00:00Be a little kind everyday.
00:03Yan ang tumatak sa pamilya at mga kaibigan ng influencer, content creator at sparkle artist na si Eman Atienza sa kanyang burol sa The Heritage Memorial Park.
00:22Nagbigay ng tribute ang Sparkle GMA Artist Center family kay Eman na naging malapit sa kanilang puso.
00:29Sa aking interview sa ilan niyang nakasama at kaibigan sa trabaho, muli nilang inalala ang masasaya at hindi malilimutang memories with Eman, pati na rin ang ilang aral na natutuhan nila kay Eman.
00:43Nasaksihan ko rin sa aking pagtutok sa lamay ni Eman kung gaano siya ka-espesyal.
00:48Si Eman ay naging bahagi ng Status by Sparkle na digital arm ng Sparkle GMA Artist Center.
00:54Nakilala si Eman sa kanyang platforms na masayahin, full of energy, outspoken at very authentic.
01:01Open din siya sa usapin ng mental health na hinangaan ng kanyang followers.
01:06October 22, pumanaw si Eman sa Los Angeles sa Amerika.