Skip to playerSkip to main content
24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00National Maritime Council binatikos ang pagdeklara ng China sa Bajo de Masinlok bilang Nature Reserve.
00:08Pagsuporta nila yan sa pahayag ni Pangulong Bongbong Marcos laban sa deklarasyon ng China.
00:14At nakatutok si Ivan Mayrina.
00:19Sa harap ng mga kapwa world leader sa ASEAN East Asia Summit,
00:22kabilang si Chinese Premier Li Chang,
00:25ipinarating ni Pangulong Bongbong Marcos ang protesta ng Pilipinas
00:28sa pagdeklara sa Bajo de Masinlok bilang Nature Reserve ng ating kapitbahay sa Hilaga.
00:34Guit ng Pangulo, labag ito sa soberanya ng Pilipinas,
00:37UNCLOS, at sa arbitral ruling pabor sa Pilipinas noong 2016.
00:41Kinontra ito ni China Foreign Ministry Spokesperson Guo Chakul.
00:45Sabay saan niya isadyang paglabag at papangudyok ng mga aktividad ng Pilipinas bilang ugat ng tensyon sa reyon.
00:50Pero handaan niya ang China na ayusin ang anumang alitan sa dagat sa pamagitan ng dialog at konsultasyon sa Pilipinas.
00:56Gayun din ang pakikipahunayan sa mga bansa sa ASEAN para sa buo at epektibong pagpapatupad ng declaration
01:03ng the Code of Conduct of Parties in the South China Sea,
01:06pagsulo ng mga konsultasyon sa Code of Conduct sa South China Sea,
01:09at sama-sama ang pagpapatupad ng kapayapaan at katatagan sa reyon.
01:13Nanawagan din ang China sa ibang bansa na sumunod sa mga probisyon ng declaration
01:17on the conduct of parties in the South China Sea at tigilan ng mga paglabag, panguudyo at pagpapakalat ng takot.
01:24Ang deklarasyon na ginawa ng China nitong September 12,
01:27isa sa mga iniulat ang National Maritime Council na pinakamahalagang pangyayari sa ikatlong quarter ng 2025.
01:33Mula Hulyo, Agosto at Setiembre, tila naging normal na ang tuloy-tuloy at agresimo aksyon ng China
01:50na patuloy namang pinapalaga ng Pilipinas.
01:52Sa isang punto, ay nauwi pa yan sa banggahan ng dalawang barko ng China
01:56nang tangkain nilang ipitin at banggain ng BRP Suluan ng Philippine Coast Guard no Agosto.
02:02Binugohan din nila ng tubig ang barko ng Pilipinas.
02:06Sa kabila ng pagpalag ng Pilipinas,
02:08sadyang napakakonti umano ng tatlong pong barko nito at limang eroplano
02:12kung ikukumpara sa mga barko ng China na pirming na sa mga mahalagang bahagi na ng West Philippine Sea.
02:1927 ang average sa mga barko ng China sa pag-asa island kada araw,
02:2310 naman sa Ayungin Shoal, 14 sa Bajo de Masinlo at 11 sa Escoda Shoal.
02:28Average yan. Kaya may mga araw na higit pa rito ang bilang nila.
02:33Gayunman, ayaw sa National Maritime Council.
02:35The Philippines will never yield an inch of its territory
02:39or a drop of its maritime rights even to a superpower.
02:44Ngayong taong ito, umabot na sa 48 ang mga diplomatic protest
02:48na inihain ng Pilipinas kaugnay sa mga aksyon ng China sa West Philippine Sea.
02:52Ipagpapatuloy din daw ang mga maritime cooperative activity
02:56kasama ang ating mga kaalyadong bansa
02:58para ipakita sa buong mundo na hindi nag-iisa ang Pilipinas
03:03at nasa panig nito ang batas at ang suporta ng international community.
03:08Para sa GMainting Radio News, Ivan Mayrina Nakatutok, 24 Horas.
03:12Minimuhan umano si dating Public Works Secretary Manuel Bonoan
03:17para mag-endorso ng proyekto ng isang hindi naman taga DPWH.
03:21Ayon yan kay Sen. Ping Lakson na maghaharap umano ng
03:24very important witness sa hearing ng Senate Blue Ribbon Committee
03:28na balak niyang ituloy kung ibabalik siyang chairperson.
03:32Nakatutok si Mav Gonzalez.
03:33Handa na si Sen. Ping Lakson na pamunuan muli ang investigasyon
03:41sa maanumalyang flood control projects
03:43kung ibabalik siyang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee.
03:46Pero bago pa man yan mangyari,
03:48may nadiskubring bago si Lakson
03:50tungkol kay dating Public Works Secretary Manuel Bonoan.
03:53Meron daw hindi naman taga DPWH
03:55pero nagbibigay ng personal na memo kay Bonoan
03:58para mag-endorso ng proyekto.
03:59Nagtataka ako, may nakita akong dokumento
04:03nagme-memo kay Secretary Bonoan
04:06nung pinatsik ko yung pangalan
04:08kasi naka-indicate lamang doon, initials eh.
04:11So hanap kami ng hanap.
04:12Hindi namin makita sa loob ng departamento.
04:15Paano siya nagme-memo sa Secretary ng Public Works?
04:18O, ano post it eh.
04:19O, talaga.
04:20110, naka-post it
04:21na meron siyang ni-endorse yung mga proyekto.
04:24Kirit ng senador
04:25hila dumidiskarte mag-isa si Bonoan.
04:28Ayun nga mahirap eh.
04:29Alam mo, hindi dumadaan sa official channel
04:33ng departamento.
04:35Parang sumusolo yata si Secretary
04:37na meron sa liliniskarte.
04:39Eh, departamento niya na yun.
04:41Bakit kailangang sumidline ka pa sa labas?
04:44Hinihinga namin ng reaksyon si Bonoan Kaugnay nito.
04:47Kapag naibalik si Lakson sa Blue Ribbon Committee,
04:50palak niyang ituloy ang pagdinig sa November 14.
04:53Ano ang aabangan doon?
04:54Sabi ni Lakson, may iimbitahan daw siyang isang very important witness.
04:58Pero hindi niya sinabi kung sino ito.
05:01Balak din niyang lawakan ng imbestigasyon,
05:03hindi lang sa flood control projects,
05:05kundi pati sa ibang maanumalyang proyekto
05:07gaya ng farm-to-market roads.
05:09Mas lalawak pa yung...
05:11at may mga madadagdagan ng mga pangalanan
05:14na medyo malalaki.
05:17May government officials, may sibilyan pa nga eh.
05:20Ipapatawag din ang komite si retired technical sergeant Orly Guteza
05:24na nagdawit kay dating house speaker Martin Romualdez
05:27na tumatanggap umano ng kickback mula sa flood control projects.
05:30Inatasan na rin ni Lakson ang komite
05:32na ipasabpina ang kontraktor na gumagawa umano
05:35ng bahay ni Romualdez at ang logbook ng proyekto
05:38para mapatunayan ang pahayag ni Guteza
05:40na nagdeliver siya ng pera kay Romualdez
05:42mula December 2024 hanggang August 2025.
05:46The hearing is suspended until further notice.
05:49Para sa GMA Integrated News,
05:51Mav Gonzalez nakatutok 24 oras.
05:55Muling pinatunayan ni Double Olympic Gold Medalist Carlos Yulo
05:59na siya ang golden boy ng Pilipinas
06:02matapos mag-uwi ng gold
06:03mula sa Artistic Gymnastics World Championships.
06:07Nagkwento siya tungkol sa napakahirap na teknik
06:10na nagpanalo sa kanya
06:11gayon din sa kung bakit hindi na siya sasali
06:14sa palapit na Southeast Asian Games.
06:17Nakatutok si Mark Salazar.
06:19Pike Jagualescu, yan ang tawag sa winning move
06:25ni Pinoy two-time Olympic gold medalist Carlos Yulo
06:28sa vault table ng 2025 World Artistic Gymnastic Championship
06:33na ginanap sa Jakarta, Indonesia noong Sabado.
06:36Ang napakahirap na teknik ang nagbigay sa kanya
06:39at sa ating bansa ng gold sa vault.
06:41As we can see po talaga, it's really obvious
06:44yung first vault ko po talaga.
06:46Nag-clinch po talaga nun.
06:47Kasi high difficulty and almost perfect execution siya.
06:53So kahit ako nung pagkalaan din ko,
06:56sobrang excited ako.
06:58Gusto ko simigaw.
06:59But at the same time, may pangalawang vault pa po ako.
07:01So, kinontane ko lang po talaga yung focus ko
07:05and huwag ako mag-celebrate too early.
07:09Ito na ang third gold medal ni Yulo sa World Championships.
07:12Dagdag pa riyan ang bronze na nakuha naman niya
07:15sa floor exercise.
07:17Aminado si Yulo na extra challenge
07:19ang preparasyon para sa labang ito.
07:22Sa bawat laban ni Yulo,
07:23tinatapatan niya raw ng determinasyon at ensayo
07:26ang anumang pagkukulang sa kanyang athletic build.
07:29Nag-struggle po ako sa pommel horse
07:32kasi hindi ko talaga siya maabot.
07:35And medyo bulky yung katawan ko.
07:38And pang mapayat and matangkad talaga yung pang porte nun.
07:44And then sa high bar po, sa swing,
07:47mas matangkad, mas maganda yung galaw nila.
07:52Mas mahaba sila, mas kaya nilang i-catch yung bar.
07:56Kahit super layo.
07:59Unlike me, hindi ko kaya siyang gawin.
08:01Samantala, buo na raw ang desisyon ni Yulo
08:03na hindi sumali sa SEA Games.
08:06Ito'y makaraang limitahan ng Thailand
08:08ang mga gymnast sa isang aparatos lang.
08:11Wala na rin team competition.
08:13Ang mismong target ko po is magkaroon ng team competition
08:19and all-around competition.
08:22Which is, ayun talaga yung desire ko.
08:24So, unfortunately po, hindi nila pinayagan yung ganong rules po.
08:29Sa ginawa po nilang rules, hindi na nga po siya standard
08:32and nawala po po yung spirit ng sports.
08:36So, yung ganong aspect din po, tinitignan ko.
08:40And para sa akin, wala siyang value kung hindi natin siya gagawin ng standard.
08:46Gayun man, may mensahe siya sa kanyang fans, lalo sa mga budding gymnasts.
08:52Enjoy nyo yung journey.
08:54Grabe, super ikle lang ng lifespan ng gymnastics.
08:59Alam ko, mahirap talaga ito.
09:00Mahirap talaga yung sports na ito.
09:02But as, hanapin mo sa sarili mo kung ano yung gusto mo.
09:06Trabahuin mo siya hanggang mag-bloom ka, hanggang mag-grow ka.
09:10Bukod sa mga winnings, mahanap mo kung ano yung desire mo sa buhay mo.
09:17Discipline na matututunan mo dito.
09:19All out din ang suporta ni Yulo sa kanyang kapatid na si L. Drew,
09:23na lalaba naman sa 3rd FIG Artistic Gymnastics Junior World Championships
09:28na gaganapin ngayong Nobyembre.
09:31Super excited for him.
09:33May potensyal po talaga yung kapatid ko.
09:36And maikita niya naman po, ginagawa niya yung best niya para sa sarili niyang pangarap.
09:44And tinatrust ko yung process na kung ano yung pinagdadaanan niya ngayon.
09:49And alam ko na kakayanin niya.
09:52Gusto ko lang mag-enjoy siya.
09:56Nakauwi na ng Pilipinas si Yulo.
09:58At dito sinalubong siya ng surprise party sa kanilang bahay
10:02na umantig sa puso ng ating golden boy.
10:06Para sa GMA Integrated News,
10:09Mark Salazar, nakatutok 24 oras.
10:17Malaking hamon ang pagpaparami sa mga endangered species tulad ng Palawan hornbill.
10:23Kaya malaking tagumpay na maituturing sa larangan ng bird conservation
10:26ang hindi lang isa, kundi dalawang unang captive breed
10:31ng isang grupo sa naturang uri ng ibon.
10:34Nakatutok si Jonathan Andal.
10:36Matapos ang mahigit isang taon at dalawang bigong tangka,
10:42tagumpay na nakapagpisa ng sisiw ang Palawan hornbill
10:46ng Catala Foundation Incorporated.
10:49At hindi lang isa, kundi dalawa ang unang captive breed nila ng endangered Palawan hornbill.
10:55Over three months, nag-stay yung mother.
10:58Unique yung breeding ng Palawan hornbill, yung babae yung pumapasok.
11:05Tapos nag-seal siya ng kanyang nest box.
11:09Tapos isang malitlang na slit ang iniiwan nila na enough for the male hornbill to bring them food.
11:16So very dependent talaga sila sa pagbigay ng pagkain ng lalaki doon sa loob ng nest box.
11:25Marami rin daw challenges bago naging matagumpay ang captive breeding.
11:29Ang dalawang sisiw umalis na rin sa kanilang artificial nest box noong July.
11:54Pero tuloy-tuloy pa rin ang pagbabantay ng Catala Foundation sa species sa ilalim ng Philippine Cockatoo Conservation Program.
12:01Para sa GMA Integrated News, Jonathan Andal nakatutok, 24 oras.
12:07Sugatan ang isang lalaki sa Tondo, Maynila matapos siyang hatawin ng 2x2 sa ulo.
12:12Ayon sa suspect, nagbantao mo nung mamamaril ang biktima.
12:17Nakatutok si Jomer Apresto.
12:18Pagmasdang maigi ang lalaking yan na tila may kinokumpronta sa bahagi ng Happy Lands at Tondo, Maynila, madaling araw nitong biyernes.
12:30Isang lalaki ang biglang sumulput sa likuran at hinataw ang ulo ng lalaki na agad bumulagta.
12:36Gamit ang pedicab, isinugod sa ospital ang 29 anyos na biktima.
12:40Ayon sa tatay ng biktima, malala ang tinamong pinsala sa ulo ng kanyang anak na kinakailangang operahan sa lalong madaling panahon.
12:47Pero kailangan daw nila ng dalawang bag ng dugo para masimula ng operasyon.
12:51Sa kwento pa ng tatay, nag-ugat ang gulo.
12:53Matapos siyang mabastusan sa pagsagot ng mga kaibigan ng sospek at aminadong nasaktan niya ang isa sa kanila.
12:59Nakarating sa kanyang anak ang nangyari na sinubukan lang umano siyang ipagtanggol.
13:03Palaisipan daw sa kanila kung bakit hinataw ng sospek ang kanyang anak gayong hindi naman siya ang nasaktan.
13:08Ang tanong ko, bakit nang ialam? Eh hindi naman siya yun ang inanokong tao. Intensyon talaga nila ng paluhay yun.
13:16Matapos yan, agad naman daw sumuko sa mga otoridad ang 19-anyos na sospek noong hapon din ang Biernes.
13:22Narecover din ang dos por dos na ginamit niya sa krimen.
13:24Sa kwento ng nanay ng sospek, una kasing pinagbintangan ng tatay ng biktima,
13:29ang isa sa mga kaibigan ng kanyang anak na nanakit sa kanyang pamangkin.
13:32Pagkatapos ay sinaktan daw nito ang isa sa kanila bago umuwi.
13:35Ilang saglit lang, nagulat na raw sila nang biglang lumabas ang biktima na nakainom noong mga oras na yun.
13:40Nagwawala na rin po tapos pinagbabantaan po silang babariling isa-isa.
13:45Yung anak ko po, syempre parang sabi niya po sa akin, nagdilim na raw po yung paningin niya
13:50kasi bukod sa sinapak na po yung tropa niya, ginanong pa daw po sila.
13:56Eh yung bata na po, yung tao po yun parang pabalik-balik na lang din po sa ano yun eh, kulunga kasi.
14:03Humingi naman siya ng paumanhin sa pamilya ng biktima.
14:05Sinisikap din daw nilang maghanap ng pera para may maibigay kung sakali para sa gasto sa ospital.
14:10Nasa kustodiyanan ng Manila Police District ang sospek at naharap sa kasong frustrated murder.
14:16Sinusubukan pa namin siyang makuhanan ng pahayag.
14:18Para sa GMA Integrated News, Jomer Apresto nakatuto, 24 oras.
14:24Kasabay ng pagsasara sa 47th ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia,
14:29ay formal nang inilipat sa Pilipinas ang chairmanship ng ASEAN para sa 2026.
14:35Bahagin yan ang pagpasa ng ASEAN gavel ni ASEAN Chairman Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim
14:41kay Pangulong Bongbong Marcos.
14:43Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Anwar.
14:46Sa susunod na taon ay sa Pilipinas naman idaraos ang ASEAN Summit na may temang Navigating Our Future Together.
14:54Bago magtapos ang ASEAN Summit, ay nilagdaan ang mahalagang kasunduan
14:58kabilang ang ASEAN-China Free Trade Area 3.0 Upgrade Protocol
15:03na magpapadali pa sa kalakalan ng mga bansa sa Southeast Asia sa China.
15:09Nakipagpulong din ang Pangulo sa Australia at New Zealand.
15:1224 na pulis ang sinampahan ng kaso ng Napolcom bilang bahagi umano ng pagtatanggal ng mga tiwali sa hanay ng polisya.
15:20Nakatutok si Rafi Tima.
15:21Sa pagpapatuloy ng cleansing drive ng Napolcom para matanggal ang mga tiwali sa hanay ng PNP,
15:3024 na pulis kabilang ang ilang mataas na opisyal ang sinampahan ng kasong administratibo ngayong araw.
15:36Kabilang dito ang ilang pulis na nabanggitin ang pangalan sa isinasagawang investigasyon sa mga nawawalang sabongero.
15:41Apat sa mga personalidad dito kasama rin doon sa iniimbestigahan sa sabongero case.
15:48Ito yung kadahilanan din kaya lumapit ang mga complainas dito sa National Police Commission
15:53kasi nakita nila nung nag-iimbestiga tayo sa kaso ng mga sabongero,
15:58yung mga pangalan na ito involved din sa pagkakawawala, di umano ng kanilang mga kamag-anak.
16:03Kabilang sa apat, sinapulis Lt. Col. Ryan J. Urapa at Police Major Mark Philip Almedilla.
16:10Kasama ang siyam na iba pang pulis, kininap daw ng mga ito si Nadine Mark Carlos sa Maynila noong Pebrero 2021
16:16at si Charles Dean Soto sa Las Piñas noong March 2021.
16:21Labindalawang pulis naman ang kinasuhan dahil sa unlawful arrest, planting of evidence at threat and assault
16:26sa dalawang complainant sa Sampaloc, Maynila.
16:28Nagsinuhaling daw ang mga pulis matapos sabihin na aresto ang mga complainant noong September 10, 2025
16:33sa Launglaan Street samantalang base sa kuha ng CCTV.
16:36Inaresto sila noong September 9 sa Santisima Trinidad Street.
16:41Ayon sa Napolcom, pag-aaralan nila kung may sapat na batayan para patawan ng suspensyo ng mga pulis
16:46habang isinasagawa ang investigasyon.
16:49Pinakamataas ang mga kinasuhan si Polis Col. Roland Villela na nabanggit ang pangalan sa Quad Comhearing sa Kongreso
16:54kung saan meron daw siyang 200,000 US Dollars na kanyang ininvest.
16:59Hindi siya dumalo sa pagdinig, dahilan para sampahan din siya ng grave neglect of duty.
17:04Ayon sa Napolcom, nasa 1,200 na reklamo pa laban sa ilang pulisang pending sa kanila.
17:09Pinakamatagal dito isinampad 25 taon na ang nakararaan.
17:12Pero pangako ng kagawaran, tatapusin nila ang lahat ng ito ngayong taon.
17:17Lahat ng lumang kaso, ubos by December 2025.
17:22Lahat ng bagong kaso, tatapusin within 60 days.
17:26Para yung mga inosenteng pulis, laya.
17:30Hindi na nila kailangan isipin na merong mga harassment cases laban sa kanila.
17:35Pero doon sa mga walangyang pulis, nakarap na sila ng katapat nila.
17:38Katanggalin natin sila sa servis.
17:40Para sa GMA Integrated News, Rafi Tima nakatutok, 24 oras.
17:46Dead on the spot, ang isang rider sa C5 Southbound matapos nitong sumemplang at magulungan ng isang 10-wheeler.
17:54Nakatutok si Bam Alegre.
18:00Nahagip sa CCTV ng barangay ang pag-ipon ng mga sasakyan sa bahagin ito ng C5 Southbound sa barangay pinagsama Taguig.
18:07Pasado na sa is ng umaga kahapon.
18:09Maya-maya pa, isang motorsiklo ang tatama sa isa sa mga AUV at sa semplang.
18:14Agad siyang magugulungan ng nakabuntot na 10-wheeler truck.
18:17Dead on the spot ang rider na nahirapan makilala ka agad ng mga first responder.
18:20Pagdating po namin doon sa area, sinabi po ng mga first responder doon, bago po kami makarating, wala daw pong makitang identity.
18:30At saka pag-check po talaga namin, negative for identity.
18:34Ngayon, binigyan po namin ng secure yung area bago po kami tumawag ng pinakamalapit na PNP.
18:43Matapos tingnan ng polis ang mga gamit ng biktima, na lamang isa siyang 35-year-old na lalaking security guard, napapasok sana sa trabaho na mangyari ang insidente.
18:51Wala, halos pong natira. Kasi po yung helmet po niya is, yung half po, talagang warak siya.
19:03Tapos, ano po siya, going to work na po yata yung patient.
19:08Then siguro po, 7am yung pasok niya, parang nag-overtake po siya sa isang sasakyan.
19:14Tapos siguro po, tumama yung manobela niya doon sa sasakyan.
19:18Ito mismo yung bahagi ng C5 Southbound kung saan nangyari ang insidente.
19:23Patuloy pa rin ang investigasyon ng polisya, kaugnay ng nangyari.
19:27Matapos ang insidente, na-detain ng polisya ang driver ng AUV na humarang sa daanan ng motorsiklo, pati ang driver ng truck.
19:33Agad silang na-inquest kahapon para sa casting reckless imprudence resulting in homicide and damage to property.
19:39Hindi sila nagbigay ng pahayag at na-impound na ang mga sasakyan nila.
19:42Nasabihan na rin ang PNP Traffic Bureau ng Taguig ang kaanak ng biktima, kaugnay ng insidente.
19:47Wala silang pahayag.
19:49Para sa GMA Integrating News, Bam Alegre, nakatutok 24 oras.
19:56Napareminis ang ilang ex-housemates sa kanilang naging PBB journey ngayong nagbukas na muli ang bahay ni Kuya para sa bagong batch ng teen housemates.
20:05Kabilang dyan si Will Ashley na nakipag-bonding pa sa kanyang fans sa isang Halloween-themed party.
20:12Makichika kay Athena Imperial.
20:13Sa pagpasok ng 20 bagong housemates sa bahay ni Kuya, napabalik tanaw sa kanilang journey ang housemates ng matagumpay na unang season ng Pinoy Big Brother Celebrity Collab Edition.
20:30Sa post sa IG, idinaan ni Nation's son Will Ashley ang kanyang pasasalamat sa lahat ng natutunang lesson sa loob ng bahay ni Kuya.
20:40Once in a lifetime experience din ang turing ni Josh Ford sa kanyang pagiging housemate na nagturo sa kanyang itrato ang iba with love, patience, and kindness.
20:50Hiling naman ni AZ Martinez sa new batch ng housemates i-enjoy ang kanilang journey sa bahay na naging saksi rin sa kanyang rollercoaster of emotions.
21:00Di lang sila ang nasisepangs kundi ang fans.
21:02Kaya naman tuwang-tuwa ang marami ng makitang nag-get-together sa isang nature adventure si na Josh at AZ, kasama si na Vince Maristela, Cyril Madabat, at Kira Ballinger.
21:13Enjoy sa paliligo sa ilog ang former PBB housemates, nag-picnic din ang grupo, at may kilig na hatid ang photos together ng Tim Kish.
21:23Ngayong araw naman, bumisita sa labas ng PBB house si na AZ at Vince.
21:28Gayun din si Sparkle star and big winner Mika Salamanka, pati na si Will.
21:33In Gryffindor uniform din dumalo si Will sa kanyang fan meet.
21:36Ang supporters, kanya-kanyang aura in their costumes.
21:39Kwento ni Will, busy sila ngayon ang kanyang PBB batchmates sa shoot The Secrets of Hotel 88 na collab project ng GMA at ABS-CBN.
21:50Ikakawi ko nga lang po galing lock-in taping namin.
21:53Kaya nakakatuwa kasi magkakasama kaming mga housemates.
21:57Bukod dyan, ongoing pa rin daw ang shoot para sa pelikulang Love You So Bad na official entry para sa Metro Manila Film Fest 2025.
22:05We're very excited na mapanood doon ng mga tao kasi pinaghandaan talaga namin, pinaghandaan namin.
22:11Pati si Direk May talagang mini-make sure na perfect yung kalalabasan ng film.
22:17Athena Imperial updated sa Showbiz Happenings.
22:20Sa labing siyam na senador na naglabas na ng kanilang statements of assets, liabilities and net worth,
22:26pinakamalaki ang idineklarang net worth si Senador Mark Villar.
22:30Aabot yan sa 1.26 billion pesos.
22:34Mas malaki sa net worth ng ikalawang bilyonaryo sa Senado na si Senador Rafi Tulpo.
22:39Nakatutok si Mav Gonzalez.
22:41Batay sa inilabas niyang statement of assets, liabilities and net worth o salin,
22:49mahigit 1.26 billion pesos ang idineklarang net worth ni Senador Mark Villar.
22:54Kabilang sa kanyang assets, ang mahigit 349 million pesos na mga bahay, condominium units at lupa.
23:00Wala siyang idineklarang liabilities.
23:03Umabot sa mahigit 656 million pesos ang yaman ni Senador Erwin Tulpo.
23:08Kabilang ang ilang lupain, labing isang sasakyan, apat na baril at halos 200 million pesos na cash a banko.
23:14Abot naman ang halos 160 million pesos ang utang niya, kaya nasa 497 million ang kanyang net worth.
23:21Si Senate Majority Leader Meg Subiri naman, abot mahigit 631 million pesos ang halaga ng yaman.
23:28Kabilang sa idineklara niya ang labing walong lupain, iba't ibang sasakyan, at shares na lampas 500 million pesos ang halaga.
23:35Mahigit 200 million pesos naman ang utang niya, kaya lampas 431 million pesos ang kanyang net worth.
23:42Si Neophyte Senador na si Camille Villar, nagdeklara naman ang assets na mahigit 362 million pesos.
23:48Pinakamalaki rito ang mahigit 214 million pesos na other personal properties, pero hindi nakasaad kung ano-ano ang mga ito.
23:56Nakasaad din sa kanyang sali ng interes sa ilang kumpanya ng kanyang pamilya.
24:01Wala siyang idineklarang liabilities.
24:03Ang iyama naman ni Sen. Pink Lacson, aabot sa halos 257 million pesos.
24:09Kabilang dyan ang isang loteng may halagang 160,000 pesos at mga cash at investments na mahigit 256 million pesos.
24:18Halos 12 million pesos naman ang utang niya, kaya abot sa halos 245 million pesos ang kanyang net worth.
24:24Ang iyama naman ni Sen. Jingoy Estrada, abot sa 252 million pesos, na sa kalahati nito ay iba't ibang bahay at kondominium unit, habang halos 100 million pesos ang investments.
24:36Meron siyang 31 million pesos na utang, kaya 221 million pesos ang kanyang net worth.
24:43Si Sen. Lito Lapid naman, merong mahigit 294 million pesos na halaga ng iyaman, pero hindi nakalista kung ano-ano ang mga ari-ariang ito.
24:51Meron siyang mahigit 92 million pesos na utang, kaya nasa mahigit 202 million pesos ang kanyang net worth.
24:58Si Sen. JV Ejercito, mahigit 179 million pesos ang idiniklarang yaman.
25:04Kabilang dyan ay mga bahay, sasakyan, at ang shares niya sa Buildworth Development Corporation.
25:10May utang siyang halos 42 million pesos, kaya mahigit 137 million pesos ang net worth.
25:16Si Sen. Pia Cayetano naman, umabot sa mahigit 151 million pesos ang assets.
25:22Wala siyang idiniklarang real property, pero may cash, stocks, at iba pang investments, at incorporator siya ng pitong kumpanya.
25:29Meron siyang halos 23 million pesos na utang, kaya abot sa mahigit 128 million pesos ang net worth.
25:36Si Sen. Bam Aquino, mahigit 86 million pesos ang yaman, na karamihan ay real properties, cash, at investments.
25:43Wala siyang liabilities, kaya yan din ang halaga ng kanyang net worth.
25:47Ang yaman naman ni Sen. Loren Legarda ay mahigit 100 million pesos.
25:52Pinakamalaki niyang asset ang isang condominium unit na lampas 28 million pesos ang halaga.
25:57May mahigit 21 million pesos siyang utang, kaya nasa halos 80 million pesos ang kanyang net worth.
26:03Umabot naman ang yaman ni Sen. Joel Villanueva sa mahigit 72 million pesos.
26:08Kabilang sa yaman niya ang labing siyang na real property.
26:11Isa rito ay idiniklarang donasyon, kaya walang binayaran.
26:14Ang ibang yaman ay stocks niya sa ilang kumpanya.
26:17Nasa 23 million pesos naman ang kanyang liabilities, kaya halos 50 million pesos ang kanyang net worth.
26:24Ang idiniklarang yaman naman ni Sen. Cheese Escudero ay nasa mahigit 18 million pesos.
26:29Kabilang dyan ang limang lote na minana niyang lahat, kaya walang halagang nakasaad.
26:34Wala siyang utang, kaya mahigit 18 million pesos din ang net worth.
26:37Nauna na naglabas ng kanilang salen si Sen. President Tito Soto, Sen. Rafi Tulfo, Risa Ontiveros,
26:44Wyn Gachalian, Kiko Panglinan at Robin Padilla.
26:46Wala pang inilalabas na salen si Sen. Minority Leader Alan Peter Cayetano, Sen. Bato de la Rosa, Bongo, Rodante Marcoleta at Aimee Marcos.
26:55Para sa GMA Integrated News, Mav Gonzalez, nakatutok 24 oras.
27:01Bago magbalik Pilipinas mula sa ASEAN Summit ay sinagot ni Pangulong Bongbong Marcos ang iba-ibang issue,
27:08kabilang ang tungkol sa West Philippine Sea at flood control projects.
27:13Nakatutok live si Marie Pumali.
27:14Maris
27:16Vicky, pagkatapos ng matagumpay na konklusyon ng 47th ASEAN at related summits dito sa Kuala Lumpur, Malaysia,
27:26humarap si Pangulong Bongbong Marcos sa media.
27:28Inamin niya na magiging mabigat ang tungkulin bilang susunod na host country ng ASEAN sa susunod na taon.
27:34Pero malaking oportunidad din daw ito para maisulong ang interes ng ating bansa,
27:38kabilang na ang pagkakaroon ng efektibo at makabuluhang code of conduct sa South China Sea.
27:44Sinagot din niya ang iba pang mga katanungan ng media.
27:48Sa pakikipag-usap nga ni Pangulong Bongbong Marcos sa media pagkatapos ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur,
27:53tinanong ang Pangulo hinggil sa kanyang pagtuligsa sa mga hakbang na ginagawa at balakgawin ang China sa West Philippine Sea,
28:00sa harap mismo ni Chinese Premier Li Chang.
28:02Ayon sa Pangulo, hindi naman daw matapang ang kanyang pananalita,
28:06pero kailangan ng Pilipinas ng tulong ng kanyang mga kapwa leaders sa ASEAN.
28:10This is the situation the Philippines finds itself in.
28:17Ito yung nangyayari sa amin.
28:19Kaya sana matulungin niyo kami.
28:21So, and what was, well, the Premier, just during his time to speak,
28:35just said that this is, as far as China is concerned,
28:39is within their local law and international law.
28:43Of course, we dispute that.
28:46But that's essentially how that diplomatic process works.
28:55Sang-ayon naman si Pangulong Marcos sa sinabi ni Malaysian Prime Minister Anwar Ibrahim
29:00na dapat resolbahin ang issue kabilang ang South China Sea sa loob lang ng ASEAN.
29:06Ipinunto ng Pangulo na bagaman mananatiling bilateral ang usapin ng Pilipinas at China,
29:11ASEAN pa rin, ang dapat maging pangunahing taga-pamuno sa pagresolba ng mga maritime issues.
29:17I fully agree with Prime Minister Anwar.
29:24The lead agency should be ASEAN.
29:28That makes it stronger and that makes it more likely for us to be able to find a way forward.
29:35Dagdag pa niya kung makakamit ang progreso sa usapin ng dagat,
29:44ay imbitado si Chinese President Xi Jinping na bumisita muli sa Maynila.
29:48Nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bagaman may pagkadismayang ilan
29:52sa tila mabagal na progreso ng kampanya kontra korupsyon,
29:55kailangan pa iralin ang due process kaysa sa pagmamadali sa pagsasampan ng mga kaso.
30:03Can you imagine these people who have stolen billions from the government and from the people
30:10nakawala dahil hindi magandang pagkahandle ng ebidensya?
30:18That would be a much worse result.
30:20Kaugnay sa tanong kung kontento ba siya sa itinatakbo ng proseso at investigasyon
30:30ng Independent Commission for Infrastructure,
30:32tiniyak ni Pangulong Marcos na nananatiling ganap na independent ito.
30:36Aniya, pinag-aaralan pa ng ICI ang kanilang mga patakaran
30:39at kung makatutulong ba o hindi ang live streaming sa kanilang proseso.
30:46The executive, the government, hindi nakikialam dyan.
30:49We provide them a budget and we allow them to run everything the way they want,
30:55to hire the people that they want.
30:56They still have to finalize those
30:59so that we have a clear understanding of what is the best way to proceed.
31:08At ngayon nga ang gabi, Vicky, ay nakatakda ng tumulak pabalik ng Pilipinas si Pangulong Marcos.
31:14At yan ang pinakasariwang balita mula pa rin dito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
31:18Balik sa iyo, Vicky.
31:19Maraming salamat sa iyo, Mariz Umali.
31:23Hindi flood control project ang ilan sa mga binanggit ng Department of Environment and Natural Resources o DNR sa Senado
31:29na nagdulot ng mga pagbaha.
31:31Ayon sa DNR, nilinaw sa kanila ni Public Works Secretary Vince Dizon sa DNR
31:36na ang listahan ng flood control projects na isinumitin nito sa Interagency Subcommittee
31:40ay mayroon ding mga slope protection para sa mga pangunahing proyekto ng kalsada.
31:45Ang slope protection sa Laguna Lakeshore sa Taguig City na natalakay sa Senado
31:50ay bahagi umano ng road projects at hindi flood control project.
31:53Ayon sa DNR, sasa ilalim pa sa verification ng initial findings na iniharap nito sa Senado.
31:59Kabilang sa mga hensyang magbe-verify nito ang mismong DPWH.
32:03Sa pagdinig ng Senado kahapon para sa pondo ng DPWH,
32:06binanggit din ang DNR ang isang reclamation project sa Laguna de Bae.
32:10Ayon sa Laguna Lake Development Authority, walang coordination sa kanila ang proyektong ito.
32:14At yan po mga kapuso, ang mga balita ngayong Martes, 58 araw na lang at Pasko na.
32:23Ako po si Vicky Morales para sa mas malaking misyon.
32:26Para sa mas malawak na paglilingkod sa bayan.
32:28Ako po si Emil Sumangil.
32:29Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino,
32:33nakatuto kami 24 ora.
32:44Mula po sa GMA Integrated News, ang News Authority ng Pilipino,
Be the first to comment
Add your comment

Recommended