Skip to playerSkip to main content
Problemado ang isang senior citizen na dumulog sa inyong Kapuso Action Man! Hindi na nga niya nakuha ang payout ng kanyang ayuda... pinapa-reapply pa umano siyang muli kahit lehitimo naman siyang benepisyaryo.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, problemado ang isang senior citizen na dumulog sa team ng inyong Kapuso Action Man.
00:08Hindi na nga niya nakuha ang payout ng kanyang ayuda, pinapa-reapply pa umano siyang muli kahit lehitimo naman siyang beneficiary.
00:15Taong 2024 na rehistro para maging beneficiaryo ng Social Welfare Assistance ng Quezon City Office for the Senior Citizens Affairs, ang 66 anyos na si Lola Domi.
00:34Ito'y para makatanggap ng 500 pisong ayuda kada buwan ang mga indigent senior citizen na walang pensyon at ibang pinagkakakitaan.
00:42Ang problema, hindi nakuha ni Lola Domi ang ayuda sa nagdaang dalawang payout ngayong taon.
00:49Mayroon daw kayong nakatakda o nakaschedule na payout nitong March at July. Nakuha niyo ba ito?
00:55Noong time na yun hindi, pero pinalo up ko siya sa August na dahil sa August ko na nakita.
01:02Ano po nangyari noong nag-follow up kayo noong August?
01:04Mag-apply daw ako ulit. Sa isip-isip ko, ang hirap naman nun. Kung gagawin ko ulit yun, sabi ko, para bang nakakapagod?
01:13Ipinagtatakan ni Lola Domi kung bakit pinag-a-apply siyang muli para maging beneficyaryo kahit palihiti mong nasa listahan na siya ng OSCA.
01:22Siyempre, masakit.
01:23Ano po ang pakiusap ninyo ngayon sa OSCA?
01:26Huwag naman ninyo akong pa-applyin pa ulit kasi iniisip ko ngayon ang layo na ng OSCA office sa barangay.
01:35Tapos yung pera kasi saan ko naman yung kukunin ng igagasto ko. Ang gusto ko lang sana na yung makatanggap man lang ako para malaking tulong na rin sa akin.
01:47Dumulog ang inyong kapu sa Action Man sa Kasun City, Social Services Development Department.
01:52Ito ay binibigay namin quarterly. Ang payout kasi ng Social Welfare Assistance ay true sa City Treasures Office.
02:04So, kapag halimbawa meron na kaming schedule ng payout, so ito ay naka-announce sa OSCA Facebook page,
02:13then sa City Government din, and at the same time sa mga barangay at sa mga association din na ito yung date ng payout.
02:23Kapag hindi nakarating ang isang senior citizen, nag-i-schedule pa rin kami ng unclaim.
02:28Mga 3 to 5 days ang schedule namin for unclaim.
02:32So, yung mga senior citizen na hindi nakarating, even doon sa schedule ng unclaim,
02:40so ang Treasures Office, sinusoli na ang pera.
02:45Pero nililaw ng OSCA na hindi na kailangan magparehistrong muli ni Lola Domi.
02:49Dahil, ang re-application ay para lamang sa mga beneficyaryong isang taon nang hindi nakakakuha ng payout.
02:55No need naman na mag-apply pa si nanay.
02:57Si nanay kasi sa case niya is para three quarters pa lang.
03:02Nagpapasalamat naman si Lola Domi dahil sa Nobyembre na itinakdang ibigay ang hindi pa niya nakukuhang 3,000 piso ayuda.
03:10Nagpaalala ang opisina sa mga beneficyaryo na ugaliing i-check ang kanilang official social media pages para sa mga kalagang anunsyo hinggil sa schedule ng payout.
03:18Mission accomplished tayo, mga Kapuso.
03:25Para po sa inyong mga sumbong, pwedeng mag-message sa Kapuso Action Man Facebook page
03:29o magtungo sa GMA Action Center sa GMA Network Drive, Corner Summer Avenue, Diliman, Quezon City.
03:34Dan sa anumang reklamo, pang-aabuso o katawalian.
03:37Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
03:40Tiyak, may katapat na aksyon sa inyong Kapuso Action Man.
Comments

Recommended