Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Nakapiit man, pero hindi nagpag-apos sa dilim ang isang dating inmate.
00:06Kahit po nasa loob ng kulungan, natapos niya ang kanyang kurso at ngayon ganap ng engineer.
00:12Ang kanyang success story sa pagsaksi ni Nico White.
00:22Matalino, scholar, at may pagpapahalaga sa pag-aaral.
00:26Ganyan ilarawan ni Daniel ang kanyang sarili noong mga panahon nag-aaral siya sa kursong electrical engineering sa Central Mindanao University sa Bukidnon.
00:34Mataas raw ang pangarap niya para sa sarili at sa kanyang pamilya.
00:39Pero lahat yan, muntik maglaho, matapos siyang mabilanggo noong 2019.
00:45Noong time na graduating po ako, yung last semester na lang yung kulang ko na bilanggo po ako.
00:51At saka yun yung rason na ipag-drop po yung mga subjects ko dun.
00:56At nakahinto sa pag-aaral.
00:59Tumanggi si Daniel na banggitin ang detalye ng kanyang kaso.
01:02Ang alam niya, mahirap ang buhay sa loob.
01:06Pero kahit gano'n ang sitwasyon, pinagpatuloy ni Daniel ang kanyang pag-aaral kahit nasa loob ng kulungan.
01:12Tinulungan daw siya ng kanyang eskwelahan para may pagpatuloy pa rin ang kanyang pag-aaral.
01:17Lalo at huling semestre na niya.
01:18Yung mga lessons ko po, mga handouts, mga lectures po, pinapadala po sa akin sa bilangguan.
01:25Yung exams ko lang, dadali ng mama ko, tapos pinapasagutan sa akin sa panahon ng dalaw.
01:31Ang thesis na ginawa ni Daniel, inspired din ang kanyang kalagayan sa kulungan.
01:36Tapos yung thesis ko po, entitled po, Design and Installation of Jail Alarm and Communication System.
01:44Doon ko rin po na i-conduct. Doon ko po ginawa sa tulong ng mga teammates din doon, mga kasama ko, na may mga iba't ibang kaso.
01:57Hanggang sa tuluyan makapagtapos si Daniel sa kanyang kurso.
02:00Pero kung akala ni Daniel ay tapos na ang mga dagok sa buhay niya.
02:04Kasi habang nasa loob ako, nakagraduate na ako, may isang bad news na naman na dumating sa loob.
02:11Na natanggap ko na yung papa ko may stage 4 colon cancer.
02:16Kaya pala hindi na siya kasali sa mga panahon na may dalawa ko, hindi na siya kasali.
02:24Kasi pala bedre din na siya eh, nasa higaan na.
02:28At matapos ang dalawang taon, na-dismiss ang kanyang kaso at tuluyang nakalaya.
02:33At isang linggo matapos makalaya, binawian na rin ang buhay ang kanyang ama.
02:37Ang pangyayaring niya ng mas nagpatibay ng loob ni Daniel para makuha ang kanyang pangarap na maging engineer.
02:44Kahit hindi nag-review classes, ay nag-take ng Licensure Exam for Electrical Engineer at Master Electricians.
02:50At nang lumabas ang resulta,
02:54parehong nakapasa si Daniel sa Electrical Engineering at Master Electrician Exam.
02:58Si Daniel, Engineer Daniel Kisaot na ngayon at nagtatrabaho na sa gobyerno.
03:04At sa lahat ng pinagdaanan niya, napakarami raw niyang natutuhan.
03:08Kung may mga panahon po na tinetest tayo ng buhay,
03:13kung may mga panahon po na may mga dark past po sa ating buhay,
03:19hindi po nagbabago yung destiny natin,
03:22hindi po nagbabago yung plan ni Lord sa atin.
03:25I-endure lang natin yung challenge na yun hanggang sa makatapos tayo.
03:32Para sa GMA Integrated News, ako si Nico Wahe, ang inyong saksi.
03:38Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:41Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment