00:00Bukod naman sa relief operations, puspusan din ang isinasagawang search and retrieval operations ng mga otoridad sa Cebu.
00:07Kung ngayon yan, bumuo na ang LGU ng Cebu City ng Mass Fatality and Missing Persons Committee
00:13para sa mas maayos at mas mabilis na koordinasyon sa recovery at pagtukoy na rin sa mga biktima ng malawakang pagbaha.
00:22Si Jesse Atienza ng PTV Cebu sa detalye.
00:25Nababalot pa rin sa putik ang isang subdivision sa Cebu City na pinasok ng tubig baha nang nanalasa ang bagyong tino.
00:37Katabi lamang ito ng umapaw na ilog. Nagpatong-patong pa rin ang mga tinangay na sasakyan.
00:44Basag din ang windshield ng karamihan sa ito. Kanya-kanyang paglininis ang mga residente.
00:50Labing tatlong taon nang naninirahan dito si Maya. Aniha, tila hindi umuusad ang kanilang paglilinis dahil sa dami ng putik sa kanilang bahay.
01:01I would say we are 10% done in cleaning up. Sira, I would say 99% sira. Only 1% can be recovered.
01:11Kahit mga appliances, hindi na niya mapakinabangan. Kaya napagtanto niya.
01:16I don't plan to buy anything anymore except for the things that we really need. With this incident, I've realized that we don't need things.
01:32Sa gymnasium ng barangay Bakayan, inihati ng mga kabaong ng ilan sa mga nasawi sa lugar na dulot ng pagbaha para sa lamay.
01:41Ang DSWS ng Cebu City ay namahagi na rin ng pagkain sa mga nawalan ng tirahan at pansamantalang nananatili sa evacuation center.
01:51Namigay rin sila ng family food packs mula sa DSWD.
01:55Inaalam pa rin sa ngayon ng LGU kung ilan ang mga nasirang bahay sa buong lungson.
02:00As of now, we are validating the area, the affected area, kung ano ang mabigay sa Department of Social Welfare through the Cebu City government,
02:11kung housing materials ba or financial assistance.
02:15Bumuon na rin ng Mass Fatality and Missing Persons Committee ang LGU ng Cebu City
02:20para mas mapabuti ang koordinasyon sa recovery, identification, at tulong sa mga pamilya ng mga naging biktima ng malawakang pagbaha.
02:30Para sa Integrated State Media, Jesse Atienza, PTV Cebu.