00:00Naglabas na ng Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ang lahat ng mga kasalukuyang Senador.
00:06Balitang hatid ni Tina Pangaliban Perez.
00:11Sa Statement of Assets, Liabilities and Net Worth na inilabas ni Sen. Amy Marcos,
00:17nagdeklara siya ng total assets na umaabot ng halos 165 million pesos.
00:23Kabilang dito ang ilang residential, commercial at agricultural lands
00:27na nagkakahalaga ng mahigit 74 million pesos, 59.5 million na cash
00:33at mga sasakyan at shares na umaabot ng 16.6 million pesos.
00:38Pero hindi pa kasama rito ang kanyang share sa mga hindi pa natatapos na proseso
00:43sa hatian ng mana mula sa kanyang amang si dating pagulong Ferdinand Marcos Sr.
00:49Wala siyang idineklarang liabilities o utang, kaya ang kanyang net worth ay halos 165 million pesos.
00:56Si Sen. Alan Peter Cayetano naman, nagdeklara ng total assets na umaabot ng 110.6 million pesos.
01:05Kasama rito ang halos 13 million pesos na mga condominium unit,
01:1030.5 million pesos na cash, mahigit 4 million pesos na halaga ng mga alahas,
01:16artworks at personal na gamit, at 30.7 million pesos na investments.
01:21Joint sal-end nila ito ng asawa niyang si Taguig City Mayor Lani Cayetano.
01:27May liabilities o utang silang umaabot ng 1.5 million pesos.
01:32Ang deklaradong net worth, mahigit 109 million pesos.
01:37Si Sen. Bato de la Rosa naman, nagdeklara ng total assets na umaabot ng 61.3 million pesos.
01:44Malaking bahagi nito mula sa ilang residential at agricultural lots na halos 44.7 million.
01:52Nagdeklara siya ng total liabilities o kabuang utang na umaabot ng mahigit 29 million pesos.
02:00Kaya ang kanyang net worth ay umaabot ng halos 32.3 million pesos.
02:05Sa ngayon, lahat na ng mga senador ay naglabas na ng kanilang sal-end.
02:10Base sa kanilang mga deklarasyon, pinakamalaking net worth si Sen. Mark Villar,
02:15na sinunda ng kapabilyonaryong si Sen. Rapi Tulfo at kapatid niyang si Irving Tulfo.
02:21Pinakamaliit naman ang itineklarang net worth ni na Sen. Arisa Ontiveros at Sen. Cheese Escudero.
02:29Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:35Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments