Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Maaring abutin pa ng tatlong araw bago tuluyang maibalik ang supply ng kuryente sa Negros Occidental matapos ang pananalasan ng Bagyong Tino.
00:09Sa Roa City, sa Capiz naman, nagsimula ng bumalik sa kanilang tahanan ang mga lumikas na residente.
00:14May ulat on the spot si Kim Salinas ng GMA Regional TV.
00:18Kim?
00:21Rafi, mahigit 480,000 na mga individual sa Western Visayas ang apektado ng Bagyong Tino.
00:28Samantala sa Negros Occidental, mahigit 20 katao ang iniulat na nawawala, bunsod rin ang pananalasa ng Bagyo.
00:37May mga iniulat rin nasa uwi ngunit patuloy pang kinukumpirma.
00:42Humupa na ang pagbuhos ng ulan sa Roa City, sa Capiz.
00:45Simula kagabi hanggang ngayong umaga, kaya ang ilang lubikas na mga residente bumalik na sa kanilang mga bahay.
00:51Nagsiuwian na mga residente na nasa evacuation center sa Roa City dahil wala ng lugar sa lungsod na lubog sa baha.
00:57Sa pinakahuling tala naman ng PDRMO Capiz, mahigit 153,000 na individual ang inilikas dahil sa Bagyong Tino.
01:05Mahigit 148,000 dito ang nananatili pa rin sa evacuation centers.
01:10Sa kabila nito, may ilang lugar pa rin sa Capiz ang walang kuryente.
01:14Nananatili pa rin suspendido ang trabaho at klase sa ilang LGU sa Capiz at Roa City.
01:18Sa tala ng DSWD, umabot sa mahigit 152,000 na mga pamilya o mahigit 489,000 na katao ang naapektuan ng Bagyong Tino sa Western Visayas.
01:30111 na mga kabahayan naman ang nasira sa probinsya ng Aklana, Capiz, Iloilo at Imaras dahil sa malakas na hangin dala ng Bagyong Tino.
01:37Sampo dito ang totally damaged. Nakahanda naman ang PDRMO Capiz sa pagbigay ng tulong sa mga LGU na nangangailangan sa clearing operation at search and rescue operation sa maireport na missing na individual.
01:53Samantala, 18 tao ang iniiulat na nawawala sa bayan ng La Castellana sa Negros Occidental, habang apat naman ang isna nailalim pa sa verification na nasawi matapos ang pananalasan ng Bagyong Tino.
02:06Una ng kinumpirma ni La Castellana Mayor Añejo Nicor kagabi ang siyam na missing. Dumoble ito ngayong umaga.
02:13Tatlong tulay naman ang nasira habang lubog pa rin sa baha ang ilang lugar sa bayan.
02:17Kagabi, nawala ng supply ng kuryente sa buong La Castellana at naging mabagal din ang internet koneksyon.
02:23Ayon sa alkalde, maaaring abutin pa ng dalawa hanggang tatlong araw bago maibalik ang supply ng kuryente.
02:29Nananawagan din siya ng tulong mula sa pamahalaang nasyonal at probinsyal.
02:33Samantala, batay sa ulat ni Bryle Larry Sanyor, spokesperson at Opsen Deputy Manager ng Negros Occidental PDRMO Emergency Center,
02:42nagtala ang Bagu City ng limang kaso ng trauma injuries.
02:45Pitong kataon naman ang nawawala at tatlong nasawi na nasa proseso pa ng verifikasyon.
02:51Iniulat din ang PDRMO na aktibo ng nakikipagtulungan na mga ahensya gaya ng Kapolisan, Coast Guard at BFP
02:57para sa isinasagawang search, rescue at retrieval operations.
03:03Raffi, patuloy namang nananawagan ang otoridad sa publiko na manatiling alerto,
03:09lalo na at nararanasan pa rin ang pagulan sa iba't ibang bahagi ng Western Visayas at Negros Island.
Be the first to comment