Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Inilabas na ng karamihan sa mga senador ang kanilang statement of assets, liabilities, and net worth.
00:06Kasunod po yan ang pagtanggal ng ombudsman sa mga restriction para ma-access ito ng publiko.
00:11Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
00:16Batay sa inilabas niyang statement of assets, liabilities, and net worth o SAL-IN,
00:21mahigit 1.26 billion pesos ang idineklarang net worth ni Senador Mark Villar.
00:26Kabilang sa kanyang assets, ang mahigit 349 million pesos na mga bahay, condominium units, at lupa.
00:33Wala siyang idineklarang liabilities.
00:35Umabot sa mahigit 656 million pesos ang yaman ni Sen. Erwin Tulfo.
00:40Kabilang ang ilang lupain, labing isang sasakyan, apat na baril, at halos 200 million pesos na cash a banko.
00:47Abot naman ang halos 160 million pesos ang utang niya, kaya nasa 497 million ang kanyang net worth.
00:53Si Sen. Majority Leader Meg Subiri naman, abot mahigit 631 million pesos ang halaga ng yaman.
01:01Kabilang sa idineklara niya ang labing walong lupain, ibat-ibang sasakyan, at shares na lampas 500 million pesos ang halaga.
01:08Mahigit 200 million pesos naman ang utang niya, kaya lampas 431 million pesos ang kanyang net worth.
01:14Si Neophyte Senator na si Camille Villar, nagdeklara naman ang assets na mahigit 362 million pesos.
01:21Pinakamalaki rito ang mahigit 214 million pesos na other personal properties, pero hindi nakasaad kung ano-ano ang mga ito.
01:29Nakasaad din sa kanyang salin ang interes sa ilang kumpanya ng kanyang pamilya.
01:33Wala siyang idineklarang liabilities.
01:35Ang yaman naman ni Sen. Pink Lacson, aabot sa halos 257 million pesos.
01:41Kabilang dyan ang isang loteng may halagang 160,000 pesos at mga cash at investments na mahigit 256 million pesos.
01:50Halos 12 million pesos naman ang utang niya, kaya abot sa halos 245 million pesos ang kanyang net worth.
01:57Ang yaman naman ni Sen. Jingoy Estrada, abot sa 252 million pesos, na sa kalahati nito ay iba't ibang bahay at kondominium unit, habang halos 100 million pesos ang investments.
02:09Meron siyang 31 million pesos na utang, kaya 221 million pesos ang kanyang net worth.
02:15Si Sen. Lito Lapid naman, merong mahigit 294 million pesos na halaga ng yaman, pero hindi nakalista kung ano-ano ang mga ari-ariang ito.
02:24Meron siyang mahigit 92 million pesos na utang, kaya nasa mahigit 202 million pesos ang kanyang net worth.
02:31Si Sen. JV Ejercito, mahigit 179 million pesos ang idiniklarang yaman.
02:37Kabilang dyan ay mga bahay, sasakyan, at ang shares niya sa Buildworth Development Corporation.
02:42May utang siyang halos 42 million pesos, kaya mahigit 137 million pesos ang net worth.
02:48Si Sen. Pia Cayetano naman, umabot sa mahigit 151 million pesos ang assets.
02:54Wala siyang idiniklarang real property, pero may cash, stocks, at iba pang investments, at incorporator siya ng labing tatlong kumpanya at tatlong foundation.
03:03Shareholder din siya ng isang country club at isang golf club.
03:06Meron siyang halos 23 million pesos na utang, kaya abot sa mahigit 128 million pesos ang net worth.
03:12Si Sen. Bam Aquino, mahigit 86 million pesos ang yaman, na karamihan ay real properties, cash, at investments.
03:20Wala siyang liabilities, kaya yan din ang halaga ng kanyang net worth.
03:24Ang yaman naman ni Sen. Loren Legarda ay mahigit 100 million pesos.
03:28Pinakamalaki niyang asset ang isang condominium unit na lampas 28 million pesos ang halaga.
03:34May mahigit 21 million pesos siyang utang, kaya nasa halos 80 million pesos ang kanyang net worth.
03:39Si Sen. Rodante Marcoleta, mahigit 80 million pesos ang idiniklarang kabuo ang halaga ng ari-arian.
03:45Kabilang dito ang bayat lupa, kondo, mga sasakyan, bank deposit at investments.
03:50Mahigit 28 million pesos ang halaga ng kanyang liabilities, kaya halos 52 million pesos ang kanyang net worth.
03:57Umabot naman ang yaman ni Sen. Joel Villanueva sa mahigit 72 million pesos.
04:02Kabilang sa yaman niya ang labing siyam na real property.
04:05Isa rito ay idiniklarang donasyon, kaya walang binayaran.
04:07Ang ibang yaman ay saks niya sa ilang kumpanya.
04:11Nasa 23 million pesos naman ang kanyang liabilities, kaya halos 50 million pesos ang kanyang net worth.
04:17Si Sen. Bongo, nagdeklara ng mahigit 44 million pesos na kabuo ang halaga ng ari-arian.
04:22Bukod sa lupa, nagdeklara siya ng halos 10 million pesos na halaga ng alahas, appliances at cash.
04:28Mahigit 12 million pesos ang kanyang liabilities, kaya mahigit 32 million pesos ang kanyang net worth.
04:33Ang idiniklarang yaman naman ni Sen. Cheese Escudero ay nasa mahigit 18 million pesos.
04:39Kabilang dyan ang limang lote na minana niyang lahat, kaya walang halagang nakasaad.
04:43Wala siyang utang, kaya mahigit 18 million pesos din ang net worth.
04:47Nauno na naglabas ng kanilang salen si Sen. President Tito Soto,
04:51Sen. Rafi Tulfo, Risa Ontiveros, Wyn Gachalian, Kiko Panglinan at Robin Padilla.
04:56Wala pang inilalabas na salen si Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Bato de la Rosa at Aimee Marcos.
05:04Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended