00:00Bago pa man manalasa ang Bagyong Tino, puspusa na ang paghahanda ng iba't ibang lugar sa pagtama ng bagyo
00:07habang ramdam na ang epekto nito sa ilang bahagi ng Visayas.
00:11Ibinahagi ng ilang netizens ang sitwasyon sa kanilang lugar habang papalapit ang bagyo.
00:16Si Gav Villegas sa report.
00:20Pansamantalang nakaangkla ang mga barko at sasakyang pandagat sa Iloilo River
00:25bilang paghahanda sa pagtama ng severe tropical storm Tino.
00:28Ramdam na sa bayan ng Tunga sa Leyte ang bagsik ng severe tropical storm Tino.
00:33Ayon sa uploader na si Gina Cadorna, makulimlim ang panahon at nakakaranas ng mabigat na buhos ng ulan sa lugar.
00:40Sa upload naman ni Michael Montas, makikita ang hindi na madaanan ang National Highway sa Purocdos,
00:45Barangay Tagnamarcais sa Tubay, Agusan del Norte dahil sa walang tigil na pagulan tulot ng severe tropical storm Tino.
00:53Nakahanda na rin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Eastern Visayas
00:57sa pagtama ng severe tropical storm Tino.
00:59Nag-deploy na ang PCG ng 73 disaster response teams na may 525 tauhan sa regyon.
01:07Nakastandby na rin ang mga high-speed response boats, rubber boats, aluminum boats, rescue trucks,
01:13service vehicle at ambulansya para sa mabilis na pagtugon sa anumang insidente.
01:18Patuloy rin ang kanilang koordinasyon sa mga lokal na pamahalaan at mga regional, provincial at municipal disaster risk reduction and management office
01:26para sa monitoring, information sharing at pagpapalabas ng mga safety advisory.
01:31Puspusan na rin ang pagpreposition ng Department of Social Welfare and Development sa Central Visayas
01:37ng mga family food packs sa warehouse nito sa buhol bilang paghahanda sa inaasahang paglandfall ng severe tropical storm Tino.
01:43Aabot sa 10,200 mga family food packs ang naipadala sa kanilang warehouse kahapon.
01:49Ang DSW din naman sa Eastern Visayas, nakapagpreposition na ng higit 120,000 family food packs,
01:56halos 21,000 non-food items, halos 20,000 ready-to-eat food boxes at halos 5,000 bote ng tubig
02:04sa mga strategic locations sa buong Region 8.
02:07Gav Villegas, para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.