Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Sa Maguindanao del Sur, apat na bata ang sinagip mula sa bangkang tumaob dahil sa epekto ng trough o buntok ng bagyong tino.
00:08Pero hindi na nailigtas pa ang kanilang ina.
00:10Nagpaparamdam na rin ang bagyong tino sa ilang bahagi ng Karaga region.
00:14At mula sa Surigao City, saksila si James Paolo Ya.
00:19James Paolo?
00:21Iya, malakas na bugso ng hangin at ulan ang nararanasan ngayon dito sa Surigao City, ilang oras bago mag-landfall ang bagyong tino.
00:34Malawak na ang baha sa ilang kalsada sa barangay Tagmamarkay sa Tubay, Agusan del Norte, kaninang alas 2 ng umaga.
00:43Rumagasa ang tubig sa isang sapa.
00:45Sa National Highway, abot-bewang ang tubig kaya ang ilang sasakyan.
00:51Tumirik at itinulak na lang ng mga residente.
00:56Umaalon ang baha sa bayan ng Santiago kaya dahan-dahan ang pag-usad ng mga sasakyan.
01:04Rumagasa rin ang tubig sa isang ilog sa Kabadbaran City.
01:08Pagdating ng hapon, tumaas pa ang baha sa ilang residential area sa lungsod.
01:13Dahil sa bagyong tino, ikinubli muna sa nasipit port ang nasa limampung commercial at cargo vessels mula sa iba't ibang lugar gaya ng Agusan del Sur, Surigao del Sur, Surigao del Norte at maging Salayte.
01:28Ayon sa Philippine Coast Guard, hindi basta-basta napapasok ng epekto ng bagyo ang nasipit port dahil sa matataas na bundok sa paligid nito.
01:37Sa Maguindanao del Sur, tumaobang isang bangka sa Lake Buluan matapos hampasin ng malalakas na hangin dala ng traf o buntot ng bagyong tino.
01:49Tulong-tulong ang mga mangingisda at rescuer sa pagsagip sa apat na batang lulan ng bangka.
01:55Agad silang dinala sa ospital.
01:57Patay na nang matagpuan ang kanilang ina.
02:00Mula pa kaninang umaga, ay pabugso-bugso na rin ang hangin na may kasamang ulan sa Surigao City.
02:06Dito nga sa Purok, Rojas, sa Barangay, Washington, ay puspusa na ang paghahanda ng ilang mga residente.
02:13At kung inyong makikita sa aking likuran, itong isang puting bahay ay tinalian na nga ng lubid ang kanilang bubong upang hindi ito madala kung sakali mang lumakas pa ang hangin.
02:23Maghapon pa yan, tinalian ko.
02:25Bakit sir?
02:27Mula malakas na hangin baga masira pa.
02:33Nanigurado lang.
02:33May mga lumikas na simula pakagabi at kaninang pasado alas dos ng hapon, ipinatupad na ang forced evacuation para sa mga nakatira sa mga tinukoy na hazard areas.
02:46Base kasi sa forecast ng pag-asa, posibleng makaranas ng storm surge o mataas na daluyong ang dagat sa Surigao.
02:52Hindi lahat ng barangay may mga hazard areas.
02:57So may mga portions lang, may sityo o ipuro o isend o certain number of household search.
03:05Sa Cagayan de Oro City, ipinagbawal na ang pagpalaot at paliligo sa dagat.
03:12Nagpaalala rin ang mga otoridad na maaaring tumawag sa 911 hotline sakaling magka-emergency.
03:18At kung maaari, ay lumikas na sa mga tinukoy na evacuation centers.
03:25Ipinatupad naman ang liquor ban sa Ibahay Aklan bilang bahagi ng paghahanda para sa Bagyong Tino.
03:31Ipinahinto rin muna ng Philippine Coast Guard ang lahat ng biyahe sa Katiklan patungong Burakay.
03:37Pinag-iingat din sa posibilidad ng pagbaha, landslide at tsunami ang mga nakatira sa Pagadian City.
03:44Sakaling magka-emergency, maaaring tumawag sa kanilang CD-RRM o hotline.
03:55Pia sa huling tala ng Surigao City Information Office, nasa 2,800 na pamilya na ang kanilang nailika sa iba't ibang evacuation centers dito sa siyudahan
04:05at nahatiran na rin daw sila ng tulong mula sa CSWD at DSWD.
04:11At live mula rito sa Surigao City, para sa GMA Integrated News, ako si James Paulo Yap ng GMA Regional TV, ang inyong saksi.
04:20Mga kapuso, maging una sa saksi. Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba't ibang balita.
Be the first to comment