Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hanggang ngayong gabi, tuloy-tuloy ang mga pagtitipon para sa ASEAN Summit sa Malaysia.
00:05At kanina, tinuliksa ni Pangulong Bombong Marcos ang tangkang pagtatayo ng China ng Nature Reserve sa Bajo de Masinok.
00:13At mula sa Kuala Lumpur, saksila si Marise Umali.
00:17Marise?
00:22Pia, sa mga sandaling ito ay nasa gala dinner na si ang mga ASEAN leaders,
00:27kabilang na si Pangulong Bombong Marcos at kasama niya roon ang kanyang may bahay na si First Lady Liza Araneta Marcos.
00:33Ang dinner ay hinost na nga siya na chairman at Malaysian Prime Minister na si Anwar bin Ibrahim at kanyang may bahay.
00:40Bago nito ay dumalo pa si Pangulong Bombong Marcos sa bilateral meeting kasama ang Vietnam na sinunda naman ng pagdalo niya sa 15th ASEAN United Nations Summit.
00:50At sa pagharap nga ni Pangulong Bombong Marcos sa iba't ibang mga pagpupulong dito sa ASEAN o Association of Southeast Asian Nations,
00:57ay ipinahayag niya sa mga world leader ang mariing pagtutol ng Pilipinas sa balak o binabalak ng ibang bansa para sa Bajo de Masinok
01:08na malinaw daw na paglabag sa soberanya ng Pilipinas.
01:11Sa unang dalawang araw ng ASEAN Summit sa Kuala Lumpur, Malaysia, dalawang beses nabanggit ni Pangulong Bombong Marcos
01:22ang tungkol sa tangkang pagtatayo ng Nature Reserve sa Bajo de Masinok sa West Philippine Sea.
01:28Una, noong ASEAN-US Summit kung saan kasama si US President Donald Trump.
01:32Geet ng Pangulo, ang tangkang pagtatayo ng Nature Reserve ay paglabag sa soberanya ng Pilipinas.
01:39Paglabag din daw ito sa traditional fishing rights ng mga Pilipino na ginagarantisa ng international law,
01:45kabila ang United Nations Convention on the Law of the Sea o ONCOS, a 2016 Arbitral Award.
01:51Ang ikalawa ay sa East Asia Summit kung saan naroon naman si Chinese Premier Li Chang.
01:56Pinukoy ng Pangulo ang anya ay kapitbahay sa norte na nagdeklara ng National Nature Reserve sa Bajo de Masinok.
02:03May eksklusibo rin anya ang otoridad ang Pilipinas para magtayo ng environmental protection area sa teritoryo nito.
02:09Dagdag ng Pangulo, sa kabila ng mga hakbang na ito, patuloy na ipinatutupad ng Pilipinas ang Declaration on the Conduct of Parties in the South China Sea.
02:18Isinulong din ni Pangulong Marcos ang pagkakaroon ng Code of Conduct sa South China Sea.
02:23Setiembre ng aprobahan ng State Council ng China ang pagtatayo ng Nature Reserve para naprotektahan ang biodiversity sa lugar.
02:31Naghain noon ang Pilipinas ng diplomatic protest.
02:33Nabanggit din ang Pangulo sa East Asia Summit ang mga insidente sa West Philippine Sea kung saan nalagayan niya sa piligro ang mga Pilipino maging mga barko at aircraft ng Pilipinas.
02:45Kabilang dito ang mga dangerous maneuver at panghaharang sa mga aktibidad ng Pilipinas sa sariling nitong maritime zones.
02:51Ayon naman sa Chinese Foreign Ministry, ang pag-uudyokan nila ng mga Pilipino ang pinagmumula ng tensyon.
02:57Sa kanya namang opening speech, sinabi ni ASEAN Chairman at Malaysian Prime Minister Anwar bin Ebrahim na ang anumang issue sa South China Sea na is daw nilang maresolba sa loob din ng ASEAN.
03:07We want it to be resolved within ASEAN and ASEAN with our partners in the region.
03:13Because the moment is seen to be imposed and dictated by outside forces, things become more problematic and tense.
03:24As far as we're concerned, things are still under control.
03:29Sa photo opportunity ng mga ASEAN leaders sa ASEAN-Japan Summit, kapansin-pansing wala ang Pangulo.
03:35Wala po ang Pangulo sa photo ops pero umatin po siya sa summit.
03:40Nagkataon lang po nung sila ay nakaroon ng photo ops, ang Pangulo ay nasa extended bilateral meeting pa with UN.
03:46Sa gitna ng ASEAN Summit, inanunsyo rin ang Malacanangang price freeze sa lahat ng pangunahing bilihin hanggang matapos ang taon.
03:54Kumpirmado na rin si NBI Assistant Director Lito Magno ang bagong officer in charge ng ahensya,
04:00kapalit ng nagbitiw ng NBI Director na si Jaime Santiago.
04:03Pia Bukas ay formal na magtatapos ang 47th ASEAN Summit and Related Summits
04:13at dito rin gaganapin ang handover of the ASEAN chairmanship para sa Pilipinas.
04:19At yan ang pinakasariwang balita live mula rito sa Kuala Lumpur, Malaysia.
04:24Para sa GMA Integrated News, ako si Mariz Umaliang inyong Saksi.
04:28Mga kapuso, maging una sa Saksi.
04:32Mag-subscribe sa GMA Integrated News sa YouTube para sa ibat-ibang balita.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended