Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.
#GMAIntegratedNews #KapusoStream
Breaking news and stories from the Philippines and abroad: GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv Facebook: http://www.facebook.com/gmanews TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews Twitter: http://www.twitter.com/gmanews Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
00:04Bago sa saksi, arestado ang isang babaeng suspect sa panginikil at pagdibigay ng pecking permit sa Quezon City.
00:12Umabot-umanon sa 4 na milyong piso ang hingin ng suspect sa complainant.
00:17Saksi, si Katrina Son, exclusive.
00:20Sa cellphone video na ito, makikita ang dalawang babaeng nag-uusap sa loob ng isang restaurant sa Quezon City.
00:31Maya-maya, may inabot ang isang babaeng na brown envelope.
00:35Sandaling umalis ang babaeng inabutan ng envelope.
00:38Pagkabalik nito, ay nilapitan na siya ng mga operatiba para hulihin.
00:50Ang hinuling babae sa isinagawang entrapment operation, sospek sa panginikil at pagdibigay ng pecking permits mula sa Quezon City LGU.
01:00Ang envelope na inabot sa kanya kanina, naglalaman-umano ng marked money na nagkakalaga ng 800,000 pesos.
01:08Kwento ng complainant, ipinapa-renovate niya ang kanyang dialysis center na nagsara noong pandemic.
01:15Dahil kailangan niya ng kaukulang permit, nagpresenta raw ang nagpakilalang taga City Hall na si Leia.
01:21Sabi po niya, ay ano, tamang-tama dahil malakas ako sa City Hall, sa accounting department ako nagtatrabaho.
01:27Ako yung humahawak ng payroll ng mga taga City Hall.
01:30Kayang-kaya ko kayong tulungan.
01:32Pero syempre, kailangan gagastos tayo.
01:34Nagtiwala raw siya sa kagustuhang matapos agad ang renovation.
01:38Hanggang sa panay na raw ang paghingi ng pera na umabot na sa mahigit 4 na milyong piso.
01:45Pinipilit na rin umano silang mag-advance renew ng permit at pinagbabantaan na kung hindi, ipapasara nila ang dialysis center.
01:52Kami naman po nagtiwala since disparado na po talaga kami na kailangan po namin.
01:56Tapos hindi rin po namin alam talagang paano po lalakarin kasi council na raw po yun.
02:02Dito na umano, nagduda ang biktima.
02:04Kaya nagpunta raw sila sa Quezon City Hall para ipaverify ang lahat pang ibinigay sa kanilang mga permit.
02:11Dito nila nalaman na lahat daw ay peke.
02:15Nalaman nilang sa accounting department nagtatrabaho si Lea bilang accounting 83.
02:19Para po kaming mahihima tayo hindi.
02:24Kasi po, niloon lang po kasi namin yung mga binayad po sa kanya kasi lisi po namin kikitain naman natin yung pambayad po sa loan.
02:34Wala na po kami ang trabaho nung kapatid ko kasi kami nagtatrabaho eh.
02:39Yung life savings po, yung pamilya namin ang tanaw po doon.
02:43Naubos daw ang kanilang ipo.
02:45Base sa inisyal na investigasyon ng mga otoridad, matagal na itong ginagawa ng sospek.
02:50Pag natunogan niya yung isang building ay nagpaparenovate or kailangan na isang permit, lalapitan niya.
02:56Tapos mag-offer siya ng, mag-assess siya, mag-assess, mag-process na lahat ng dokumento.
03:03Tapos hihinga niya ng pera.
03:07Tapos una, ratakutin niya muna na ito ay malaki ang penalty niyo.
03:11Patuloy din daw ang ginagawa nilang investigasyon dahil maaaring may mga kasabwat pa ito.
03:16Ayun ang tinitingnan namin ma'am.
03:18Pag nalaman namin na mayroon siyang kasabwat, so ari din naman yung mga investigator natin nasampahan ng conspiracy.
03:24Kakasuhan ng sospek ng robbery extortion at estafa.
03:28Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, hindi kailangan gumamit ng fixer para mag-transact ng permit sa City Hall.
03:36Lalo na at lahat nga raw ng proseso pwede na online at pwedeng magtanong sa helpline 122.
03:42Giit ni Mayor Belmonte, hindi nila tino-tolerate ang anumang korupsyon sa city government.
03:48Sinubukan ng Jimmy Integrated News na kunan ng pahayag ang sospek ngunit tumanggi siya.
03:53Para sa Jimmy Integrated News, Katrina Zorn, ang inyong saksi!
04:00Sira-sira, butas-butas at may mga kulang kahit iniulat na tapos na.
04:06Ilan lang po yan sa mga nasita ni Pangulong Bombo Marcos sa pag-inspeksyon ng ilang flood control project sa Kalumpit, Bulacan.
04:13At may ilang problema rin na-discovery sa pagsisid ng mga scuba diver sa ilog.
04:20Saksi, si Jonathan Nanda.
04:25Isang buwan ng lubog sa baha ang bahay ni Edgar sa Kalumpit, Bulacan.
04:29Kapag umaapaw kasi ang ilog, tumatagas ang tubig papuntang Barangay Frances lalo kapag high tide.
04:38Ang diki kasi putol pala at may butas na limampung metro.
04:42Dismayado si Pangulong Bongbong Marcos nang inspeksyonin kanina ang diki.
04:54Yung simento rito, nagudulog sa kamay.
05:00Sira-sira, butas-butas at nakausli pa ang mga bakal nito.
05:04Malabnaw yung simento na ginamit.
05:07Nagtipid sa simento, nagtipid sa...
05:10Unang-una yung simento, ganyan lang kakapal.
05:14Eh dapat ano, 18 centimeters.
05:1618 centimeters, mga 18 inches. Parang kalsada.
05:19Napansin din ang Pangulo na nagkaisla na sa gitna ng ilog.
05:22Ito yung isla sa gitna ng ilog.
05:24Kung makikita ninyo, tinubuan na ng mga halaman, tinubuan na ng mga damo.
05:28Ibig sabihin niyan, ganyan nakababaw yung ilog na ito.
05:31Nagtataka ngayon ang presidente.
05:33Kasi ang dumarating daw na report sa kanya,
05:35e kumpleto naman at nagkakaroon ng dredging sa ilog na ito.
05:39Tignan naman naman ninyo, paano magiging completed niya?
05:41Tignan ninyo, tignan ninyo.
05:43May isla sa gitna.
05:44Tinutubuan na ng damo na napaka...
05:47Nagsabihin matagal na silang hindi nag-dredge.
05:49Although sa report na may nag-dredge sila.
05:52Ayan na naman.
05:53Pakahanapin natin yung sinong responsible dito sa gobyerno, sa private.
05:59At kailangan managot sila dito sa kanilang ginawa.
06:02Huwag silang managot sa akin, managot sila dito sa mga tao dito.
06:05Mahigit kalahating bilyong piso
06:07ang kabuoang halaga ng mga flood control projects sa barangay Francis, Kalumpit.
06:11Sa inilabas sa listahan ng Malacanang,
06:13pitong kontratista ang nakasungkit ng walong proyekto mula 2022.
06:18Nagpasisid ang pangulo ng mga scuba divers sa Pampang River sa Kalumpit.
06:22Dito na-discobre na makapal na ang putik sa ilalim
06:25at hindi na nakadikit ang beam sa anumang pundasyon o sheet pile support doon.
06:30Lumabas din sa pagsusuri na hindi siksik ang lupa bago binuhusa ng semento ang dike.
06:35Hindi rin pare-pareho ang kapal ng semento.
06:37At posibleng mahina ang concrete mixture na ginamit ayon sa pagsusuri.
06:42Ayon sa Palacio, dapat na itong ayusin agad para hindi na lumaki pa ang pinsala na aabot nyo yun sa sandaang metro.
06:49Nag-inspeksyon din sa barangay Bulusa ng Pangulo,
06:52kung saan nasita niya na mala ghost project ang proyektong inireport ng tapos
06:57kahit kulang pa ng dalawang daang metro at butas-butas pa.
07:00St. Timothy, ang kontratista dito.
07:04Kaya titignan natin, pasagutin natin kung bakit ganitong ginawa nila.
07:10Mas mabuti pa, dapat pumunta sa lera ito, pakita nila gano'ng kahirap ang buhay na binigay nila sa mga kababayan natin.
07:16Kasama ang St. Timothy, sa labing limang nakakuha ng pinakamaraming flood control project sa nakalipas na tatlong taon,
07:23sinisikap pa namin ko rin ang pahayag ng mga kumpanyang inilista ng Malacanang.
07:26I-pinabubusisi na sa Department of Public Works and Highways ang estado
07:30ng halos limang libong flood control project sa buong bansa ngayong taon
07:34para alamin kung may problema sa mga ito.
07:38Itinurn over na ni Budget Secretary Amen na pangandaman kay DPWH Secretary Manuel Bonoan ang listahan.
07:44Aabot ang kabuhoang halaga nito sa P346.6 billion pesos.
07:50Si Baguio City Mayor Benjamin Magalong nauna ng hinimok ng Malacanang na ilahad sa Pangulo
07:55ang mga nalalaman ng kaugni ng mga umano'y katiwalian sa flood control projects.
08:00Inihahanda na rao nila ang mga dokumentong makatutulong anya sa pag-imbestiga sa mga ito.
08:05We continue to collect evidence and leads.
08:10Patapos pati mga photos, pati mga kung ano-ano pa.
08:15Pwede nang magamit na rin sa pag-imbestiga para pag tinurn over naman natin ito,
08:20maayos naman ito at hindi na mahirapan yung mga investigating body.
08:24Para sa GMA Integrated News, ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
08:32Random drug test na Senado, iminungkahin ni Senate Minority Leader Tito Soto.
08:37Ito'y para raw masigurong drug-free environment ang mataas na kapulungan.
08:42Kasunod ito ng incident report na isang lady staff ni Sen. Robin Padilla
08:46ang naiugnay sa paggamit umano ng marihuana sa gusali ng Senado.
08:50Pinagpapaliwanag ng tanggapan ni Senador Padilla si Nadia Montenegro matapos siyang pangalanan sa incident report.
08:58Ayon sa Chief of Staff ng Senador, hindi na pumasok sa trabaho si Montenegro simula ng pumotok ang issue.
09:05Ilang rocket debris na recover ng Philippine Coast Guard sa Baybayin sa Look Occidental, Mindoro.
09:11Ayon sa Coast Guard, nakatanggap sila ng tawag mula sa PNP Maritime Group na may isang manging isda ang nakakuha ng debris kahapon.
09:20Pinaniniwala ang galing ito sa Long March 7A rocket launch ng China noong Hulyo.
09:26Pamunuan ang kondominium sa Tomas Murato, Quezon City kung saan ilang kongkreto nito ang kumalas at bumagsak sa tatlong estudyante,
09:34handang makipag-cooperate sa investigasyon ng QCPD.
09:38Kasabay nito, tiniyak ng QCPD na isa sa ilalim nila sa komprehensibong investigasyon ang insidente.
09:45Isang special investigation team ang binoo para rito.
09:48May hiwalay na pagsisiyasat din ang Quezon City LGU.
09:52Dalawa sa tatlong estudyante ang nananatidi sa ICU ng ospital dahil sa tinamong injuries.
09:58Para sa GMA Integrated News, Mark Salazar, ang inyong saksi.
10:09Apat na medalya ang nasungkit na ng Pilipinas sa 2025 World Games sa Chengdu, China.
10:17Nakamit ng Pilipinas Sambis na si Aileen Agnes Yap,
10:21ang bronze medal ng Women's Combat 80kg Division.
10:25Bronze din ang napanalunan ni Carlos Bailon Jr. sa kanyang laban sa Men's Wushu Sanda 56kg Division.
10:36Silver naman ang may uuwi ni Cheska Centeno matapos magwagi sa Women's 10 Ball ng Billiards.
10:42At sa Jiu-Jitsu, nakasilver din si Jenna Kailanapolis sa kanyang pagsabak sa Women's Neuaza 52kg Division.
10:50Kalunos-lunos ang sinapit ng walong aso sa Nueva Vizcaya.
10:55Na-trap ang mga ito sa sunog kahapon.
10:58Na-ilabas daw ng may-ari ang ina ng mga aso,
11:02pero tumalo nito para balikan ang kanyang mga tuta sa loob.
11:05At lahat po sila ay nasawi.
11:07Batay sa investigasyon, posibleng nag-overheat ang electric fan na gamit para sa mga aso.
11:13Sa Caloocan City, hinahanap naman kung sino ang nag-abandonaan sa 6 na aso sa tabi ng isang paaralan.
11:22Nitong linggo rao, napansin ng mga residente na paggalagala ang mga aso at hindi maayos ang kondisyon.
11:28Sinubukan na rao nilang mag-host sa social media, pero wala pang kumukuha sa mga ito.
11:34Nakikipagunay na ang barangay sa City Veterinary Health Office.
11:37Sa loob lang po na ilang oras, magsisimula ng pulong ni na U.S. President Donald Trump at Russian President Vladimir Putin para pag-usapan ang gera sa Ukraine.
11:48At sa Spain naman, labing-apat na wildfire ang sinisikap maapula.
11:53Ating saksihan.
11:57Magdamag ang pag-apula sa apoy ng mga bombero sa ilang bahagi ng Spain.
12:03Labing-apat na major wildfire ang inaapulang ngayong doon.
12:07Mahigit 150,000 hektaryan ng lupain ang nasunog.
12:11Pito ang patay.
12:12Kabilang ang isang bumbero na nasunog ang 85% ng katawan.
12:16Pahirapan ang pag-apula sa mga wildfire sa gitna ng labing-dalawang araw ng heatwave sa Spain.
12:22Nasinabayan pa ng malakas na hangin.
12:25Ayon sa mga otoridad, nakababahala ang sitwasyon sa kandurang bahagi ng bansa.
12:29Gaya sa Galicia, kung saan nagsara ang ilang highway at rail services.
12:33Nagbabala rin ang kanilang weather service ng posibleng paglala ng sitwasyon,
12:38lalo't inaasahang aabot sa 40 degrees Celsius ang temperatura sa hilagang bahagi ng Spain.
12:44Mula nitong June 1, sampu na ang naaresto sa Spain dahil sa pagsisimula umano ng mga wildfire.
12:51Sa Portugal, umabot na sa mahigit 50,000 hektary ang nasunog sa wildfires.
12:55Kabilang sa sinagip ang isang babae na sinubukong apulahin ang sunog sa isa sa mga bahay.
13:03Matinding pinsala rin ang dulot ng mga wildfire sa Greece.
13:08Bukod sa mga bahay at pabrika, kabilang sa napinsala ang ilang tourist island at tanima ng olive.
13:14Ilang bahagi rin ng Turkiye ang apektado ng wildfire.
13:17Ayon sa mga eksperto, tumataas ang banta ng wildfire sa Mediterranean region dahil sa mas mainit at mas tuyo na summer season.
13:26Ayon sa European Union, mahigit 400,000 hektary na ng lupa sa ilang bahagi ng EU ang nasunog.
13:34Ulan at baha naman ang namerwisyo sa Southern China.
13:37Lubog ang mga sasakyan sa Guangdong, kasunod ng pananalasan ng Bagyong Podol,
13:42na dating Bagyong Goryo noong dumaan ito sa Philippine Area of Responsibility.
13:46Apektado rin ang Hunan at Yi Yangtze provinces.
13:50Sa Hong Kong, itinaas muli ang pinakamataas nitong Black Rain Storm Warning dahil sa Bagyong Podol.
13:56Bago yan, binayo ng bagyo ang Taiwan kung saan mahigit isang daan ang sugatan.
14:01Alas tres ng madaling araw mamaya, oras sa Pilipinas,
14:04magsisimula na ang unang pulong sa pagitan ng mga leader ng Amerika at Russia mula noong 2021.
14:09Sa isang Air Force Base sa Alaska, USA, magpupulong si na US President Donald Trump
14:15at Russian President Vladimir Putin para pag-usapan ng gera sa Ukraine na pinasok ng Russia noong 2022.
14:22Ayon kay Trump, kung maganda ang kahinat na ng pag-uusap nila ni Putin,
14:26posibleng makapagtakda sila ng pulong kasama si Ukrainian President Volodymyr Zelensky
14:31at iba pang European leader.
14:33Si Putin naman ikinatuwa ang anay sinserong ginagawa ng Amerika para matapos ang digmaan.
14:38Bago yan, nagkaroon ng virtual meeting si na Trump at European leaders kabilang si Zelensky.
14:45Giit ng Ukrainian leader, umaasa siyang pag-uusapan doon ng ceasefire.
14:49Ang gera sa Ukraine, ang sinasabing may pinakamataas na death toll na gera sa Europe mula noong World War II.
14:56Dati nang sinabi ng Russia, ititigil ang gera kung aatras ang mga tropa ng Ukraine sa ilang bahagi ng bansa
15:01at aabandonahin na ng Ukraine ang balak nitong pumasok sa NATO o North Atlantic Treaty Organization.
15:08Ang mga demand na yan, tinanggihan na ng Ukraine.
15:11Itadaos ang Trump Putin Summit, kasunod ng banta ni Trump na magpatupad ang sanksyon sa mga bumibili ng Russian oil
15:17gaya ng China at India kung hindi matatapos ang gera.
15:21Para sa GMA Integrated News, ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
15:31Pagkita niyo sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment