00:00The Flood Control Master Plan
00:30Para raw matiyak na hindi na mauulit ang mga flood control project na maanumalya at hindi talaga kailangan,
00:38bumuo ang Department of Public Works and Highways o DPWH ng grupo ng flood control experts.
00:44Ang grupong ito raw ang susuri ng mga proyekto kontrabaha bago ito mapunduhan sa national budget sa 2027.
00:52Walang papasok under my watch na flood control project local na hindi sasabihin itong group of experts na ito na tama yan, okay yan, dapat gawin yan.
01:02Kasama sa grupo sina Dr. Mahar Lagmay ng University of the Philippines National Institute of Geological Sciences,
01:11Dr. Guillermo Tabios ng UP Institute of Civil Engineering,
01:16at Yusek Carlo Primo David ng Department of Environment and Natural Resources.
01:21Kabilang daw sa kanilang gagawin ang isang flood control master plan.
01:25Pag-aaralan din daw ng mga expert yung mga flood control project na pwedeng ituloy at yung dapat ihinto o gibain.
01:32Siga din, aminado na merong mga proyekto na imbes na makabuti at makatulong nakakasama pa.
01:39At dahil ganun yun, wala tayong choice, kailangan natin gibain yan.
01:43Hihigpitan din daw ang bidding at pagsala sa mga contractors para matiyak na matino ang makukuhang kontratista.
01:51Kaugnay naman sa investigasyon sa mga maanumalyang proyekto,
01:55patuloy raw ang pagsusumikap ng gobyerno na mabawi ang mga nakulimbat sa kaban ng bayan.
02:01Para sa GMA Integrated News, Sandra Aguinaldo, Nakatutok, 24 Horas.
Comments