Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00The International Criminal Court is now in session.
00:03Rodrigo Roa Duterte.
00:13Iginiit ng International Criminal Court na pinangangalagaan nila
00:17ang kalusuga ng lahat ng kanilang detainees,
00:20kabilang na si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:23Ito'y matapos punahin ng kanyang anak na si Vice President Sara Duterte
00:27at abugadong si Nicholas Kaufman, ang ICC,
00:31dahil hindi raw sila naabisuhan agad tungkol sa kondisyon ng dating Pangulo.
00:36Balitang hatid, Didano Tingkungko.
00:42Ibinunyag ng anak ni dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Vice President Sara Duterte
00:46at Legal Counsel na si Atty. Nicholas Kaufman
00:49na nalaman nilang isinailalimang dating Pangulo sa laboratory test
00:53para sa cranial at brain injury matapos daw mawala ng malay.
00:57Sabi ng kanyang kampo, hindi sila sinabihan agad ng International Criminal Court tungkol dito.
01:02Kaya kinu-question nila ang kakayahan ng ICC na tiyakin ang kaligtasan ng dating Pangulo.
01:07Ultimo iniindang ingro na kuko ni Duterte at pangangailangan niya ng caregiver,
01:12hindi raw agad matugunan ng ICC.
01:15Sabi pa ni Kaufman, pagod naan niya ang dating Pangulo sa pagkakapiit niya
01:19at iniinda mga karamdamang may kinalaman sa kanyang katandaan bagay na batid anya ng gobyerno.
01:26Panawagan ng bisya sa ICC, itama ang anya ay gross injustice sa ama.
01:30Sa pahayag na ipinadala sa GMA Integrated News, tumanggi ang tagapagsalita ng ICC
01:34na magkomento sa pribadong sitwasyon ng kanilang detainee bilang paggalang sa right to privacy.
01:40Sumusunod daw sila sa mga patakara ng Rome Statute at International Standards
01:44kaugnay sa consular access ng isang detained person na mahigpit daw na isinasagawa
01:49alinsunod sa pagpayag o hiling ng detainee.
01:53Tinututukan daw ng ICC ang physical at psychological well-being ng lahat ng detainee.
01:59Sabi ng DFA, professional, non-intrusive at respectful ang naging pagdalaw
02:03sa dating Pangulo ng Career Consular Officials ng Embahada sa Netherlands
02:07at hindi ng sinasabing agents ng pamahalaan.
02:10Nilinaw rin ni ICC-listed counsel, Atty. Gilbert Andres,
02:15na legal at na, ayon sa batas at international law,
02:18ang pagbisita ng kahit sinong kinatawa ng gobyerno ng Pilipinas kay Duterte
02:22kung pinahintulutan niya ito.
02:24At the end of the day, it's a detainee who will determine that
02:28hindi po yung pamilya niya, siya po yung subject po ng regulations
02:33at procedure po ng ICC.
02:35Sinabi rin ni ICC Assistant to Council at Atty. Cristina Conti,
02:40dapat alam ng mga Duterte at kampo nito na hindi nabubuyo ang ICC sa propaganda
02:46o public clamor.
02:47At ang anumang impormasyon sa kondisyong medikal ni Duterte,
02:50idinidiretsyo sa korte.
02:52Kung meron man daw nagnanais na manatiling malusog si Duterte,
03:12ito ay ang mga pamilya ng mga biktima ng kanyang war on drugs.
03:15Lagi nilang panalangin ay matuloy ang trial at para matuloy ang trial,
03:20dapat buhay si Duterte.
03:22September 23, unang itinakda ang confirmation hearing ni Duterte
03:26pero ipinagpaliban nito ng ICC dahil sa hiling ng kampo ni Duterte
03:30na indefinite adjournment dahil hindi na raw siya fit na dumalo sa pagdinig.
03:35Dano Tingkungko, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:38PYM JBZ
Be the first to comment
Add your comment

Recommended