00:00Samantala, higit 58,000 ng mga individual ang apektado ng pananalasan ng Bagyong Tino sa Eastern Samar.
00:06Agad namang tumugon ang mga kinauukulang ahensya ng gobyerno at mga lokal na pamahalaan sa pangangailangan ng mga apektadong residente.
00:16Si Pinalope Pumida ng Radyo Pilipinas, Borongan, sa Detali.
00:20Mga nasirang bahay na buwal na puno at mga bumagsak na poste ng kuryente, ilan lamang yan sa pinsalang iniwan ng Bagyong Tino dito sa Eastern Samar.
00:31Dahil sa paghagupit ng bagyo sa Lalawigan, umabot sa mahigit 58,000 o mahigit 196,000 individual ang naapektuhan.
00:41Batay sa report ng Eastern Samar Disaster Risk Reduction and Management Office, pinakamaraming residente na apektado ay mula sa oras, canavid at liurente.
00:52Ang bayan ng giwan nga na isa sa mga napuruhan ng Bagyong Tino, nagdeklara na kahapon ng State of Calamity.
00:59Layuni ng deklarasyon na magamit ng lokal na pamahalaan ang Quick Response Fund para sa agarang tulong at rehabilitasyon ng mga napektuhan ng bagyo.
01:09Ang pamahalang panlalawigan naman agad ding tumugon sa pangangailangan ng mga residente, alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
01:19na tulungan ang ating mga kababayan na apektado ng kalamidad.
01:23Katuwang ang DSWD, nagpadala ng isang libong food packs ang provincial government sa bayan ng giwan.
01:30Pagtitiyak ng pamahalaan, patuloy silang aalalay sa mga napektuhan ng hanggang sa muli silang makabangon mula sa hagupit ng bagyo.
01:39Mula rito sa Eastern Samar, para sa Integrated State Media, Penelope Pumida, ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.