Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Handang bumalik bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee si Sen. Ping Lacson
00:05at may iimbitahan daw siyang mahalagang saksi sa katiwilian sa mga flood control project.
00:10Sa gitna naman ng issue sa korupsyon, sumadsad ang halaga ng piso sa pinakamababang palitan sa kasaysayan.
00:16Saksi si Mav Gonzalez.
00:20Bawat flood control project gaya ng mga dike, dapat daw may Environmental Clearance Certificate o ECC
00:27mula sa Department of Environment and Natural Resources o DENR.
00:31Ibig sabihin, pinag-aralan ng epekto nito sa kalikasan at komunidad
00:35at dapat alam kung saan dadaloy ang naipong tubig.
00:38Pero ayon mismo sa Department of Public Works and Highways,
00:42mahigit 8,000 flood control projects na ininspeksyon nila ang walang ECC.
00:47Kabilang dito ang natuklasang 421 ghost projects.
00:50For the projects that we have visited and investigated,
00:57wala pong ni isang flood control project na na may ECC.
01:00Dagdag pa ni DPWH Secretary Vince Dizon,
01:03ni walang building permit ang ilang flood control project.
01:07Ang DENR nangakong paiigtingin ang pakikipag-ugnayan sa Inter-Agency Subcommittee
01:12kaugnay ng pag-monitor sa flood control projects.
01:15Kasunod yan ang isiniwalat kahapon ni DENR U6CP David
01:19na may ilang proyekto na masalalong nagpapalala o manunang baha,
01:22gaya ng isang proyekto sa Laguna Dibay na hindi raw pala flood control project,
01:27kundi reclamation project.
01:29Ayon sa Laguna Lake Development Authority o LLDA,
01:33wala itong koordinasyon sa kanila.
01:34Nagpadala po kami na inspektor sa area.
01:38Ang title po ng proyekto ay
01:41Improvement of Laguna Lakeshore Area.
01:45Very generic.
01:46And then may isa pong project nakalagay naman,
01:49Rehabilitation or flood mitigation structure along Laguna Lake Shore.
01:55Malaki na po itong proyekto kaya,
01:57and then in phases po siya.
01:59Kasi po dito sa karatulan na nakapaskil sa area po,
02:03may mga phase one to phase five na po itong...
02:06Sabi ng LLDA, DPWH Metro Manila District Engineering Office,
02:11ang implementing agency nito.
02:13Sinusubukan pa namin makuha ang kanilang panig.
02:15Ang Senate Blue Ribbon Committee,
02:17inaasahang ipagpapatuloy sa Nobyembre
02:19ang pagdinig kaugnay ng flood control projects.
02:22Handa na raw si Sen. Ping Lakson
02:24na pamunuan muli ito kung ibabalik siyang chairman ng komite.
02:27Maiimbitahan daw siyang isang very important witness,
02:30pero hindi niya sinabi kung sino ito.
02:33Palak din niyang lawakan ng investigasyon,
02:35hindi lang sa flood control projects,
02:37kundi pati sa ibang maanumalyang proyekto
02:39gaya ng farm-to-market roads.
02:40Mas lalawak pa yung...
02:43at may mga madagdag na mga pangalanan
02:47na medyo malalaki.
02:50May government officials, may sibilyan pa nga yan.
02:53Ipanatawag din ang komite si retired technical sergeant Orly Guteza
02:56na nagdawit kay dating house speaker Martin Romualdes
02:59na tumatanggap umano ng kickback mula sa mga proyekto.
03:03Inatasan na rin ni Lakson ang komite
03:04na ipasabpina ang kontraktor na gumagawa umano
03:07ng bahay ni Romualdes
03:08at ang logbook ng proyekto
03:10para mapatunayan ang pahayag ni Guteza
03:13na nagdeliver siya ng pera kay Romualdes
03:15mula December 2024 hanggang August 2025.
03:19Pero bago ang mga pagdinig sa Senado,
03:21may nadiskubri raw si Lakson
03:22tungkol kay dating DPWH,
03:24Sekretary Manuel Bonoan.
03:26Meron daw hindi naman taga DPWH,
03:29pero nagbibigay ng personal na memo kay Bonoan
03:31para mag-endorso ng proyekto.
03:34Nagtataka ako, may nakita akong dokumento.
03:38Nagme-memo kay Sekretary Bonoan
03:40nung pinatsik ko yung pangalan
03:42kasi naka-indicate lamang doon, initials eh.
03:45So hanap kami ng hanap.
03:46Hindi namin makita sa loob ng departamento.
03:49Paano siya nagme-memo sa Sekretary ng Public Works?
03:51O post-it eh.
03:54Handwritten, naka-post-it
03:55na meron siyang ni-endorso ng mga proyekto.
03:58Hila dumidiskarte rong mag-isa si Bonoan.
04:03Hinihinga namin ang reaksyon si Bonoan
04:05kaugnay nito.
04:06Ang Independent Commission for Infrastructure o ICI
04:09ipatatawag si dating Ako Bicol Partilist Representative Zaldico
04:13sa November 11 at 12,
04:15ikalawang sabpina na ito ng Komisyon Keiko
04:17na naging chairman ng House Comerion Appropriations
04:20mula taong 2022 hanggang 2025.
04:22Sa November 12 din pinapatawag
04:34si dating DPWH Undersecretary Roberto Bernardo
04:37na nagsabing ilang politiko
04:39ang humingi sa kanya ng komisyon
04:40mula sa mga proyekto.
04:42Sa gitna ng mga issue sa flood control projects,
04:45sumadsad sa pinakamahinang level sa kasaysayan
04:47ang palitan ng piso kontra dolyar.
04:49Ngayong araw, nagsara ito sa 59.13 pesos kontra dolyar.
04:54Sa intraday trading, sumampa pa ito sa 59.20 pesos kontra dolyar.
04:58Sabi ng Banko Sentral ng Pilipinas,
05:00posibleng sinasalamin nito ang pangamba ng berkado
05:03sa posibleng pagbagal ng paglago ng ekonomiya
05:06dahil sa mga kontrobersya sa infrastructure projects.
05:09Pagpapakita raw ito na isa ring economic issue ang korupsyon,
05:12ayon sa isang kongresista.
05:13Sa isang panahon kung saan mataas yung distrust,
05:19mataas yung nakikita na usapin ng korupsyon,
05:22hindi tayo nasa-surprise na may ganitong epekto.
05:24So habang sinasabi ng iba that corruption is a political issue,
05:28more than that, corruption is an economic issue.
05:30Kailangan daw maghanda sa pagtaas ng presyo ng bilihin
05:32ayon sa isang ekonomista.
05:34Pero may mga makikinabang rin daw sa paghina ng piso.
05:38Kumakit yung dollar, a little over 59 ngayon,
05:40sino makikinabang dyan?
05:41Yung mga kumikita in US dollars,
05:43mga exporter, mga PPO,
05:46o FWs of course,
05:47pampapasko pa naman, di ba?
05:48So mataas yung palitan, no?
05:51So yung mga turista,
05:53yung mga foreign investors na mamumuhunan pala sa Pilipinas.
05:56Sabi ng BSP,
05:57hahayaan nila ang market forces na magtakda ng exchange rate.
06:01Tiniyak din ang BSP na supportado ang piso
06:03ng pumapasok na remittance.
06:05Mabilis na paglago ng ating ekonomiya,
06:07mababang inflation,
06:08at mga kasalukuyang reforma sa bansa,
06:10pati na rin ang pagpasok ng foreign exchange
06:12mula sa BPO, turismo, at mga OFW.
06:15Ayon sa isang ekonomista,
06:17para makabawi ang piso,
06:18mahalaga ang good governance.
06:19Yung mga kailangan parusahan,
06:21eh yun,
06:22dapat iserve yung ustisya.
06:24As the saying goes justice delay,
06:26disjustice denied.
06:27Para sa GMA Integrated News,
06:29ako si Mav Gonzalez,
06:30ang inusaksi.
06:30Mga kapuso,
06:32maging una sa saksi.
06:34Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:36sa YouTube
06:36para sa ibat-ibang balita.
06:38Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:43Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:44Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:44Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:45Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:45Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:46Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:47Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:47Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:48Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:49Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:50Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:51Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:51Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:52Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:53Mag-subscribe sa GMA Integrated News
06:54Mag-subscribe sa GMA Integrated News
Be the first to comment
Add your comment

Recommended