00:01Mainit na balita.
00:02Pirmado na ni Pangulong Bongbong Marcos bilang batas ang Anti-Pogo Act of 2025.
00:08Ito ang batas na nagbabansa Pogo sa buong bansa.
00:11Batay sa Republic Act No. 12312,
00:15layo nito ang mapanatili ang kapayapaan at kaayusan sa bansa
00:18at maprotektahan ang buhay at kalayaan ng bawat isa.
00:23Sa ilalim ng batas, ipinagbabawal ang anumang operasyon ng offshore game gambling
00:27at pagbuo at pagtatayo ng mga Pogo Hup.
00:31Ipinagbabawal din ang anumang pagtulong sa mga personalidad
00:34na sangkot dito tulad ng pagbibigay sa kanila ng mga peking ID,
00:38dokumento, pati pagtulong sa kanilang makalabas ng bansa.
00:42Ngayong batas na ito, babawin ang lisensya ng lahat ng mga Pogo
00:45na inisyo noon ng Philippine Amusement and Gaming Corporation o PagCore.
00:49Dahil dito, hindi na efektibo ang Republic Act No. 115900
00:54ang batas na nagpapataw ng buwis sa mga offshore gambling
00:57operation.
01:01Isa pang mainit na balita, simula sa 2026,
01:04Department of Agriculture na ang mamamahala
01:06sa pagtatayo ng mga proyekto sa Farm-to-Market Road.
01:09Matatanda ang DPWH din ang namamahala sa konstruksyon ng mga ito.
01:14Pero kasunod ng investigasyon sa mga kwasyonabling flood control project,
01:17may nakita rin ilang irregularidad sa pagtatayo ng mga ito.
01:20Kahapon, nagpulong sina Agriculture Secretary Francisco Chularo Jr.
01:24at DPWH Secretary Vince Dizon para sa audit ng mga Farm-to-Market Road project.
01:30Sabi ng DA, sa pamamagitan ng pangangasiwa sa Farm-to-Market Road projects,
01:34makakatiyak na may tatayo at mapapaganda ang mga ito para tulungan ang sektor ng agrikultura.
01:40Sakaling makabalik bilang chairperson ng Senate Blue Ribbon Committee,
01:48ipasisilip na rin daw ni Sen. Panfino Lacson ang mga proyekto sa Farm-to-Market Roads.
01:55Natuklasa naman ang DPWH na mahigit walong libong flood control projects
01:59ang walang environmental clearance kahit dapat meron.
02:04Balitang hatid ni Mav Gonzalez.
02:05Bawat flood control project gaya ng mga dike,
02:11dapat daw may Environmental Clearance Certificate o ECC
02:15mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
02:19Ibig sabihin, pinag-aralan ng epekto nito sa kalikasan at komunidad
02:23ang dapat alam kung saan dadaloy ang naipong tubig.
02:26Pero ayon mismo sa Department of Public Works and Highways,
02:29mahigit walong libong flood control projects na ininspeksyon nila ang walang ECC.
02:35Kabilang dito ang natuklasang 421 ghost projects.
02:39For the projects that we have visited and investigated,
02:45wala pong ni isang flood control project na na may ECC.
02:48Dagdag pa ni DPWH Secretary Vince Dizon,
02:51ni walang building permit ang ilang flood control project.
02:54Ang DENR nangakong paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Interagency Subcommittee
03:00kaugnay ng pag-monitor sa flood control projects.
03:03Kasunod yan ang isiniwalat ni DENR U6CP David
03:06na may ilang proyekto na masalalong nagpapalala o manunang baha.
03:11Gaya ng isang proyekto sa Laguna Dibay
03:13na hindi raw pala flood control project kundi reclamation project.
03:17Ayon sa Laguna Lake Development Authority o LLDA,
03:20wala itong koordinasyon sa kanila.
03:22Nagpadala po kami na inspektor sa area.
03:26Ang title po ng proyekto ay
03:28Improvement of Laguna Lakeshore Area.
03:33Very generic.
03:34And then may isa pong project nakalagay naman,
03:37Rehabilitation of Flood Mitigation Structure
03:40along Laguna Lakeshore.
03:43Malaki na po itong proyekto.
03:44And then in phases po siya.
03:46Kasi po dito sa karatulan na nakapaskil sa area po,
03:50may mga phase one to phase five na po itong...
03:54Sabi ng LLDA, DPWH Metro Manila District Engineering Office
03:58ang implementing agency nito.
04:00Sinusubukan pa naming makuha ang kanilang panig.
04:03Ang Senate Blue Ribbon Committee
04:04inaasahang ipagpapatuloy sa Nobyembre
04:07ang pagdinay kaugnay ng flood control projects.
04:10Handa na raw si Sen. Ping Lakson
04:11na pamunuan muli ito
04:13kung ibabalik siyang chairman ng komite.
04:14May iimbitahan daw siyang isang very important witness
04:18pero hindi niya sinabi kung sino ito.
04:20Palak din niyang lawakan ng investigasyon,
04:23hindi lang sa flood control projects,
04:24kundi pati sa ibang maanumalyang proyekto
04:27gaya ng farm-to-market roads.
04:29Mas lalawak pa yung...
04:31at may mga madadag na mga pangalanan
04:34na medyo malalaki.
04:37May government officials, may sibilyan pa ngayon.
04:41Ipanatawag din ang komite
04:42si Retard Technical Sergeant Orly Guteza
04:44na nagdawit kay dating House Speaker Martin Romualdez
04:47na tumatanggap umano ng kickback
04:49mula sa mga proyekto.
04:50Inatasan na rin ni Lakson ang komite
04:52na ipasabpina ang kontraktor
04:54na gumagawa umano ng bahay ni Romualdez
04:56at ang logbook ng proyekto
04:58para mapatunayan ang pahayag ni Guteza
05:00na nagdeliver siya ng pera kay Romualdez
05:02mula December 2024 hanggang August 2025.
05:06Pero bago ang mga pagdinig sa Senado,
05:08may nadiskubri raw si Lakson
05:10tungkol kay dating DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
05:14Meron daw hindi naman taga DPWH
05:16pero nagbibigay ng personal na memo
05:18kay Bonoan para mag-endorso ng proyekto.
05:21Nagtataka ako, may nakita akong dokumento
05:25nagme-memo kay Sekretary Bonoan
05:28nung pinatsik ko yung pangalan
05:30kasi naka-indicate lamang doon, initials eh.
05:33So hanap kami ng hanap.
05:34Hindi namin makita sa loob ng departamento.
05:36Paano siya nagme-memo sa Sekretary ng Public Works?
05:39O, ano post it eh.
05:41O, talaga.
05:41A hundred written, naka-post it
05:43na meron siyang ni-endorse yung mga proyekto.
05:46Tila dumidiskarte rong mag-isa si Bonoan.
05:49Hinihinga namin ang reaksyon si Bonoan
05:50kaugnay nito.
05:52Ang Independent Commission for Infrastructure o ICI
05:55ipatatawag si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico
05:58sa November 11 at 12.
06:00Ikalawang sabpina na ito ng Komisyon Keiko
06:02na naging chairman ng House Comerion Appropriations
06:06mula taong 2022 hanggang 2025.
06:08Sa November 12 din pinapatawag si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
06:23na nagsabing ilang politiko ang humingi sa kanya ng komisyon
06:26mula sa mga proyekto.
06:28Mav Gonzalez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
06:33Napatunayan daw ng Manila Regional Trial Court
06:35na hindi totoo ang terma ng abogado
06:37sa sinumpang salaysay ni Orly Gutesa
06:39ang nagpakilalang security consultant ni Zaldico
06:42na tumistigo sa Senado.
06:46May resolusyon na yung Executive Judge ng Manila RTC
06:50na napatunayan na hindi talaga signature o firma
06:54noong notaryo si Atty. Spera.
06:57Si Gutesa na surprise witness noon ni Sen. Rodante Marcoleta
07:00ang naglahad na nag-deliver sila dati
07:03ng mali-maleta ng mga pera sa bahay
07:05ni dating Congressman Zaldico
07:06at ni Leite First District Representative Martin Romualdez.
07:10Sabi ni Laxon,
07:11ang desisyon ng Manila RTC
07:12ay makaapekto sa kredibilidad
07:14ng mga pahayag ni Gutesa.
07:16Sa kabila niyan,
07:18nangatili raw na valid ang kanyang salaysay
07:20dahil nanumpa siya sa Senate Blue Ribbon Committee.
07:23Dati na itinanggi ni Naquat Romualdez
07:24na sangkot sila sa isyo sa flood control projects
07:27sa bansa.
07:28Planong ipatawag muli ni Laxon si Gutesa
07:30sa komite sakaling ibalik siya
07:32bilang chairman nito.
07:38Ilang araw nang nakararanas ng pagbaha
07:40ang ilang lugar sa Mindanao.
07:42Kanina humadaling araw sa kasagsaga
07:44ng malakas na ulan,
07:45biglang binaha ang ilang bahagi
07:47ng Davao City.
07:48Minasok ng abot-tuhod na tubig
07:50ang ilang bahay.
07:51Hanggang ngayong umaga,
07:52may tubig sa ilang kalsada sa lungsod.
07:55Umapaw naman ang ilang ilog
07:57at nagpabaha sa National Highway
07:59sa Libungan, Cotabato
08:00ang pagulan doon kagabi.
08:03Napabilis pa ang pagbaha
08:04dahil sa paghambalang na malaking puno
08:07sa daluyan ng tubig
08:08sa tulay ng barangay Sinawinggan.
08:11Agad naman yun,
08:12ipinatanggal ng local officials.
08:14Dahil po sa baha,
08:15matinding traffic
08:16ang naranasan ng mga motorista sa bayan.
08:19Ang ilan,
08:20maingat na dumadaan
08:21dahil sa lakas ng ragasa ng tubig.
08:23Umapaw namang sapa
08:24ang problema ng mga residente
08:26sa barangay Kuya
08:26sa South Upi,
08:29Maguindanao, Del Sur.
08:31Hindi tuloy makalabas ng barangay
08:33ang ilan pang makabilipunang
08:35kanilang pangangailangan.
08:37Ilang bahay na nasa gilid ng sapa
08:39ang pinasok na rin ng tubig.
08:41Ayon sa pag-asa,
08:42Intertropical Convergence Zone
08:44ang nagpapaulan ngayon sa Mindanao.
08:46Mataas pa rin ang syansa
08:49ng matinding ulan sa Mindanao
08:51maging sa Visayas
08:52at ilang panig ng Saadon Luzon
08:53ngayong Merkoles
08:54dahil sa ITCZ.
08:56Sabi na pag-asa,
08:57pinaka-apektado ngayon
08:58ang nasabing weather system
08:59ang Eastern and Centro Visayas,
09:01Sambuanga Peninsula,
09:03BIARMM,
09:04Soxargen,
09:05Northern Mindanao,
09:06Caraga Region,
09:07Masbate at ang Sorsogon.
09:09Bukod sa pagbibigay ng lamig,
09:11magubuos din ang ulan
09:12sa Extreme Northern Luzon
09:13ang hanging amihan.
09:14Easter Least naman
09:16ang magdadala ng mainit
09:17at malinsangang panahon
09:18dito sa Metro Manila
09:19at ilan pa ang bahagi ng Luzon.
09:22Paalala po ng pag-asa,
09:24kusibli pa rin
09:24ang maihinang ulan
09:25o kay mga local thunderstorm.
09:27Ito ang GMA Regional TV News.
09:33Oras na para sa may init na balita sa Luzon,
09:36hatid ng GMA Regional TV.
09:38Isa ang patay,
09:39habang dalawa ang sugatan
09:40sa alita ng dalawang grupo
09:42sa Florida Blanca, Pampanga.
09:44Chris, ano raw ang dahilan?
09:45Connie,
09:49naghamon daw kasi
09:50ng away ang sospek
09:51sa biktima
09:51sa social media.
09:53Sa kuha ng CCTV,
09:54makikita ang mga lalaking yan
09:56na tila may tinataguan
09:57sa barangay Kalantas.
09:59Maya-maya,
10:00dumating ang isang motorsiklo
10:01at sumemplang
10:02sa gilid ng
10:03Porak,
10:04Florida Blanca Road
10:05at tumila po
10:06ng mga sakay nito.
10:07Base sa embesikasyon
10:08ng pulisa
10:08na wala ng kontrol
10:09ang biktima
10:10sa motorsiklo
10:11matapos tamaan
10:12ang bote ng alak
10:13sa ulo
10:14na inihagis
10:15ng mga nakaabang
10:16na lalaki.
10:17Pinaniwalaan sila
10:18ang kasabwat
10:19ng sospek
10:20na nagamon
10:21ng away sa biktima
10:22sa social media.
10:23Nangyari yan
10:24matapos magkasundo
10:25ang sospek
10:25at biktima
10:26na magkita
10:27sa boundary arc
10:28pero hindi sumipot
10:29ang sospek
10:30na dumiretso
10:31sa bahay
10:31ng biktima.
10:33Pinutugis pa
10:33ang mga nakatakas
10:34sa sospek.
10:35Patuloy namang
10:36nagpapagaling sa ospital
10:37ang dalawang angkas
10:38ng rider.
10:39Wala pa silang pahayag
10:40at ang kaanak
10:42ng nasawing biktima.
10:45Natagpuan na
10:45ang katawa
10:46ng isa sa mga
10:47dalawang nawawala
10:48matapos mahulog
10:49sa Chico River
10:50ang isang truck
10:51sa Bontoc Mountain Province
10:52na ibinalita
10:54naming kahapon.
10:55Pansamantalang
10:56itinigil kahapon
10:57ang paghanap
10:57sa isa pang nawawala
10:58dahil sa lagay
11:00ng panahon.
11:01Ipagpapatuloy ito
11:02ngayong araw.
11:03Nitong lunes
11:04nang mahulog
11:04ang truck
11:05sa Chico River
11:06matapos na bumanga
11:07sa dalawa pang truck
11:08na nakaparada
11:09sa kurbad ng bahagi
11:10ng Bontoc,
11:11Tabuc
11:12and Rille Road.
11:13Dead on the spot
11:14ang tatlong
11:15iba pang sakay
11:15ng truck.
11:18Hindi bababa
11:19sa apat
11:20ang sugatan
11:20sa rido
11:21o away
11:21ng magkakaibang grupo
11:23sa Tipo-Tipo
11:24Basilan.
11:25Dahil sa tensyon,
11:26mahigit 7,000
11:27ang lumikas
11:28mula sa bagidan
11:28at Tipo-Tipo
11:29ayon sa Tipo-Tipo
11:30Municipal
11:31Social Welfare Office.
11:32Sabi ni Basilan
11:33Governor Mujib Hataman
11:34nagsimula
11:35ang gulo ng pasukin
11:36ng mga kaanak
11:37ng isang membro
11:38umano ng MILF
11:39ang Tipo-Tipo.
11:40Unang nabaril
11:41sa lamitan
11:42ng nasabing membro.
11:43Hinahanap doon
11:44ang pamilya
11:44ng biktimang
11:45suspects
11:45sa pamamaril.
11:47Tingin ng
11:4711th Infantry Division
11:48ng Militar
11:49may mga nakisaling
11:50anilay
11:51lawless elements
11:52sa gulo.
11:53Pasado
11:53alas 11 ng umaga
11:54kahapon
11:55nakontrol na
11:55ang sitwasyon
11:56at bumalik na
11:57sa kanikanilang lugar
11:58ang magkalabang grupo.
12:00Lumagda na rin daw
12:01sa isang joint statement
12:02ang LGU, AFP,
12:04PNP
12:04at mga leader
12:05ng MILF
12:06para mapababa
12:07ang tensyon.
12:08Sa ngayon,
12:09patuloy na binabantayan
12:10ng militarang sitwasyon
12:11sa lugar.
12:19Nagsimula
12:20ng bumiyahe
12:21para magbakasyon
12:22at umuwi sa probinsya
12:23ang ilan nating kababayan
12:24para sa Long Undas Weekend.
12:26Gaya na lamang
12:27sa Terminal 3
12:28ng Ninoy Aquino
12:29International Airport.
12:30Kwento ng ilang pasahero
12:31maaga na silang
12:32bumisita sa puntod
12:33ng kanila mga
12:34yumaong kaanat
12:35para masulit
12:37ang pagbabakasyon
12:38sa Boracay.
12:39Ang iba naman,
12:40mas pinili munang
12:41magbakasyon
12:41para makaiwa
12:42sa dagsa
12:43ng mga bibisita
12:44sa mga
12:44sementeryo sa Undas.
12:46Sa ngayon,
12:47normal pa po
12:48ang pila
12:48sa departure area
12:49at check-in counters
12:50ng paliparan.
Comments