Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Binaha ang ilang bahay ng Mindanao kasunod ng mga ulang dulot ng Intertropical Convergence Zone o IPCZ.
00:06At sa Batanes naman, ilang flight ang nakansela dahil sa Bagyong Salome.
00:10Ating saksihan.
00:14Ramdamang malakas na hangin na sinabayan ng pagulan sa probinsya ng Batanes ngayong araw.
00:21Malakas din ang hampas na mga alon.
00:23Bago humina at maging low pressure area, kabilang ang lalawigan sa isinailalim ng pag-asal sa Signal No. 1 dahil sa Bagyong Salome.
00:34Mahigit isanda ang pasahero naman ng apektado matapos makansela ang ilang flights.
00:39Red, dali! Red! Red!
00:42Kapagin, dali!
00:44Ay, larpa tabak!
00:46May at maya ang sigaw at paghingi ng tulong ng isang residente ng Alamada, Cotabato
00:51nang makitang halos tangayin ang rumaragasan tubig ang isang motorista habang tumatawid sa overflow bridge.
00:59Mabuti na lang at may nakaresponde agad para tulungan ang lalaki.
01:04Pero sa lakas ng ragasa, tila nakabitaw ang rider.
01:11Agad din naman siyang nasagip.
01:13Ilang sandali lang, isa pang motor ang tila hindi na rin makadaan, pero tinulungan din ang ilang residente.
01:22Ligtas ang parehong rider.
01:25Umapaw rin ang ilog sa barangay Upper Bulanan sa bayan ng Midsayap.
01:31Ayon sa pag-asa, ang masamang panahon sa Mindanao ay dulot ng Intertropical Convergence Zone o ITCZ.
01:38Nararasan din yan sa Coronadal City kung saan bumuhos ang malakas na ulan.
01:46Nagmistulang ilog tuloy ang ilang kalsada.
01:50Sa barangay Kakub, umapaw sa tulay ang tubig mula sa sapa at rumagasa sa kalsada.
01:58Pinasok din ang tubig ang ilang bahay.
02:01Ayon sa CDRRMO Coronadal, tinatayang aabot sa mahigit isandaang individual ang inilikas.
02:08Wala namang naitalang na saktan.
02:10At pali yun ang mga apektadong mga pamilya.
02:13Yun yung mga tumitira malapit sa riverside, creekside ng major waterways natin dito sa City of Coronadal.
02:24Tumaas din ang level at lumakas ang agos ng dam sa boundary ng barangay Topland at barangay Magsaysay.
02:30Tumaas ay-saysay.
02:33Sinubukan pa rin tawiri ng ilang motorista ang binahang kalsadang yan sa palabagan Lanao del Sur.
02:40Pero ang ibang bahagi ng bayan, tuluyan ang hindi nadaanan ang mga sasakyan dahil sa pagtaas ng tubig.
02:46Sa Sultan Kudarat naman, tuluyan ang nalubog sa baha ang mga kalsada sa Takurong City, kasunod ng malakas na buhos ng ulan.
02:57Umasok talaga yung tubig sa mga establishments.
03:00Sa lawak ng baha, inabot at pinasok din ang tubig ang ilang gusaling malapit sa kalsada.
03:08Para sa GMA Integrated News, Tina Panganiban Perez ang inyong saksi.
03:14Mga kapuso, maging una sa saksi.
03:17Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended