00:00Update na po tayo ng latest na sitwasyon sa Dumangas, Iloilo.
00:04May ulat on the spot si John Sala ng GMA Regional TV.
00:08John?
00:09Connie, patuloy pa rin ang pananalasan ng Bagyong Tino dito sa bayan ng Dumangas, Iloilo.
00:15Dito nga sa bayan ng Dumangas, Iloilo, yung ramdam ang malakas na hangin at ulan.
00:20Kasulukuyang nasa ilalim ng Tropical Wind Signal No. 4 ang Dumangas.
00:24Sa labas ng Dumangas Port, daanda ang mga truck ang stranded dahil sa kansilasyon ng biyahe ng Maroro Vessel simula pa kahapon.
00:31Marami sa mga truck ang babiyahe pa sana papuntang Dipolog City sa Mindanao,
00:35ngunit pansamantalang nakatinga muna sa highway papasok ng port.
00:39Nangagamba naman ang ilang mga driver sa kanilang supply ng pagkain dahil kung tatagal pa sila rito ay baka maubusan na daw sila ng supply.
00:47Marami sa mga residente naman, lalo na mula sa mga low-lying, flood-prone at coastal area sa probinsya ng Iloilo
00:53ang nagsilikas na papunta sa mga evacuation center upang masiguro ang kanilang kaligtasan.
00:59Sa ngayon nga, Connie, naka-full alert status na ang local government unit ng Dumangas,
01:03pati na rin ang ibang mga LGU sa probinsya ng Iloilo.
01:07Sa mga oras na ito, Connie, ay malakas pa rin ang hangin at ilang mga sanga nga sa puno dito sa plaza
01:12ng bayan ng Dumangas ay nagsibagsakan at ilang mga sasakyan ang na-damage.
01:18Ayon naman sa pag-asa, Iloilo ay inaasahang tatagal pa ng ilang oras ang pananalasan ng Bagyong Tino
01:24dito sa probinsya ng Iloilo.
01:26Yan ang latest mula dito sa Iloilo Province. Balik sa inyo.
01:29Maraming salamat, John Sala, ng GMA Regional TV.
01:32Maraming salamat, John Sala.
Comments