Skip to playerSkip to main contentSkip to footer
  • 2 days ago
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sama-sama tayong magiging Sakli.
00:1415 sugataan sa pagtagilid ng bus sa National Highway sa Bilar Bajol.
00:19Galing carmen at patungong tag Bilaran City ang bus ng mawalan umano ng kontrol,
00:23ang driver habang nasa pakurbang bahagi ng kasada.
00:26I-sinugod ang mga sugataan sa ospital sa tag Bilaran.
00:31Kasinukuyang nakakulo ang driver na sumuko sa mga police.
00:34Wala pa siyang payag, gayon din ang bus company.
00:39Patuloy pong inaalam ang pagkakakilanlan ng bangkay na natagpuan sa drum sa Taguig City.
00:45Tingin ang mag-asawang nakakita sa bangkay, posibleng bagong lagay lang ang bangkay sa kanilang lugar.
00:51Saksi, si Oscar Oida.
00:56Alas 5.30 ng umaga nang makita ang drum na ito sa tabi ng creek sa barangay Palingon, Taguig.
01:03Ang nakadiskubre, ang mag-asawang Josephine at Ronel na magtatanim na sana noon.
01:09Nang subukang iangat ni Ronel ang drum.
01:13Uy, magbigat.
01:15Sabi ko,
01:15Nagtaka ko kung anong laman, hindi sinilip ko.
01:20Pagsilip ko.
01:22Tao.
01:23Bago lang eh, bagong anong daming bubo yung laman.
01:26Itinawag nila ito agad sa mga otoridad.
01:28Ayon sa mag-asawa,
01:30di itong unang pagkakataong may natagpuan bangkay sa lugar.
01:34Kasi malayo sa CCTV,
01:36andito yung CCTV.
01:37Ano, doon, walang maano, dahil kasi sa likod pala inakyat.
01:44Nagsasagawa na ng embisikasyon ang Taguig Police na tumanggi muna magbigay ng pahayag.
01:50Para sa GMA Integrated News, ako si Oscar Oida ang inyong saksi.
01:56Malaalis mo?
01:57Arrestado ang isang Chinese national na inireklamong nagpapanggap umanong Pilipino.
02:03Saksi, si JP Soriano.
02:05Ang sumbong na nakarating sa NBI at Bureau of Immigration,
02:13nagpapanggap umanong Pilipino at gumagamit ang pangalang Pinoy ang Chinese national na ito.
02:18Ang peking identity, ginagamit umano ng naarestong babae sa kanyang mga negosyo rito sa Pilipinas
02:24na may kaugnayan daw sa modern jeepney.
02:27Another type of an Alice Goe case where there is a concealment of identity.
02:32Marami pa ito at iniisa-isa ito ng NBI.
02:36May mahigpit na kabili na ng ating butihing direktor na isa-isahin ito.
02:41Para makumpirma ang natanggap na intelligence report,
02:44kinumpara ng NBI ang fingerprints ng sospek nang mag-apply siya ng NBI clearance
02:50sa fingerprints niya mula sa Board of Investments at sa Biometric Printout
02:55mula sa Department of Foreign Affairs gamit ang Pilipinong pangalan.
02:58Ang NBI Dactyloscopy Division na siya ring sumuri sa fingerprints
03:03noon ni alias Alice Goe ang gumawa ng examination.
03:07Sa aming pong comparison, nagmatch po ang kanyang mga fingerprint.
03:12Nahaharap ang sospek sa reklamong paglabag sa Philippine Passport Act of 1996.
03:17Ma'am, would you like to respond to the allegations made to you by the NBI?
03:21Are you a Chinese national or are you a Filipino po?
03:24Paglilinaw ng NBI, hindi lang sa Chinese nationals nakatuon ang kanilang investigasyon.
03:32Bahagi raw ito ng cleansing process o paglilinis sa lahat ng foreign nationals
03:36na nagtatangkang mameke ng Filipino documentations at Filipino identity.
03:42Kailangan putulin na kaagad. We do not want to progress yung kanyang other activities
03:49like what happened to the former mayor of Bamban na naging elected public official pa.
03:57Para sa GMA Integrated News, ako po si JP Soriano, ang inyong saksi.
04:03Aabot pa sa labing-anim na bagyo ang posibleng pumasok sa Philippine Area of Responsibility bago po matapos ang taon.
04:11Ayon yan sa pag-asa.
04:13At sa kalumpit, Bulacan, hindi pa rin nawawala ang baha.
04:16Isang residente ang nalunod.
04:19Saksi, si Mark Salazar.
04:21Halos bubong na lang ang kita sa ilang bahagi ng barangay San Miguel sa kalumpit, Bulacan.
04:30Wala nang ulan pero hindi pa rin hubuhu pa ang baha kasunod na mga nagkaambagyo at habagat.
04:35Mahigit 1,400 na bahay ang lubong pa rin.
04:38Kung hindi pa po tayo magpapamp out or magpapalimas papunta sa ilog ng Pampanga,
04:46hindi na po matutuyoon yan.
04:48And dati-dati po hindi binabaan lugar na ito.
04:51Ngayon po, hindi na po natutuyoon ng tubig.
04:54May mga lugar nga na matagal lang inabando na dahil hindi na nakabangon sa mga dati pang baha.
05:00Maraming residente ang nasa bagong gawang evacuation center
05:03pero nakakaligtaan lagyan ng banyo, ng kontraktor ang gusali.
05:08Hayaan na yan ayon sa barangay dahil mas kailangan na nila ang diking pananga sa Pampanga River
05:14na national government lang ang makakagawa.
05:16May hindi nga po malaking gastos po dahil mula po Pampanga,
05:21apalit Pampanga hanggang makabebe Pampanga,
05:24sako po yan, i-aabot po yan ng mga 3 and a half kilometer.
05:32Opo, sadbig nila.
05:34O less than 4 kilometer po siguro.
05:37Unti-unti po pong nagtataas nga po ng riprap.
05:40Ang problema nga po, yung unang gawa po ng riprap, may kababaan po.
05:47Hanggang dip-dip naman ang tubig sa barangay may sulaw.
05:50Dalawang linggo na ang baharoon, gayon din sa barangay Gatbuka at sa barangay Frances.
05:55Ang hirap lumabas kaya pag kalalabas ka, gawin mo na lahat.
06:01Kerecho pa yan, malalim po sa kanila.
06:04Dito, hindi masyado.
06:05Pero higit sa perwisyo ang sinapit ni Aling Karin, nalunod kahapon sa baha ang kanyang asawa.
06:11Natisod po siya. Natisod na po ito. Nalunod po.
06:15Hindi po agad-agad dumadating yung mga rescue. Gawa nga po ng baha.
06:19Sa datos ng NDRRMC, hindi bababa sa 34 ang napaulat na patay dahil sa epekto ng habagat at mga bagyong krising, dante at emong.
06:30Ayon sa pag-asa, habagat ang kasalukuyang nakaapekto sa bansa at maaaring magdala ng pagulan.
06:36Nasa labing-anim na bagyo pa ang inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility bago matapos ang taon.
06:43So 2 or 3, August 2 to 4, September, October 2 to 4, 2 or 3, November, December 1 or 2, and then January 0 or 1 chances ng ating tropical cyclone occurrences during the forecast period.
06:59At based on historical record, medyo mas nakakaranas po talaga tayo ng maraming bagyo pagdating ng July, August, and September.
07:09Asahan din daw na karamihan sa mga bagyo ay magla-landfall.
07:13Yung mga bagyong ito ay mostly ay landfalling crossing tropical cyclone lalo pagdating po ng September, October, November, December.
07:21May mga nagre-recarb po ng mga bagyo, although may mga possible na mga landfalling ng mga gabangabagyo dyan po sa may parte ng Luzon area at this time of the year.
07:33Para sa GMA Integrated News, ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
07:40Nilinaw ng Department of Health na sa ward ng mga hospital na pinatatakbo nila ipetutupad ang zero balance billing na binanggit sa zona ng Pangulo kahapon.
07:49Saan nga ba kukunin ang pondo kapag lumobo ang bilang ng mga pasyente sa mga ospital na ito?
07:55Saksi, si Sandra Aguinaldo.
08:00Ito ang isa sa mga pinalakpakang pahayag ni Pangulong Bongbog Marcos sa kanyang State of the Nation address kahapon.
08:06Wala nang babayaran ang pasyente dahil bayad na ang bill ninyo.
08:14Zero balance billing sa mga ospital na pinatatakbo ng Department of Health.
08:18Malaking tulong para sa mga kailangan ng atensyong medikal pero kapos sa budget.
08:23Ngayong araw, may mga puntong nilinaw ang DOH.
08:26Una, ipinatutupad lang ito sa 87 ospital na nasa ilalim ng DOH.
08:32Kabilang ang San Lazaro Hospital sa Maynila, East Avenue Medical Center sa Quezon City,
08:38Vicente Soto Memorial Medical Center sa Cebu City,
08:41at Southern Philippines Medical Center sa Davao City.
08:44Ikalawa, para ito sa basic accommodation o yung tinatawag na ward sa mga DOH hospital.
08:51Basta huwag lang kayo nasa private kasi pag nagpunta ka sa private, may bayad yung doktor, may bayad yung room.
08:58Basta nasa basic accommodation ka ng DOH, bayad na bill mo.
09:02Mayo pa lang daw ay pinatutupad na ito.
09:04Ang no-balance billing, essentially, it's a PhilHealth coverage for all our patients for government hospitals.
09:13We ask for the PhilHealth membership.
09:18So one, we ask for the ID.
09:20Then if the patient cannot provide the ID, meaning baka hindi siya member,
09:26the hospital will facilitate for the enrollment of the patient to the PHIC or PhilHealth.
09:33Wala na ito yung guarantee letter required from the patients.
09:38Hindi naman kasama ang zero balance billing sa mga ospital na government-owned and controlled corporation.
09:44Ito ang Philippine Heart Center, Lung Center, National Kidney and Transplant Institute,
09:49at Philippine Children's Medical Center.
09:51Yung GOCC kasi, it has more private rooms than the basic accommodation.
09:58Kasi yung GOCC, they earn income and then it subsidizes the wired accommodation.
10:04Pero pag na-admit ka sa, meron kaming mga packages doon, yung mga benefit packages na,
10:10like for example sa heart, yung PCI package, na kukover nila na wala nang babayaran yung patient.
10:17Aminado ang DOH, billion-billion ang podong kailangan lalo't inaasahang lulobo
10:23na ngaabot sa 20% ang pasyente sa mga DOH hospital.
10:27Pero hindi naman daw duduguin sa gastos ang gobyerno.
10:31Lahat member eh. So lahat babayaran ng PhilHealth yung case rate niya.
10:35So may konting recovery. So it will become like a revolving fund.
10:39So ang tingin namin, sustainable.
10:41Ang key dito, magkano every year ang ibibigay ng government sa budget namin.
10:48Ang pondo para malibre sa hospital billing ang ating mga kababayan,
10:52kukunin sa PhilHealth at DOH.
10:55Sakaling may procedure na kailangan gawin at hindi kasama sa coverage ng PhilHealth,
11:00doon daw papasok ang ibang pondo,
11:02gaya ng Medical Assistance to Indigent and Financially Incapacitated Patients,
11:06Philippine Charity Sweepstakes Office o PCSO at Philippine Amusement and Gaming Corporation o PAGPOR.
11:13Sasagutin din ng gobyerno ang mga gamot habang nakakonfine ang pasyente.
11:18Babayaran na lang ng government yung gastos sa gamot mo while you're in the hospital.
11:23May mga gamot na hindi namin nabibili sa Department of Health and Hospital.
11:27Ito yung mga gamot na wala sa Philippine National Drug Formulary.
11:30For the PhilHealth, it's 100% coverage.
11:35That includes the minimum care provided at the hospital.
11:40Also yung sa hospital service, the bed, the drugs and medicines and all other hospital services.
11:53Pagdating naman sa paggamit ng hospital equipment na isa rin sa pinagkakagastusan ng pasyente,
11:58sinabi ni Herbosa na may sapat na kagamitan ang mga DOH hospital.
12:03Hindi malinaw kung magkano ang nakalaan para sa programang ito sa panukalang National Expenditure Program para sa 2026.
12:12Pero ayon sa tagapagsalita ng DOH,
12:14Sumatotal, itataas ng Pangulo yung tinatawag na MOOE, Maintenance and Other Operating Expenses,
12:23ng ating mga DOH hospital.
12:25So, hindi ito drawing lang.
12:26Para sa GMA Integrated News, ako si Sandra Aguinaldo, ang inyong saksi.
12:33Ligtas at nasa kabisera na ng Yemen ang siyampang Pilipinong tripulante ng barkong Eternity Sea na pinalubog ng grupong Huthi.
12:41Kinumpirma ito ng Department of Migrant Workers.
12:44Makikipagtulungan daw ang DFA sa mga bansang may akses sa mga Huthi para makauwi na sila.
12:50May apat pang Pilipino na unaccounted for at pinangambahang namatay na.
12:55Pero ayon sa DMW, tatlo ang naiulat na namatay na patuloy pa nilang bineberipika.
13:01Tuloy din daw ang investigasyon.
13:04Ayon sa DMW, lumalabas na ilang beses naglabas masok sa ilang bahay ng Red Sea ang naturang barko.
13:11Kahit pa, dati na raw itong pinaiiwas sa pagdaan doon dahil sa posibilidad ng pag-atake ng mga Huthi.
13:18Bumelta si Senate President Cheese Escudero sa lumabas na ulat na bilyon-bilyong piso umano ng pondo
13:26ang isiningit niya sa 2025 national budget.
13:30Git niya ang kamera ang pinagmulan umano ng paninira.
13:35Bagay na pinalagan naman ng kamera.
13:38Saksi si Maaf Gonzales.
13:40Isang demolition job, ganyang tinawag ni Senate President Cheese Escudero,
13:48ang lumabas na ulat sa isang website na meron daw siyang isiningit sa 2025 budget
13:53na mahigit 142 billion pesos na flood control projects at iba pang infrastruktura.
13:58150 billion? No, of course not.
14:02Kahit po sa Sorsogon?
14:05Sa Sorsogon?
14:06Kung meron din po kayong mga changes?
14:089 billion? No.
14:09May changes sa Sorsogon? Yes, pero hindi 9 billion.
14:13Hindi porkit Sorsogon, akin yun.
14:16Hindi porkit Bulacan kay Sen. Villanueva yun.
14:20Hindi porkit Tigadon ang isang mambabatas, eh lahat na ng pondoron ay sa kanya.
14:24Ulitin ko, sino bang nagsabi niya?
14:26That is a mere insinuation.
14:30Again, bahagi ng ika nga, PR job, PR campaign.
14:35So, hindi automatic yun.
14:37Anya, malino na paninira daw ito na inilabas bago magbotohan para sa Senate President ng 20th Congress.
14:44Gaya raw ng aligasyon na pinuntahan niya si House Speaker Martin Romualde sa kamera
14:48para siguruhing na isama sa budget by cam ang mga insertion niya.
14:52Malamang galing din sa kanila yan dahil ang paninira,
14:54na na-trace naming paninira laban sa amin ay nanggagaling din sa kamera.
14:58Hindi nga lang siguro dalawang beses ako bumisita, pero hindi sa tanggapan ni Speaker Romualde.
15:03Sa tanggapan kung saan, sa opisina kung saan, isinasagawa ang by cam.
15:07So, bawal na rin magpunta at gawin ng trabaho bilang by cam member.
15:12Bawal bilang Senate President tingnan kung ayos yung staff na gumagawa ng by cam.
15:19May insinuation.
15:20Sagot ng kamera.
15:21Bakit kami? Ba't kami may kasalanan?
15:24Bakit pag may mga criticism sa kanya, tinataasan niya ng kilay ang House of Representatives?
15:29Siguro yung tanong, bakit nga siya ang nandito dito?
15:32Kung tungkol yan sa by cam, kasi ang Speaker hindi naman po nakialam sa by cam ng budget.
15:40Mahirap din daw ang gusto ni Pangulong Bongbong Marcos na hindi niya papayagan ang budget
15:44na hindi alingsunod sa National Expenditure Program ng Pamahalaan.
15:48Hindi naman nga pwedeng walang baguhin.
15:50Again, Congress has the power of the purse.
15:54No NEP is perfect.
15:56But as long as it is based on discussions made openly with transparency and accountability,
16:02wala akong nakikita ang problema.
16:04Kalihim mismo ng Pangulo ay humihiling sa Kongreso ng dagdag o pagbabago sa kanika nilang budget.
16:10So siguro, kung may ganyang uli ng kautusan ng Pangulo,
16:13dapat pagsabihan din niya yung kanyang mga kalihim
16:16na kapag kami sinuminta ng budget ang DBM para sa kanilang departamento,
16:21huwag na silang humirit pa.
16:23Mas alam din, Ania, na mga kongresista ang pangangailangan sa baba
16:27dahil sila ang ibinotong representante ng taong bayan.
16:30Pero para mas maging transparent ang proseso,
16:33imumungkahi raw ni Escudero na buksan ang bicameral conference committee
16:37at maglabas ng listahan ng mga pinabago ng bawat senador.
16:40Si House Speaker Martin Romualdez binuksan na ang kanilang proseso sa publiko.
16:45We will open the bicameral conference to civil society observers.
16:52Following the President's lead, this is indeed a historic first
16:57because transparency is not just a value, it is a weapon against corruption.
17:03Naghain na rin ng joint resolution ang ilang senador
17:05para buksan sa publiko at i-livestream ang mga deliberasyon
17:09ng budget bicameral conference committee,
17:12suportado ito ng Ehekutibo ng Kamara
17:14dahil nauna na rin naman daw nila itong iminungkahi noon.
17:17Para sa GMA Integrated News,
17:19ako si Mav Gonzalez, ang News Saksi.
17:21Mga kapuso, maging una sa Saksi.
17:26Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube
17:28para sa ibat-ibang balita.

Recommended