Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00.
00:30Bawat flood control project gaya ng mga dike, dapat daw may Environmental Clearance Certificate o ECC mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
00:44Ibig sabihin, pinag-aralan ng epekto nito sa kalikasan at komunidad at dapat alam kung saan dadaloy ang naipong tubig.
00:51Pero ayon mismo sa Department of Public Works and Highways, mahigit 8,000 flood control projects na ininspeksyon nila ang walang ECC.
01:00Kabilang dito ang natuklasang 421 ghost projects.
01:04For the projects that we have visited and investigated, wala pong ni isang flood control project na na may ECC.
01:13Dagdag pa ni DPWH Secretary Vince Dizon, niwalang building permit ang ilang flood control project.
01:19Ang DENR nangakong paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Subcommittee kaugnay ng pag-monitor sa flood control projects.
01:28Kasunod yan ang isiniwalat ni DENR USEC CP David na may ilang proyekto na masalalong nagpapalala o manunang baha.
01:36Gaya ng isang proyekto sa Laguna Dibay na hindi raw pala flood control project kundi reclamation project.
01:41Ayon sa Laguna Lake Development Authority o LLDA, wala itong koordinasyon sa kanila.
01:47Nagpadala po kami na inspector sa area. Ang title po ng proyekto ay Improvement of Laguna Lakeshore Area.
01:58Very generic. And then may isa pong project nakalagay naman, Rehabilitation of Flood Mitigation Structure along Laguna Lakeshore.
02:08Malaki na po itong proyekto. And then in phases po siya.
02:11Kasi po dito sa karatulan na nakapaskil sa area po, may mga phase one to phase five na po itong...
02:19Sabi ng LLDA, DPWH Metro Manila District Engineering Office ang implementing agency nito.
02:25Sinusubukan pa naming makuha ang kanilang panig.
02:28Ang Senate Blue Ribbon Committee inaasahang ipagpapatuloy sa Nobyembre ang pagdinig kaugnay ng flood control projects.
02:34Handa na raw si Sen. Ping Lakson na pamunuan muli ito kung ibabalik siyang chairman ng komite.
02:40Maiimbitahan daw siyang isang very important witness pero hindi niya sinabi kung sino ito.
02:45Palak din niyang lawakan ng investigasyon, hindi lang sa flood control projects,
02:49kundi pati sa ibang maanumalyang proyekto gaya ng farm-to-market roads.
02:54Mas lalawak pa yung... at may mga madadag na mga pangalanan na medyo malalaki.
03:02May government officials, may sibilyan pa nga eh.
03:06Ipanatawag din ang komite si Retard Technical Sergeant Orly Guteza
03:09na nagdawit kay dating House Speaker Martin Romualdez na tumatanggap umano ng kickback mula sa mga proyekto.
03:15Inatasan na rin ni Lakson ang komite na ipasabina ang kontraktor na gumagawa umano ng bahay ni Romualdez
03:21at ang logbook ng proyekto para mapatunayan ang pahayag ni Guteza
03:25na nagdeliver siya ng pera kay Romualdez mula December 2024 hanggang August 2025.
03:30Pero bago ang mga pagdinig sa Senado, may nadiskubri raw si Lakson tungkol kay dating DPWH Sekretary Manuel Bonoan.
03:39Meron daw hindi naman taga DPWH pero nagbibigay ng personal na memo kay Bonoan para mag-endorso ng proyekto.
03:46Nagtataka ako may nakita akong dokumento, nagme-memo kay Sekretary Bonoan noong pinatsik ko yung pangalan
03:55kasi naka-indicate lamang doon, initials eh. So hanap kami ng hanap.
03:59Hindi namin makita sa loob ng departamento. Paano siya nagme-memo sa Sekretary ng Public Works?
04:04O post-it eh.
04:06O, talaga.
04:06A hundred and ten, naka-post-it na meron siyang ni-endorse yung mga proyekto.
04:10Tila dumidiskarte rong mag-isa si Bonoan. Hinihinga namin ang reaksyon si Bonoan kaugnay nito.
04:17Ang Independent Commission for Infrastructure o ICI ipatatawag si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico
04:23sa November 11 at 12, ikalawang sabpina na ito ng Komisyon Keiko
04:27na naging chairman ng House Comerion Appropriations mula taong 2022 hanggang 2025.
04:33Sa November 12 din pinapatawag si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
04:47na nagsabing ilang politiko ang humingi sa kanya ng Komisyon mula sa mga proyekto.
04:52Sa gitna ng mga issue sa flood control projects, sumadsad sa pinakamahinang level sa kasaysayan
04:58ang palitan ng piso kontra dolyar. Nagsara ito sa 59.13 pesos kontra dolyar.
05:04Sa intraday trading, sumampa pa ito sa 59.20 pesos kontra dolyar.
05:09Sabi ng Banko Sentral ng Pilipinas, posibleng sinasalamin nito ang pangamba ng berkado
05:14sa posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya dahil sa mga kontrobersya sa infrastructure projects.
05:19Pagpapakita raw ito na isa ring economic issue ang korupsyon.
05:22Ayon sa isang kongresista.
05:40Kailangan daw maghanda sa pagtaas ng presyo ng bilihin ayon sa isang ekonomista.
05:45Pero may mga makikinabang rin daw sa paghina ng piso.
05:47Umakit yung dollar, a little over 59 ngayon, sino makikinabang dyan?
05:52Yung mga kumikita in US dollars.
05:54Mga exporter, mga BPO, OFWs of course.
05:57Pampapasko pa naman, diba?
05:59So mataas yung palitan.
06:01So yung mga turista, yung mga foreign investors na mamumuhunan pala sa Pilipinas.
06:07Sabi ng BSP, hahayaan nila ang market forces na magtakda ng exchange rate.
06:12Tiniyak din ang BSP na supportado ang piso ng pumapasok ng remittance.
06:15Mabilis na paglago ng ating ekonomiya, mababang inflation at mga kasalukuyang reporma sa bansa.
06:21Pati na rin ang pagpasok ng foreign exchange mula sa BPO, turismo at mga OFW.
06:26Ayon sa isang ekonomista, para makabawi ang piso, mahalaga ang good governance.
06:30Yung mga kailangang parusahan, eh yun, dapat iserve yung ustisya.
06:35As the saying goes, justice delayed is justice denied.
06:38Ito ang unang balita.
06:40Mav Gonzalez para sa GMA Integrated News.
06:42Igan, mauna ka sa mga balita, mag-subscribe na sa GMA Integrated News sa YouTube para sa iba-ibang ulat sa ating bansa.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended