Skip to playerSkip to main content
Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time). For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Fulikam ang pagtangay sa halos 7,000 piso ng halaga ng mga paninda mula sa natutulog na tindera sa Maynila.
00:10Hinahanap ang lalaking nagnakaw. Ngayon ang balita si Jomer Apresto.
00:18Tila balisa ang babaeng yan na nakunin ng CCTV sa Dagupan Creekside sa Barangay 49 sa Tondo, Maynila, linggo ng umaga.
00:26Makikita pa na ilang beses siyang nagpabalik-balik at tumatakbo.
00:30Natangayan pala siya ng halos 7,000 piso na halaga ng mga paninda.
00:35Ilang minuto bago ang pagnanakaw, makikita ang isang lalaki na napadaan sa lugar.
00:41Tila kumuha siya ng tsyempo at dahan-dahang kinuha ang malaking bag ng biktima na naglalaman ng mga sarisaring paninda tulad ng mga pantali sa buhok at mga plastik.
00:50Ayon sa 32-anyos na biktima, dahil sa pagod, nakaidlip siya sa tabi ng kanyang rolling cart.
00:57Magdamag daw kasi siyang nagbantay sa palengke at maglalako naman sana siya pagsapit ng hapon.
01:03Kasi po, 200 lang po yung binenta ko sa palengke. Kulang na kulang po.
01:10Nakatulog po ako. Pahinga po ako, natulog po ako ng saglit para may lakas po ako para maglako po.
01:17Ang problema, inutang niya lang daw sa kanyang kapitbahay ang puhunan.
01:22Ang kikitain, pambilisana ng pagkain para sa kanyang pitong anak.
01:27Nananawagan siya ngayon ng tulong sa Manila LGU.
01:30Hindi niya alam kung gaano kalagan nung paninda ko nakuha niya.
01:35Pambaw ng anak ko sa pangkain namin sa araw-araw.
01:39Misahay ko kay Mayor, sana po mabigyan ako ng pwesto para makakuha ko ng pangaraw-araw namin.
01:46Pangkain saka panggaso sa mga anak ko. Kasi ayoko po maranasan nilang magutom.
01:52Sabi naman ang barangay, bagamat hindi nila residente ang biktima, handa silang magbigay ng tulong sa kanya.
01:58Nakikipag-ugnayan din daw sila sa iba't ibang barangay na posibleng nakakakilala sa salarin.
02:03Nag-usap kami ng council, ambag-ambag kami para mapunuan yung mga nawala sa kanya.
02:11Makikipag-ugnayan po tayo sa mga kapulisan yung kailangan mayroong additional police visibility
02:17at barangay official barangay-tanod visibility.
02:20Nananawagan din ang barangay sa kanilang nasasakupan na agad makipag-ugnayan sa kanila kung may nakakakilala sa lalaki.
02:28Ito ang unang balita, Jomer Apresto para sa GMA Integrated News.
Comments

Recommended