman nila sa publiko na manatiling alerto,
00:32sumunod sa mga abiso ng mga otoridad at maghanda sakaling kailanganin ang paglikas.