Skip to playerSkip to main content
Nabasag ang kapayapaan sa Tipo-Tipo, Basilan dahil sa rido o sagupaan ng magkaaway na angkan.
Mitsa nito ang pagpapasuko sa hinihinalang nakapatay sa kaanak ng kabilang angkan.
Apat ang naospital dahil sa tama ng ligaw na bala.
May report si Marisol Abdurahman.


State of the Nation is a nightly newscast anchored by Atom Araullo. It airs Mondays to Fridays at 11:05 PM (PHL Time) on GTV. For more videos from State of the Nation, visit http://www.gmanews.tv/stateofthenation.

#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream #BreakingNews

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Transcript
00:00Nabasag ang kapayapaan sa Tipo-Tipo Basilan dahil sarido o sagupaan ng magkaaway na angkan.
00:06Mitya nito ang pagpapasuko sa hinihinalang nakapatay sa kaanak ng kabilang angkan.
00:12Apat ang naospital dahil sa tama ng ligaw na bala.
00:15May report si Marisol Abduraman.
00:17Hindi malaman ng ilang taga-Tipo-Tipo Basilan kung saan sila magtatago na biglang magkaputukan kaninang umaga.
00:38Umalat pa ang balitang under siege ang Tipo-Tipo.
00:41Kinansilang klase sa lahat ng antas pati pasok sa mga tanggapan ng gobyerno.
00:46Mahigit 7,000 naman ang lumikas mula sa mga barangay ng Bagidan at Tipo-Tipo proper ayon sa Municipal Social Welfare Office.
00:53Ang talagang dahilan ng hidwaan ayon sa militar.
00:56So clearly, this is a rido po.
00:59Yes, even from the mouth of the governor.
01:01Kwento ni Basilan Goberner Mojib Hataman.
01:04Pumasok kahapon sa Tipo-Tipo ang mga kaanak ng isang ustaj na disbibahang tarahin na nabaril sa lamitan city.
01:11Anya, gusto ng grupo na kunin at isuko sa kanila ang suspect ng Municipal Guard sa Tipo-Tipo.
01:17Nagkaroon na Anya ng pag-uusap.
01:19Pinaliwanag natin paano ang koseso.
01:21Una, suspect pa lang yun at ongoing investigation.
01:25Gusto nilang ma-ensure na magkaroon ng justice doon sa kapatid nila.
01:30We have to apply the rule of law.
01:31Hindi yung dahil napagsuspecha nila, by force, kukunin na lang.
01:38Kaya ikinagulat nila ang pagsiklab ng barilan mula kaninang alas 7 ng umaga.
01:46Duda ng 11th Infantry Division ng Philippine Army.
01:50May mga lawless element na nakisaw-saw sa gulo.
01:52Nakontrol na ng mga otoridad ang sitwasyon 11-20 ng umaga.
01:56Bumalik na rin sa kanikanilang lugar ang magkalabang grupo.
01:59Ayon kay Hataman, lumagda ang AFP, PNP at mga lukal na leader ng MILF
02:05ng Joint Statement of Commitment ng Pagpapahupa ng Tensyon at Pagpapanatili ng Kapayapaan.
02:12Ang Office of the Presidential Advisor on Peace Reconciliation and Unity
02:15na nakamonitor sa sitwasyon na kiramay sa mga kaanak ni Ustadz Tarahin
02:20ang nasawi sa lamitan at kinundina ang karasang na uwi sa pagkamatay niya.
02:25Hanggang ngayon, bantay sarado pa rin ng mga sundalo at pulis ang lugar
02:29para matiyak na hindi na lalala pa ang sitwasyon.
02:32Marisol Abduraman, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended