Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:00Muli pong binuhay sa Kamara ang usapin kaugnay sa batas kontra political dynasty.
00:05Suportado raw ito ni House Speaker Faustino D.
00:08Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
00:13Panahon na na upang harapin ang isa pang usapin na matagal nang nakasaad sa ating konstitusyon,
00:21ang pagpapatupad ng batas laban sa political dynasty.
00:25Mismong si House Speaker Faustino D. III ang nagbanggit ng probisyon sa saligang batas na nagbabawal sa mga political dynasty.
00:34Pero nakalagay rin kailangang tukuyin ng isang batas ang depenisyon nito, bagay na 38 taon ang hindi nililikha ng kongreso.
00:43Kabilang sa paulit-ulit ng paliwanag na mga eksperto, marami sa mga mismong dapat gumawa ng batas ay galing sa mga political dynasty.
00:52Alam ko pong maraming magtataas ng kilay. Sa totoo lang po, marami po akong pamilya na nasa pwesto.
01:01Labing apat na kamag-anak ng House Speaker ang nasa gobyerno rin ayon sa idineklara niyang Statement of Assets, Liabilities and Net Worth.
01:10Kabilang dyan ang anak niyang kongresista rin, anak na mayor at isang manugang na mayor din.
01:16May mga kapatid din siyang board member sa distrito o mayor at mga pamangking kongresista o mayor.
01:23Aabangan ngayon kung paano makukumbinsi ng Speaker ang mga kasama na magpasa ng batas na maaaring magbawal sa pagtakbo sa eleksyon ng karamihan sa kanila.
01:34At kung paano masasabi kung sino sa mga miyembro na mga pampolitikang angkan ang di na pwedeng tumakbo.
01:41Isulong natin ng isang panukalang batas na magbibigay ng malinaw at makaturungang depinasyon ng political dynasty.
01:52Ngayon pala, may mga mungkahin ng depinisyon sa mga anti-political dynasty bill na inihain ng ilang mambabatas.
02:00May incumbent kang kamag-anak. Gusto yung tumakbo sabay.
02:03Pag ikaw ay magsasaksid sa isang posisyon na kamag-anak mo o meron kang kamag-anak na nag-hold pa ng ibang posisyon.
02:11Kapag hindi sila nag-agree dito, ibig sabihin baka guilty.
02:14May mga katulad ng panukalang inihain ang anim na iba pang mambabatas.
02:19Pagpunto ng isa, galing sa political family mismo ang Pangulo at ang vicepresidente.
02:27Ang hamon ko kay Pangulong Marcos, kung gusto mo talaga na reforma, dapat magsimula ka sa iyong sariling pamilya.
02:36Ganon din si BP Sara kung para sa bayan siya at hindi sa supremacy ng political family nila.
02:46Sinimula na rin itong talakayan ng House Committee on Constitutional Amendments bagamat hinihintay pang ma-refer sa committee ang ilan sa mga panukala.
02:55Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
03:02Susubukan pang makuhana ng reaksyon si na Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte kaugnay sa hamon ni Congressman Edgar Erice
03:10na simulan sa sariling pamilya ang kontra o laman kontra political dynasty.
Be the first to comment