Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00We'll be right back to the Senate Finance Committee on the budget of DPWH.
00:24Pero may kailangan pang linawi ng kagawaran tungkol sa ilang proyekto.
00:29Naungkat din sa pagdinig ang mga proyektong nagpapalalaumano sa baha.
00:34Saksi, si Ma'am Gonzalez.
00:39Mahigit siyam na raang proyektong gustong papondohan ulit ng Department of Public Works and Highways o DPWH sa 2026,
00:46kahit napondohan na ngayong 2025 ang napansin sa budget ng kagawaran.
00:50Paliwanag dito ni DPWH Secretary Vince Dizon, nagmukalang umuulit ang mga ito dahil generic ang pangalan ng mga proyekto.
00:58Halos 800 na rawang na-validate ng DPWH at natuklasang itinutuloy pa.
01:03Pinababa po namin ang mga proyektong ito based on geo tag locations and pina-validate po natin kung ito bang mga proyektong ito ay completed na ba.
01:18Kukuha ng po ng litrato, ng dated at tag photos para makita po na unang-una sa sarili nating mata, makikita natin na hindi pa tapos yung proyekto at merong continuation.
01:31Kaya pinalitan na raw nila ang pangalan ng mga proyekto para lagyan ng technical description.
01:37Nakalagay na rin kung continuation ito o completion ng isang proyekto.
01:41Lampas 11 billion pesos ang halaga nang na-validate na ng DPWH,
01:45pero may halos 3 bilyong piso pang hindi na-check dahil kinulang na raw sa oras ang DPWH.
01:50Meron ba kayong nakitang talagang doble? Nag-repeat siya based on your analysis?
01:59Mr. Chairman, let me find out.
02:04Yung talagang doble?
02:05Dito po sa 798, wala pong nakita.
02:10Lahat yun po ay na-validate given the submissions.
02:14Doon sa remaining 148, hindi po natin alam.
02:17So that's why Mr. Chairman, ako po, I will put it on the record.
02:22If the committee will not grant us any more time, please feel free po to just remove that.
02:27Binigyan ni Senate Finance Committee Chairman Sen. Wyn Gatchalian nang hanggang biyernes ang DPWH para subukan pang i-validate ang ibang proyekto.
02:36Inaprubahan na ng komite ang proposed budget ng DPWH para sa 2026 at isusumiti na sa plenaryo kapag naibigay na ng kagawaran ang mga hinihingin dokumento ng Senado.
02:46Sa gitna ng mga kontrobersyong kinakaharap ng DPWH dahil sa flood control projects,
02:51isiniwala at ng Department of Environment and Natural Resources o DENR ang mga maanumalya o manong proyekto na nakita nila sa pamamagitan ng satellite imagery.
03:01Isa rito ang isang flood control project sa Laguna, Debay na sa halip na kontroli ng pagbaha ay lalo parao itong pinalalala.
03:08Lumabas na hindi pala ito flood control project, kundi isang reclamation project.
03:13This is a flood control project within Laguna, Debay.
03:18But if you look at the satellite images, they are actually reclamation projects within the lake right along C6.
03:31And so this is a different kind of issue because there are much, much more permits, environmental impact.
03:39Maybe it even causes further flooding within the Laguna Lake area when you do reclamation projects.
03:47Ayon pa kay DENR Undersecretary CP David, may ibang proyekto na sa halip mapigilan ng baha ay lalo pang magpapabaha.
03:55Tinukoy niya ang dalawang dikes sa Kamiling River sa Tarlac at isang itinayong dikes sa Lumpataan, Davao de Oro.
04:02Sabi ni DPWH Sekretary Vince Tizon, ipatitigil na nila ang pagtatayo ng mga depektibong flood control project na walang plano
04:09at hindi naman nakakatulong laban sa baha.
04:12Baka nga raw kailangan pambaklase ng ilang nagawa na.
04:14Maybe we might even need to dismantle some of those flood control projects because of their net harmful effects to the community.
04:24Pero may patakaran daw ang Commission on Audit na hindi pwedeng basta magdemolish ng proyekto sa loob ng ilang taon
04:30kaya maingat nila itong pag-aaralan.
04:33Sinita rin sa pagdinig ng Senado kanina ang lumobong pondo para sa farm-to-market roads.
04:37Mula sa 16 billion pesos na hiningin ng ehekutibo sa 2026, dumoble ito sa 32 billion pesos sa bersyong ipinasan ng Kamara.
04:46Ayon sa Department of Agriculture, dapat kasama sa network plan ang anumang ipagagawang farm-to-market road.
04:52Hindi rin maipatutupad ng DPWH ang mga proyekto kung hindi ito i-validate ng DA.
04:57For validation pa po Mr. Chairman, some of those FMRs.
05:01So yung natitirang 8 billion, wala ito sa network plan?
05:07Wala pa po ngayon sa network plan.
05:09Kung hindi ma-validate hanggang biyernes ang mga questionabling proyekto,
05:13tatanggalin na ito sa pupondohan para sa 2026.
05:17Para sa GMA Integrated News, ako si Mav Gonzalez, ang inyong saksin.
05:22Hanggang ngayong gabi, tuloy-tuloy ang mga pagtitipon para sa ASEAN Summit sa Malaysia.
05:26At kanina, tinulig sa ni Pangulong Bombong Marcos ang tangkang pagtatayo ng China ng Nature Reserve sa Bajo de Masinok.
05:35At mula sa Kuala Lumpur, saksila si Marise Umali.
05:40Marise?
05:44Pia, sa mga sandaling ito ay nasa gala dinner na si ang mga ASEAN leaders.
05:49Kabilang na si Pangulong Bombong Marcos at kasama niya roon,
05:53ang kanyang may bahay na si First Lady Lisa Araneta Marcos.
05:55Ang dinner ay hinost na nga siya na chairman at Malaysian Prime Minister na si Anwar bin Ibrahim at kanyang may bahay.
06:02Bago nito ay dumalupa si Pangulong Bombong Marcos sa bilateral meeting kasama ang Vietnam
06:07na sinundan naman ng pagdalo niya sa 15th ASEAN United Nations Summit.
06:12At sa pagharap nga ni Pangulong Bombong Marcos sa iba't ibang mga pagpupulong dito sa ASEAN
06:16o Association of Southeast Asian Nations ay ipinahayag niya sa mga world leader
06:23ang mariing pagtutol ng Pilipinas sa balak o binabalak ng ibang bansa para sa Bajo de Masinok
06:30na malinaw daw na paglabag sa soberanya ng Pilipinas.
06:33Sa unang dalawang araw ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia,
06:41dalawang beses nabanggit ni Pangulong Bombong Marcos
06:44ang tungkol sa tangkang pagtatayo ng Nature Reserve sa Bajo de Masinok sa West Philippine Sea.
06:50Una, noong ASEAN-US Summit kung saan kasama si US President Donald Trump.
06:55Gate ng Pangulo, ang tangkang pagtatayo ng Nature Reserve ay paglabag sa soberanya ng Pilipinas.
07:01Paglabag din daw ito sa traditional fishing rights ng mga Pilipino
07:04na ginagarantisa ng international law
07:07kabilang ang United Nations Convention on the Law of the Sea o ONCOS
07:11at 2016 Arbitral Award.
07:13Ang ikalawa ay sa East Asia Summit kung saan naroon naman si Chinese Premier Li Chang.
07:19Pinukoy ng Pangulo ang anya ay kapitbahay sa norte
07:21na nagdeklara ng National Nature Reserve sa Bajo de Masinok.
07:25May eksklusibo rin anya ang otoridad ang Pilipinas
07:28para magtayo ng environmental protection area sa teritoryo nito.
07:32Dagdag ng Pangulo, sa kabila ng mga hakbang na ito,
07:35patuloy na ipinatutupad ng Pilipinas ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
07:40Isinulong din ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng Code of Conduct sa South China Sea.
07:45Setiembre ng aprobahan ng State Council ng China
07:48ang pagtatayo ng Nature Reserve para naprotektahan ang biodiversity sa lugar.
07:52Nag-ha-in noon ang Pilipinas ng diplomatic protest.
07:56Nabanggit din ang Pangulo sa East Asia Summit ang mga insidente sa West Philippine Sea
08:01kung saan nalagayan niya sa piligro ang mga Pilipino,
08:04maging mga barko at aircraft ng Pilipinas.
08:07Kabilang dito ang mga dangerous maneuver at panghaharang sa mga aktividad ng Pilipinas
08:11sa sariling nitong maritime zones.
08:13Ayon naman sa Chinese Foreign Ministry,
08:16ang pag-uodyokan nila ng mga Pilipino ang pinagmumula ng tensyon.
08:19Sa kanya namang opening speech, sinabi ni ASEAN Chairman at Malaysian Prime Minister Anwar Bin Ibrahim
08:24na ang anumang issue sa South China Sea,
08:27nice daw nilang maresolba sa loob din ng ASEAN.
08:29We want it to be resolved within ASEAN and ASEAN with our partners in the region.
08:36Because the moment is seen to be imposed and dictated by outside forces,
08:43things become more problematic and tense.
08:46As far as we're concerned, things are still under control.
08:51Sa photo opportunity ng mga ASEAN leaders sa ASEAN-Japan Summit,
08:55kapansin-pansing wala ang Pangulo.
08:57Wala po ang Pangulo sa photo ops, pero umatin po siya sa summit.
09:02Nagkataon lang po nung sila ay nakaroon ng photo ops,
09:05ang Pangulo ay nasa extended bilateral meeting pa with UN.
09:08Sa gitna ng ASEAN Summit, inanunsyo rin ang Malacananga price freeze sa lahat ng pangunahing bilihin hanggang matapos ang taon.
09:16Kumpirmado na rin si NBI Assistant Director Lito Magno ang bagong officer in charge ng ahensya,
09:22kapalit ng nagbitiw ng NBI Director na si Jaime Santiago.
09:25Pia Bukas ay formal na magtatapos ang 47th ASEAN Summit and Related Summits.
09:36At dito rin gaganapin ang handover of the ASEAN chairmanship para sa Pilipinas.
09:42At yan ang pinakasariwang balita live mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
09:46Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang inyong Saksi.
09:55Nakatutok ang buong pwesa ng GMA Integrated News sa paghati ng balita ngayong Undas.
10:04Dalawang pisong taas presyo sa diesel ang sasalubo sa mga motorist na bukas kung kailan marami pa namang bumabiyahe para sa Undas.
10:12At biyaheng probinsya na rin ang maraming pasahero sa mga bus terminal at pantalan.
10:17Saksi si Darlene Kai.
10:18Uuwi sana sa Sursogon sa Webe si Roger pero wala na siyang mabiling ticket kaya magcha-chance passenger na lang siya.
10:27Nagparasarba ko ngayon eh. Wala eh. So cool na eh.
10:30Wala ng isang linggo bago mag-Undas, fully booked na ang mga biyaheng pa Sursogon sa Paranaque Integrated Terminal Exchange o PTEX.
10:37Kanoon din ang mga biyahe ng ilang bus, Paligazpi at Piyoduran sa Albay, pati ang Pairiga Camarines Sur.
10:44Karamihan sa mahigit dalawang milyong pasahero na darag sa rito, inaasahang babiyahe sa Webes at Biernes.
10:50Pero dahil simula na ng isang linggong wellness break na mga paaralan,
10:53spread out yung mga pasahero natin, hindi magkakaroon ng congestion at hindi magkakaroon ng pagsisigip.
10:58Madaragdagan din daw ang mga biyahe sa mga susunod na araw.
11:00Nakakuha tayo ng commitment sa kailan na magbibigay ng mga additional buses.
11:04And also, nakakuha rin tayo ng commitment sa DOTR at LTFRB na mag-i-issue sila ng mga special permits.
11:09Ang Land Transportation Office o LTO nag-ikot sa mga bus terminals sa Kubaw.
11:13Sininip nila kung may fire extinguisher at early warning device ang mga bus.
11:17Sinuli rin ang mga gulong.
11:18Dumudulas eh. Pagka mga walang thread, eh, tinadaan nila sa kapal. Wala sa kapal yan eh, nasa thread.
11:25Ang mga nakitaan ng paglabag, sinita.
11:27Kagaya nung sa ilaw, yung taillights, reverse lights.
11:33Although mga basic, pero napaka-importante lalo na pagka bumabiyahin ang gabi.
11:38Gumamit din sila ng breathalyzer para malaman kung nakainom ang ilang bus driver.
11:43Inaasahan din ang pagdagsa ng mga pasahero sa mga pantalan.
11:46Ayon sa pamunuan ng Northport Passenger Terminal,
11:49inaasahan sa Webes at Pernes padarag sa mga pasahero na aabot sa 3,000.
11:53Sa mga hindi pa po nakaka-book ng ticket, mas makabubuti po kung mag-book na sila online sa mga website ng shipping line
12:00para dire-diretsyo na po pagpasok nila ng terminal.
12:03Kanina, ininspeksyon ni DOTR Acting Secretary Giovanni Lopez at Philippine Ports Authority General Manager Jason Tiago ang matangkas po.
12:11Napag-alaman nilang hindi pa lahat ng shipping lines ay may online ticketing at booking.
12:15Mas mahirap minsan ang pag-monitor kapag hindi online yung kungsumusobra ang ating pasahero.
12:24Yung sinasabi natin overloading.
12:26Kaya sinabi ko sa ating marina na mag-iimpose talaga ako strictly ng online ticket.
12:33Pinagsabihan din ang isang ticketing booth dahil sa nakapaskil dito ang exact fare only.
12:38Inaasahan ng PPA na aabot sa 2.2 million ang daragsang pasahero sa mga pantalan mula ngayong araw hanggang November 5.
12:47Pagtitiyak ng PPA, naka-full deployment ang lahat ng kanilang personnel.
12:51Nakikipag-ugnayan din sila sa Philippine Coast Guard at PNP Maritime Group para sa siguridad ng mga pasahero.
12:57Bukas naman 24 oras ang help desk sa lahat ng pantalan.
13:01Sa gitna ng Undas Exodus, tataas ang toll sa Manila Cavite Expressway o Cavitex simula bukas.
13:08Depende sa uri ng sasakyan, 4 hanggang 13 piso ang taas presyo sa R1 portion o iyong mula seaside hanggang Zapote.
13:16Ipatutupad naman ang dagdag toll sa dalawang tranches sa Cavite R1 Extension Segment 4 na mula Zapote hanggang Kawit.
13:22Para sa first tranche ngayong taon, 15 piso hanggang 45 piso ang toll hike.
13:28Sa susunod na taon naman, ipatutupad ang second tranche.
13:31May taas presyo rin ang mga produktong petrolyo bukas.
13:35Dalawang piso ang taas presyo sa kada litro ng diesel, habang piso at 20 centimo naman sa gasolina.
13:40Tataas din ang piso at 70 centimo kada litro ang presyo ng kerosene.
13:44Para sa GMA Integrated News, ako si Darlene Kay, ang inyong saksi.
13:48Nilindulman, tuloy sa paghanda para sa Undas ang mga taga Bogos City sa Cebu.
13:52At sa Manila North Cemetery, nasa ang aabot sa 2 milyon ang pupunta ngayong weekend.
13:59Saksi, si Marisol Abdraman.
14:05Sinulit ng ilang pamilya ang huling araw ng paglililis sa Manila North Cemetery bago ang Undas.
14:10May mga nag-ayos ng ilaw at nagpintura. Marami rin ang nag-alay ng bulaklak.
14:14Taon-taon po, 27 po kami pupunta. Nagpipintura na rin.
14:18Nagkakaedad na kami. Kailangan po medyo hindi na masyadong crowded para medyo malayo po kami sa marami po sakit.
14:25Ayon sa Manila North Cemetery, umabot sa 50,000 ang mga dumalaw sa sementeryo kahapon.
14:31Nagulat kami, 8 days, 9 days pa before November 1, gumalawin sila.
14:34Inaasahan ang pamunuan ng sementeryo. Naaabot sa 2 milyon ang bibisita sa November 1 at 2, lalo tatapat ang Undas sa weekend.
14:43Bukod sa mga tauhan ng lokala pamahalaan at mga pulis, bantay sarado rin ang mga CCTV camera ang sementeryo na round-the-clock pinumonitor para makita ang sitwasyon sa loob at labas ng sementeryo.
14:55Simula October 31, magde-deploy ng drone camera. Bukod pa yan sa 64 na CCTV ng sementeryo, magkakaroon din ang live streaming.
15:03Simula October 29 hanggang November 2, mukha simulala 5 ng umaga hanggang alas 9 ng gabi ang Manila North Cemetery. Bawal mag-overnight.
15:13Bawal na rin pumasok sa sementeryo ang anumang uri ng sasakyan.
15:17Sa Bugo City sa Cebu, nanianig ng magnitude 6.9 na lindol noong September 30. Hindi nakaligtas sa pinsala maging himlayan ng mga patay.
15:25Sa Corazon Cemetery, halos lahat ng libingan nagtamo ng pinsala.
15:30Kanya-kanyang kumpunay sa mga puntod ang mga kaanak ng mga yumao. Dito rin inilibing ang karamihan sa mga nasawi sa lindol.
15:38Tuluyan namang naglaho at nahulog sa dagat ang ilang puntod sa Zamboanga City dahil bumigay ang bahagi ng sementeryo matapos masira ang seawalt.
15:46Ayon sa barangay, nareport na nila ito sa City Engineer's Office pero hindi pa rin ito na isa sa ayos.
15:52Sinabi naman ang Zamboanga City Engineer na inspeksyon na nila ang pinsala at tukoy na kung gaano kalaki ang kakailangan ng pondo.
16:00Para sa GMA Integrated News, ako si Marisol Abduraman, ang inyong saksi.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended