Skip to playerSkip to main content
Sabay-sabay ngayong kapaskuhan ang dami ng mga mamimili at naghahanap ng pagkakakitaan, kaya ang iba nang-i-i-scam. Kaya ingat para maiwasan ang 12 Scams of Christmas.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.


#GMAIntegratedNews #GMANetwork #KapusoStream

Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews

GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mga Kapuso, sabay-sabay ngayong Kapaskuhan ang dami ng mga mamimili at nagkahanap ng pagkakakitaan.
00:07Kaya ang iba ng i-scam. Kaya ingat po para maiwasan ang 12 scams of Christmas.
00:14Kung ano-ano ang mga ito, tinutukan ni Maki Pulido.
00:21Kailan lang nang maging viral ang bentahan ito ng cellphone?
00:24Akala ng kumukuha ng video, ini-scam siya ng kinatagpo niya kaya ayaw ibigay ang cellphone na binayara na niya.
00:31Yun pala, walang natanggap ang may-ari ng cellphone.
00:34Ang kausap nila, isang middleman na nagpanggap na sila at pinagtagpo lang sila sa mall.
00:39Ito ang middleman scam, isa sa 12 scams of Christmas na inilista ng Scamwatch PH at ng CICC o Cybercrime Investigation and Coordinating Center.
00:50Ang scammer, kinukuhang impormasyon ng mga binibenta ng mga legitimate online seller at ibibenta halimbawa sa marketplace ng Facebook.
00:58Tip, iwasan magpadala ng pera online gamit ng e-wallet.
01:02Ingat din sa mukhang legit store dahil pwedeng shopping scam yan.
01:06Sa modus na ito, peke ang Facebook account o mismong website pati ang item.
01:11Payo ng grupo, mag-cash on delivery.
01:13Use the legitimate online shopping apps, yung lagi nating ginagamit kasi they have a security feature from within.
01:22Para sa mga cash delivery, ginagawa naman ang fake delivery scam.
01:26Walang laman o mali ang delivery na inabunohan na ng rider sa merchant kaya di sila makakapaningil sa customer.
01:33Minsan, mismong delivery rider ang mag-scam kaya laging kunin ang pangalan ng driver at kanyang plate number.
01:39Ikatlo sa listahan ang call scam. May tatawag para mag-alok ng mas mataas na credit limit sa credit card.
01:46Pero hihingan ka muna ng mga personal na impormasyon pati security code ng card.
01:51They will be using the data to basically scam you. So minsan habang kausap nyo, inuubos na yung laban ng credit card nyo.
02:01Sa job scam naman, trabaho ang iaalok sa mga text o messenger app.
02:05Pero may babayaran tulad ng training kit. Kung may trabaho o pera ka naman, ingat sa investment scam.
02:12Pangangakuan ka ng malaking tubo o kita sa cryptocurrency, foreign exchange o gold trading.
02:19Nabiktima nito si Ednaline noong kasagsagan ng COVID pandemic. Nahirap noon kaya gustong mapalago ang ipon.
02:26First time na yun, hindi ko na talaga po pinagalawa.
02:28Ang pangalawa. Ang ginagawa ko po, pag mayroon pong nagaganyan sa akin, binablock ko na lang po.
02:33Ihingin po nila yung number ko, tapos hindi ko po binibigay.
02:36Kadikit na raw ng scam na ito ang love scam na nambibiktima sa mga dating app.
02:40Pahuhulugin muna ang loob ng biktima bago hingan ng pera. Red flag yan, kaya huwag marupok.
02:46Kina-target nila, yung mga 45 patas, widowed widower, hiwalay sa asawa, yung mga anak nila nasa Manila na nagtatrabaho, nag-aaral.
03:01So sila na lang yung malulungpot yung gabi. At lalo na ngayong Pasko, malamig yung Pasko nila.
03:09Loan scam ang ikapito sa listahan. Nasa app daw sila pero peke yan o hindi ma-download.
03:14O kung meron man, ma-access pala ng app ang mga litrato at contacts mo.
03:19And then pag nag-complain ka, hindi ka nakabayag, tatawagan lahat nila yung mga nasa address mo.
03:26At sasabihin nilang hindi ka nagbabayag ng untang, ipapahiya ka nila.
03:29Sa impersonation scam naman, Facebook account ang ihahack.
03:33Pag na-access na ang FB mo, sila naman ang magpapanggap na ikaw sa mga FB friends mo para utangan o hinga ng pera.
03:40Kaya huwag magbigay ng personal info at security code sa kahit sino, kahit friends mo online para hindi makuha ang account mo.
03:49Kung nangyari na, tumawag daw agad sa hotline 1326 para matulungan kang ma-recover ang account mo.
03:56Sa mga gustong bumiyahe ngayong Pasko, ingat din sa travel scam.
03:59Peke ang ilang booking agency o website.
04:02Kaya mag-book lang sa mga legit o mismong site ng airline o accommodation apps.
04:07Sa mga generous, lalot Pasko, utak at puso pa rin dapat para hindi ma-charity scam.
04:13Baka nagpapanggap na biktima o charity ang nanghihingi ng donasyon o nagpapakita ng QR code.
04:19Tiyaking legit yan o idiretsyo ang tulong sa foundation.
04:22Last but not the least, inilista na rin ang online gambling.
04:26Kung mabilisan ang kita, magduda na.
04:29Biktima ka man o hindi kung may scam, i-report ito sa hotline 1326.
04:33Para sa GMA Integrated News, Mackie Pulido na Katuto, 24 Horas.
Be the first to comment
Add your comment

Recommended